Sinubukan kong ikalma ang sarili ko habang kami ay nasa byahe ngunit hindi iyon naging madali. Hindi lang pala ngiti ang umaabot ng langit kung hindi pati kaba. Paano pa kaya kung mahilig ako nitong uminom sa kape? Baka nag-palpitate na ako ngayon. Well, umiinom ako ng kape pero kapag desperado lang na makapagpuyat. Noong nag-aaral ako ng college, madalas iyon ang ka-partner ko kapag gabi dahil antukin ako, e, ang dami ko lagi noong gawain. Hindi ako maaaring makatulog kaya pinipilit kong gisingin ang sarili. "Chain, uy!" "A-Ano?" Gulat na tanong ko nang biglang may pumitik sa harap ko. "Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka kumikibo d'yan. Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Collier habang nakakunot ang noo. "Uh, oo." Alanganin akong napangiti. "Kabado lang." "Are you sca

