"Tumigil ka nga." Sumama ang tingin ko sa kanya. "Hindi ka naman nakakatuwa." Huminga ako nang malalim, pilit kong pinapalakas ang loob ko. Sa totoo lang, sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon. Isama mo na ang confusion. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang kinikilos niya. May hidden agenda ba siya? Anong gusto niyang mangyari? Hindi naman siya mukhang lasing para masabi na wala siya sa sarili. Siya pa rin iyong Daen na katulad ng dati. Hindi ko lang ma-gets kung bakit ang aggressive niya ngayon, para siyang naturukan ng pampa-hyper. Muli akong bumunot nang malalim na hininga. Tumayo ako nang maayos at saka kinuyom ang dalawa kong kamay. "Bakit mo iyon ginawa? Alam mo bang pwede kitang isumbong sa pulis? s****l harassment ang ginawa mo." Masama pa rin ang tingin ko sa kany

