Chapter 72

2391 Words

Sa totoo lang, hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. Gusto ako ni Daen– I mean, mahal niya raw ako at gano'n din ang nararamdaman ko sa kanya. Kung iisipin, para ba ang imposible nito. Sa mga fictional books, pwede pang mangyari ito pero sa akin? Sa buhay ko? Hindi talaga. Feeling ko, nananaginip ako ng gising. Paano kung may sakit nga ako at imagination ko lang ito? "Nakatulala ka na naman d'yan." May daliring pumitik sa harap ng mata ko. Nang mag-angat ako ng tingin, sinalubong ni Daen ang mga mata ko. Mabilis ko rin namang iniwas ang paningin ko dahil wala siyang suot na pang-itaas. "Bakit?" Nakangusong tanong ko habang hindi nakatingin sa kanya. "Anong iniisip mo? Kanina ka pa nakatingin sa kawalan." Ramdam ko ang pag-upo niya sa tabi ko pero hindi ko sinubukang tingna

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD