Kakauwi ko lang galing sa resort, pagod ang pareho kong binti kakalangoy kanina. Talagang sinulit ko na dahil baka iyon na ang huli kong punta roon– hindi lang doon kung hindi sa area na may tubig. Hinatid ako ni Daen dito sa bahay. Dahil hindi ako masyadong nakatulog sa resort last night, antok na antok ako sa byahe namin. Hindi ko tuloy namalayan na nasa bahay na ako. Nalaman ko na lang nang biglang lumambot ang pinapatungan ng likuran ko. Kinusot ko ang mata ko at nilibot ang paningin. Wala na siya. "Daen..." Sinubukan kong tawagin ang pangalan niya pero sadyang hindi na siya lumitaw. Umalis na siguro ang isang iyon. Napabuntong-hininga ako. Nang maramdaman ko na mahihikab ako, tinakpan ko agad ang bunganga ko ng kanang kamay at saka gumilid ng higa. Unti-unting pumikit ang mata

