I finally said it. Nailabas ko na rin 'yong matagal ko nang kinikimkim. Ang weird lang. Hindi ba kapag nalabas mo na, dapat magaan na 'yong loob mo? Makakahinga ka na nang maluwag, mawawala na ang tinik sa lalamunan mo... Supposedly, gano'n dapat ang mangyari. Bakit ganito? Parang mas sumakit lang. Walang nag-iba. Imbis na mabawasan, nadadagdagan pa. This is odd. "What are you saying, Chain? It is not right to lie. Magpahinga ka na lang muna, sure ako na pagod ka lang." Hinawakan niya ang balikat ko pero tinabig ko ang kamay niya. "Shut up, Collier." Pinunasan ko ang luha ko gamit ang kamay. "Wala ka namang alam... hindi mo naiintindihan iyong nararamdaman ko." "Chain, sleep ka na muna. Please rest. Hindi maganda ang–" "Totoo ang sinasabi ko." Masama ko siyang tiningnan. "Bakit ba

