The field trip was fun. Iyon ang unang beses ko na makapunta sa dagat, ang ganda pala at ang presko. Tuwang-tuwa rin ako sa gilid ng bintana dahil ang sarap sa mata ng mga lugar na nadadaanan namin. Sayang nga at wala akong magandang cellphone, hindi tuloy ako makapag-picture. Paminsan-minsan, pasimple kong binubunot sa bulsa ang keypad ko at ginagamit pang-picture. Maganda naman ang quality ng picture nito kahit keypad lang, mas matibay pa nga 'to sa bungo ng tao, kahit ipangbato mo sa daga na padaan-daan sa kusina niyo, hindi pa rin masisira. Sa ngayon, pauwi na kami galing sa beach. Wala ng araw, kita na ang buwan, malamig na rin dito sa bus lalo na't nakatapat ako sa aircon kaya doble jacket ako. Kahit nga dala-dalawa na, ramdam ko pa rin ang lamig. 'Yong iba kong mga kaklase, ri

