Tahimik kami pareho sa byahe. Gusto kong magsalita at daldalin siya pero parang ang awkward kung mag-iingay na lang ako bigla. Nang patugtugin niya ang stereo ang kotse, nakisabay na lang ako roon sa kanta. May mga segundo na pasulyap-sulyap ako sa kanya pero tumigil din ako dahil bigla siyang tumingin sa'kin– napansin niya yata na panay ang nakaw ko sa kanya ng sulyap. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana at naki-vibes sa kantang naririnig ko kahit hindi ako pamilyar sa lyrics. "Ang lalaki talaga ng mga billboard dito, 'no..." Mahinang usal ko habang nakatingin sa mga artistang nakalagay ang litrato sa billboard. Mayroon pang sign at pangalan nila. Ano kayang feeling nila? Malagay sa gan'yan kalaking billboard at makikita ng maraming tao? Sa mga ngiti pa lang nila, halatang wala

