Ilang araw pa ang nagdaan at halos naka anim na ses'yon ako sa pagpunta kay Dr. Emie. Alam ko na hindi pa sapat ang ses'yon na 'yon para ako ay makalimot kaagad.
"Kung sa 'yong pakiramdam ay kailangan mo pa siya, sige sasabihan ko si Dr. Emie." Wika ng aking ina na parang nahiwatigan kaagad ang ibig kong sabihin.
"Sa ngayon ay baka 'di na muna ako pupunta kay Dr. Emie at ako ay mag-concentrate muna rito sa aming hearing." Sambit ko kay mama na medyo balisa dahil malapit na rin ang aming sunod na hearing.
Dumaan ang mga araw at nasa harap na naman kami ng korte. Hindi sumipot ang aking asawa nagpatuloy pa rin ang kaso.
Ginisa na ng kabilang kampo ang aming mga testigo at lahat ay ginawan nila nang paraan para ang mga taong tetestigo sa amin ay mawalan nang kredibilidad.
Inakusahan pa nila ako na ako raw ay may kalaguyo at prinisinta nila ang kuha ng CCTV na ako ay kasama ng isang lalaki habang ako ay masaya ritong nakipag-usap.
Lahat nilinaw ng abogado ko at na depensa niya ito nang mabuti kaya pagkatapos niyon ay binigyan nila kami nang pagkakataon para kami ay muli makapagprisinta ng ebidensya para sa susunod namin na hearing.
Ayaw ko sana pero wala na ako magawa nang sabihin ng abogado na kailangan na naming ilabas ang huli raw naming alas kung gusto ko na kami ay manalo.
"Ms. Jenna, alam ko na 'di mo gusto na ilabas ito sa tao pero kailangan dahil ito lamang ang magpapanalo sa atin!" sabi pa ng aking abogado nang seryoso.
"Kung 'yon po ang siyang dapat, gawin na natin!" ani ko sa aking abogado walang alinlangan.
Pinakita niya sa akin ang lahat ng ebidensiya na aming ilalahad sa susunod namin na hearing.
Napangiti ako, dito pa lamang sa ebidensiya na ito ay taob na kaagad siya. Wala na siya at tapos na kaagad usapan.
Nang sumunod na hearing ako ang kanilang pinaharap sa korte. Tinawag na ako kaya ako ay tumayo at saka ako tumayo sa gitna.
Ang suot ko isang white blouse na naka-tuck- in at may gray na blaser. Mayro'n itong terno na gray pants.
Nang araw na 'yon ay bigla na lang dumating si Marco kasama niya ang kan'yang abogado. Ako ay kinabahan pero lumapit ang abogado ko at saka kan'yang pinalakas ang loob ko.
"Ito na ang ating last na alas kaya lakasan mo ang loob at isipin mo muna ang 'yong isasagot." Malinaw na saad niya na paliwanag sa akin.
Lumapit ang clerk of court at tinanong ako kung ready na ba ako. Napatingin muna ako sa mga magulang ko at saka tumango sa clerk.
"Miss Jenna Escobar, ikaw ba ay sumusumpa sa harap ng Diyos at saka ng hukuman na ito na ikaw ay magsasabi nang katotohanan nang walang pag-iimbot at nang buong katotohanan lamang?" tanong ng clerk of court sa akin habang ang isang kamay ay nakapatong naman sa bible at ang isang kamay ay kalahating nakataas.
"Ako si Jenna Escobar ay taimtim na pinahahayag at pinagtitibay na ang mga katibayan na ibibigay ko ay ang katotohanan, at ang buong katotohanan lamang!" sagot ko nang tapat at walang kahit ano pang pag-alinlangan.
Nagsimula na akong tanungin ng aking abogado at kahit kinabahan binigay ko ang lahat nang tapat at wala akong sinabi na hindi totoo.
Sa huli ako ay tinanong niya kung si Marco ba ay mayroon ibang babae na dinala sa bahay.
"Wala po pero kung minsan ito po ang naghahatid sa kan'yang nobya." Sagot ko na malinaw sa harap ng lahat.
"Puwede mo ba sabihin sa aming lahat na naririto kung ang babae ba na sinasabi mo ay narito?"
"Opo naririto po siya, 'yon po siya ang katabi ng asawa ko!"
Lahat ay bigla lumingon at tumingin sa bahagi kung saan nakaupo ang asawa ko na si Marco.
"Kilala mo ba siya, Mrs. Escobar?" tanong nito muli sa akin na seryoso.
"Opo, siya ang dating nobya ng asawa ko at saka hanggang sa ngayon ay mahal pa rin ng asawa ko!"
"Paano ninyo nasabi na ang babae na inyong tinuro ay ang nobya niya, Mrs. Escobar?"
Pinakita ko sa abogado ang aking cellphone at saka pinarinig namin sa loob ng hukuman ang aming pag-uusap nang isang gabi kami ay nag-aaway ni Marco.
Isang gabi kasi na dumalaw si Anna sa akin nang bigla dumating si Marco na late na. Tinanong ko siya kung saan ba siya nanggaling at kanina pa kako naghihintay ang kapatid niya.
Nagalit siya at ako ay kan'ya nang sinampal. "Gusto mo malaman kung saan ako nanggaling? Sasabihin ko sa 'yo nang matigil ka na. Galing ako sa nobya kong si Nerissa, ngayon may reklamo ka?"
Malinaw ito na narinig ng lahat ang nasa video na 'yon. Pagkatapos ko itong iparinig ay lumapit ang abogado ko at saka niya binigay ang aming hinanda na audio nang aming pag-uusap ni Marco sa judge bilang ebidens'ya.
Nakita ko siya na para bang nag-iba ang timpla ng mukha. Galit ito at parang gusto na niya ako na suntokin pero pinigilan lamang ng abogado nito.
Nagpatuloy pa ang tanungan at sa huli ako ay ginigisa na ng abogado ni Marco. Hindi ako natakot at lahat ng aking sinabi ay ang totoo lamang.
Pinakita ko sa lahat kung paano ako bilang isang asawa at lahat ay parang namangha dahil sa aking pagiging martir.
Tinanong din nila ako kung paano si Marco sa akin na makitungo at sinagot ko ito nang walang pag-alinlangan.
"Lagi po siyang hindi umuuwi sa amin. Sa isang linggo po siguro ay mga dalawang beses po lamang,"
"Nasaan po siya sa mga araw na wala siya sa bahay?" ang tanong nitong abogado.
"Hindi ko po siya tinatanong dahil lasing siya at lagi na lamang nagagalit sa akin."
"Hindi ba kayo nag-uusap nang matino ng asawa mo?"
"Hindi po kasi lagi po siyang nakasigaw sa akin." Sabi pa niya "Asawa lamang kita sa papel at huwag mo akong pakikialaman kung ayaw mo masaktan."
"Palagi po bang ganito ang turing niya sa inyo, Mrs. Escobar?"
"Opo dahil galit po siya dahil pinikot ko lamang po raw siya!"
"Bakit ngayon ka lamang lumantad at nagsabi na ikaw ay kan'yang sinasaktan samantalang halos dalawang taon na kayong kasal?"
"Akala ko po kasi ay mayroon pa na pagkakataon na siya ay magbabago pero nitong huli ay hindi ko na po nakayanan dahil muntik na akong mamatay!"
Wala naman ako sinabi na hindi totoo at hindi ko rin na kinahiya na ginawa ko 'yon para isalba ang aming kasal pero lahat ng 'yon ay kan'yang binalewala ng ako ay saktan niya nang paulit-ulit ng araw na 'yon.
Sa huli hindi rin nila ako natinag. Dahil lahat naman ng aking mga sinabi ay totoo. Nakita ko na tumayo si Marco at ang babae niyang si Nerissa.
Aalis na sana sila pero bigla itong naupo muli nang nagsalita ang judge at sinabi nito na sa susunod na hearing pagpapatuloy ang pag-present nang iba pang ebidens'ya.
Saka ako parang nabunutan ng tinik, tumayo at niyakap ang aking ina na mabilis na lumapit sa akin kasama ng aking ama.
Kaagad kaming umalis na sa lugar na 'yon dahil sa totoo nanginginig ako sa kaba.
"Paano ka magiging abogado niyan kung 'yan lamang ay para ka nang pinitpit na luya!"
sabi pa ng aking ina habang nakatingin nang seryoso sa akin.
"Ma naman, ano ang akala ninyo sa akin, robot? Walang pakiramdam at 'di nasasaktan sa mga tanong at tingin ng mga tao sa akin?" sagot ko rito na malungkot pa rin dahil para nitong nasanggi ang pride ko.
"Pasensiya ka na anak sa mama mo, gusto ka lamang niya patawanin dahil sa alam namin na 'yong binigay ang lahat para lamang maging tagumpay ang inyong buhay mag-asawa."
Tumingin ako sa aking ina, alam ko na masakit rin na ako ay makita niya sa ganoon na kalagayan at naiintindihan ko siya kaya sila ay pilit ko nang niyaya para kumain.
Ilang beses pa kami nagharap ni Marco sa korte pero hindi kami nag-usap. Ayaw ko na kami ay magkaroon pa nang pagkakataon na mag-usap dahil hindi pa ako handa.
Bumalik na ako muli kay Dr. Emie at unti-unti nabawasan na rin ang aking mga nightmares sa gabi. Sinunod ko ang mga payo niya sa akin na kapag ako hirap makatulog na ay puro magaganda na lang ang isipin.
Binigyan niya ako ng mga exercises that can help me to sleep well. Siguro kung wala siya baka hanggang ngayon ako ay para pa ring patay na naglalakad sa kawalan.
.