Huling Pagkikita

1439 Words
Nasa korte na naman kami at hindi na naman kami sinipot ni Marco. Pinagsabihan ng Judge ang abogado ni Marco at humingi naman ito kaagad ng paumanhin, sinabi nitong sa susunod ay tiyak na niyang ito ay darating. Nagtakda na naman si Judge Velasco nang susunod na hearing dahil sa 'di pagsipot ni Marco kaya inis na inis ako at isang araw na naman ang kan'yang sinayang. Nang sumunod na hearing ay muli niyang 'di ito sinipot. Gan'on din ang mga nangyari sa mga sumusunod pa kaya wala nang nagawa si Judge Velasco kun'di ibaba na ang hatol niya sa kaso. Nanalo kami at pinayagan ako ng korte na malaya nang ipawalang bisa ang aming kasal. Inatasan din nang mataas na hukuman mabigyan ako nang proteks'yon laban sa asawa kong si Marco o ang Kautusan na pansamantalang pagpigil o Temporary Restraining Order. Ito ay isang atas ng hukuman na naglalayong kagyat na ipatigil nang pansamantala ang anumang ginagawa o balak gawin ng isang tao upang maiwasan ano man malubhang kapinsalaan o ang perhuwisyo sa isang panig. Sa kaso naman ng pananakit niya at panggagahasa ay hinatulan siya ng korte na makulong at magbayad nang danyos perwisyo. Kinausap ko ang aking abogado nang tungkol sa kaso ng pananakit at ang panggagahasa nito. Sinabi kong iurong na lang ito at aking tatanggapin na lamang ang danyos perwisyo na inatas dito sa kan'ya nang mataas na hukuman. Maaring 'di nila naiintidihan ang ginawa ko pero tama nang napawalang bisa ang aming kasal. Ayaw kong lalo pa siyang mapoot sa akin 'pag makulong ito at iniisip ko rin ang mararamdaman pa ng aking mga biyenan. "Jenna, anak congrats!" bati ng aking ina sa aming pagkapanalo. "Thank you mama!" sagot ko rito na tuwang-tuwa. "Anak, aayusin na namin ni Papa mo ang pagpunta natin sa Canada." "Sige po, mama kung sa palagay ninyo ay ito ang mabuti!" Nang araw na 'yon binalak kong pumunta sa isang beach resort. Gusto kong makita ang ganda nang pagbaba ng haring araw. Sinabi ko sa mother ko ito na isasama ko si Ana sa aming pagpunta ng Batangas. Si Ana ay nahihiya dahil sa nangyari kaya ayaw sana niya sumama. Sinabi ko sa kan'ya na ngayon siya ang aking matalik na kaibigan at hindi ang aking sister-in- law. Pumayag na rin siya na sumama sa amin. Araw ng punta namin sa beach, nailagay na nila ang mga gamit na dadalhin. Dumating na rin si Ana kaya kinuha ko na rin ang backpack na dala nito at nilagay ko sa likuran ng aming sasakyan. Umupo kami sa likod ni Ana. Nasa harapan ng sasakyan naman ang aking mga magulang. Mahaba ang biyahe namin kaya umidlip muna kami ni Anna. Ilang oras pa at kami rin ay nakarating na sa ML Beach Resort & Waterpark, ginising na kami ng mother ko. Nagpunta ito sa reception area at kumuha ng dalawang kuwarto. Isa sa mga magulang ko at isa sa aming dalawa ni Anna. Ibinigay ni mama ang susi ng kuwarto namin. Niyaya ko na si Anna na umakyat at ng kami ay makapag pahinga sandali. Nakaraan ang tatlong oras ay bumaba kami ni Anna. Nakasabay pa namin sila Mama Thelma at Papa Peping sa elevator. "Tamang tama, tatawagan ko na sana kayo ng tayo ay makakain na." Sabi ng mother ko. "Gutom na nga ako, gusto ko ng beef tapa at mango juice." Pakiusap ko kay mama. "Gan'on na lang din po ako." Ani Anna. Inorder na ni papa ang mga pagkain na gusto namin. Makalipas ng ilang minuto ay dumating 'yon at tahimik na kaming kumain. "Anak, saan ba ang punta ninyo pagkatapos natin na kumain?" "Baka po sa beach, tapos kami ay mamangka. Hindi pa kasi ako nakasakay ng bangka," wika ko sa kanila na naaliw sa aking binanggit. "Sige, ingat na lang kayo. Dito na lang muna kami sa pool ni papa mo. Hinalikan ko muna sila mama at papa bago kami pumunta ng beach ni Anna. "Nahiya ako sa magulang mo dahil alam kong galit sila sa kuya ko," "Okay lang 'yon. Alam nilang kaibigan kita noon pa at 'di porke kapatid mo siya ay galit na rin kami sa buong pamilya ninyo!" "Salamat at gan'on pa rin ang turing mo sa akin. Mahal kita at alam mo 'yon. Noon ko pa nga sinasabi sa 'yo na makipaghiwalay ka na sa kapatid ko," "Alam ko pero akala ko puwede pa magbabago ang kapatid mo . 'Di ko alam na magiging maselan pa pala ang mangyayari!" Napaiyak na ako pagkasabi 'yon kay Ana. Mabigat ang loob ko dahil sa napamahal na rin sa akin si Marco. 'Di ko matanggap na bigo ako sa pag-aasawa. Akala ko ay matatapos na ang lahat nang 'yon sa paghihiwalay namin pero hindi rin pala. Gan'on ko na ba siya kamahal? "Halika na magpalit na tayo ng damit panligo." Yaya ko pa kay Anna. Malamig ang tubig dagat kaya medyo giniginaw ako kaya nayakap ko si Anna. "Kumusta na ang kapatid mo?" "Hindi ko alam? Hindi naman siya umuuwi sa bahay lalo na at galit pa sila mama sa kan'ya," ani Anna sa akin. "Sana okay lang siya. Kahit gan'on naman ang nangyari sa amin kahit na nasaktan niya pa ako, siya pa rin ang una kong lalaking minahal!" hayag ko kay Anna na parang nalulungkot. "Hay, talagang mahal mo na nga ang aking kapatid na gago!" 'Di ako umimik sa kan'ya at saka nagtampisaw na lang ako sa tubig. Bigla napatingin ako sa ulap nang bigla na lang kumulog. "Naku, uulan pa yata. Kasimula pa lamang natin, parang pinauuwi na kaagad tayo." Wika ko pang galit. "Baka 'di naman magtutuloy 'yan, saka na lang tayo umahon," Mukha nga na 'di uulan dahil ilang oras na kami nasa dagat ay wala pa rin ang sinasabi kong ulan. Nakatingin sa akin si Anna na para nanghinayang. Sino ba ang hindi? Kahit ako rin kaso wala na akong magagawa kun'di buuin ang sarili na nawasak dahil sa maling lalaki na pinakasalan. Naghabulan kami ni Anna nang nakita ko sa hindi kalayuan ang isang lalaki. Nakatanaw ito sa amin ni Anna. Hindi ko maaninag ang mukha ng lalaki pero sa tayo at tindig ay parang si Marco, ang dati kong asawa. Hindi ko sinabi kay Anna ang nakita ko. 'Di ko na pinansin ito at nagpatuloy kami sa kuwentuhan at biruan namin. Pinanood namin na dalawa ang takipsilim. Napansin kong nando'n pa rin ang lalaki at parang nakatanaw pa rin ito sa amin. Niyaya ko na si Anna na bumalik na sa hotel. Gutom na ako kaya nang makapagbihis na kami ay bumaba na para kumain. Kumain kami sa buffet resto nang hindi sinasadyang napatingin ako sa lalaking pumasok. "Okay ka lang ba, Jenna?" "Okay na okay!" sagot ko kay Anna kahit hindi. "Gusto mo bang umalis na tayo?" "Tapusin na lang natin ang pagkain saka tayo umalis." Maya-maya ay may biglang lumapit na lalaki. "Mayroon ba kayong kasama? Puwede pa ba ako rito?" "Kuya, ano ba ang ginagawa mo dito? Pinagbawal na sa 'yo ng korte na basta na lamang lumapit kay Jenna. Bakit nandito ka ngayon?" "Bakit masama bang lumapit sa aking ex-wife? Hindi ko siya pinansin pero may para akong tuwa na naramdaman sa aking puso. Gan'on pa rin siya guwapo pa rin at kahit pa ang arogante magsalita. Mahaba na ang kan'yang bigote pero bumagay dito. Inalis ko ang tingin sa kan'ya. Nakangiti ito na parang nakakaloko. "Congrats pala sa pagkapanalo mo sa kaso!" "Ano ba ang kailangan mo at nandito ka? Umalis ka na dahil kapag nakita ka ng mama at papa ko ay baka magkagulo dito!" "Matapang ka na? Sino ba ang pinagmamalaki mo ngayon?" "Puwede ba, ayaw na kitang makita pa kaya umalis ka na bago pa kita ipahuli sa pulis!" Tumingin siya at saka lumapit na siyang kinabigla ko. Hinawakan niya ako sa braso "You're mine, kahit ano pa gawin mo ay 'di ka makakaligtas sa akin." Bulong niya sa aking tainga siyang ikinatindig ng aking mga balahibo. Bigla namang dumating ang aking mga magulang kaya bigla niya akong binitawan at saka siya nagmamadaling umalis. "Ano ba ang nangyari? Bakit ba nandito naman ang walanghiya na lalaking 'yon?" sabi ng aking ama na galit na galit. "Sorry po, baka nasundan po ako ng kapatid ko." Saad ni Anna na nahihiya sa amin. "Need na natin talagang makaalis nang makalayo na si Jenna sa panggugulo ng hayup na 'yon." Sambit naman ng aking ina habang nakatingin pa rin sa lugar kung saan lumabas ang dati kong asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD