'Di ko alam kung bakit siya nandito. Alam ko na kailangan ko talaga siyang kalimutan. Ayaw ko nang umasa pang muli.
"Anna, halika na. Siguro ito na ang oras natin para tayo ay maghiwalay. 'Di ako titigilan ng 'yong kapatid hanggang tayo ay magkasama!"
"Alam ko at naiintindihan kita. Siguro nga dapat ay huwag na tayong magkita pa ng hindi palaging nakasunod si kuya." saad ni Anna kay Jenna na parang malungkot.
"Pagbabalik ko ay magkita uli tayo. Promise ko 'yan!"
"Pagbabalik mo gusto kong ganap ka ng abogado at hindi lang basta abogado kun'di ang sikat at pinakamagaling pa na abogado!" nakangiti na pahayag ni Anna sa kaibigan kahit nasasaktan pa ito sa kanilang paghihiwalay.
"Hindi kita kalilimutan, my dearest bestie!"
"Ikaw rin." Sabay yakap naming dalawa sa isa't-isa.
Kinuha na namin ang mga bagahe at umalis na sa resort na 'yon. 'Di ko makakalimutan ang mga sandaling kasama ko si Anna.
Hinatid namin si Anna sa malapit sa kanila ng hindi kami magkita na ng asawa ko. Pagkatapos noon kami ay dumeretso na sa bahay.
Sa mansion ni Marco, ito ay palakad-lakad. Hindi maipinta ang mukha. Sinabi ng kan'ya imbestigador na bumili ng ticket ang mga magulang ni Jenna papuntang Canada.
Aalis ang pamilya nila Jenna pagkaraan ng tatlong araw. 'Di niya alam kung ano ba ang nangyayari sa kan'ya pero gusto niyang pigilan ito umalis.
Nang malaman niya na ang kapatid niyang si Anna ay kasama nila Jenna sa resort ay lihim siyang nagpunta roon.
Pinaalala ng kan'yang abogado na may TRO na inilabas ang Judge kaya 'di siya puwede pang lumapit kay Jenna.
"Sino ba sila? Wala silang pakialam kung gusto kong makita ang asawa ko!" sigaw niyang sambit sa kan'yang abogado.
"Sir, kailangan po kasi natin nang sumusunod sa atin husgado. Kun'di ay pare-pareho tayo mananagot." Sagot nito na paliwanag kay Marco.
"Wala akong pakialam sa TRO na 'yan. Pupunta ako ng Batangas para siya ay aking kakausapin!"
Wala nang nagawa pa ang abogado kun'di ang tumalikod na lamang. Alam niya na kahit ano pa ang sabihin niya ay hindi rin ito susunod .
"Hay, ang mayayaman nga naman basta ginusto kahit ipahamak pa ang iba, gagawin at gagawin pa rin!" himutok na litanya ng abogado.
Umalis na ang abogado na walang nagawa sa binata. Si Marco naman ay tumawag sa assistant niya para ipa-cancel dito ang lahat ng kan'yang mga meeting at appointment niya sa loob ng dalawang araw.
Sakay siya ng kan'yang private plane para pumunta ng Batangas. Doon ay nakita nga niya ang asawa kasama ang kapatid.
Masaya ang asawa na 'di niya nakita noong sila ay nagsasama pa lamang at nakita niya ang dating asawa na nakasuot ng two piece bikini.
Nagagalit siya sa nakitang suot nito, lalo nang kan'ya mapansin ang mga kalalakihan parang nakatingin sa dating asawa.
Gusto niya itong hilahin at sabihan na magpalit pero alam niya na magagalit lamang ito.
Nagkaroon siya nang pagkakataon na makausap ang babae nang kumain ito sa restaurant.
Lumapit siya dito at hinawakan sa braso saka ito ay binulungan "You're mine!"
Tumingin si Marco sa kisame habang nakahiga sa kama. Naaalala niya ang mga tingin ni Jenna sa kan'ya ng mga sandaling 'yon. Ewan niya kung bakit niya nasabi ang mga bagay na 'yon sa dating asawa.
Hindi na niya nakita pa ang asawa mula noong huli nilang pag-uusap. Tatlong araw na lamang at aalis na ang asawa para pumunta sa ibang bansa. Ano ang gagawin niya?
Maaga pa ay nasa airport na sila Jenna at ang mga magulang niya dahil ayaw nila na sila ay matraffic.
Palakad-lakad ang papa niya at palinga-linga ang ulo. Hindi niya mawari, kaya lumapit na si Jenna sa kan'ya.
"May problema ba tayo papa?" ang tanong nito sa ama.
"Wala naman, iha siguro ay naiinip lang ako. Huwag mo akong alalahanin, okay lamang ako." Sabi pa ng ama niya habang nagkakamot ng ulo.
Biglang may sinabi si mama sa akin na siyang ikinagulat ko. " Anak, kahit sino pa ang lumapit ngayon sa iyo 'wag kang sasama!"
"Ho? Bakit po, mayroon ba ngayon darating at ako ay pina-alalahanan ninyo nang gan'yan?"
Hindi ako sinagot ng aking ina. Nauna na akong natapos at ang aking bagahe ay naipasok na. Sinabi ko kay mama na ako ay pupunta muna sa rest room.
"Pagkatapos ninyo ay hintayin na lamang ninyo ako sa loob at hahanapin ko na lamang kayo roon." Aniko sa aking ina na para pa rin nag-aalala.
Tumalikod na ako sa may counter at hinanap ko na ang restroom. Malapit na ako roon nang bigla na lamang ako na natigilan.
Lumingalinga ako at parang biglang kinabahan. Nakita ko si Marco at para itong galit sa akin na nakatingin.
Nagmadali ako sa pagpasok sa rest room para hindi ko na siya makausap at baka ako ay bumigay 'pag humingi siya ng tawad.
Nararamdaman kong mahal ko pa siya pero tama na hindi ko na dapat pakawalan ang chance na ibinigay ng aking magulang.
"Ayaw ko na ring bumalik sa dating kalagayan. Pagod na akong intindihin pa siya." Sabi ko sa sarili habang siya ay palapit sa akin.
Sa isip ko, bakit ba nakapasok ang lalaking 'yon dito sa loob. Oo nga pala, marami itong mga koneksiyon kaya hindi na nga ito nakapagtataka.
Tiningnan ko si Marco na papalapit sa akin. Luminga ako para hanapin ang mga magulang ko pero malayo sila kaya napalunok ako sa kaba.
Si Marco na nakasuot lamang ng puting t-shirt at maong pants pero ang lakas nang dating. Bakat ang kan'yang mga muscles sa hapit niyang kamiseta.
Akala mo talaga ay si Kim Bum siya ng Boys over Flower na korean series. Nakangiti siya at ang mga mata niyang singkit ay parang nakaloloko na nakatingin sa akin habang ang mga biloy niya sa pisngi ay lalong lumalalim.
"Aalis ka na nang hindi man lamang sa akin nagpapaalam?" wika ni Marco na biglang parang nag-iba ang pagtitig sa akin.
"Ba-bakit naman ako magpaalam pa sa iyo?" takot at kinakabahan pero pilit pa rin nagsalita si Jenna.
"Talaga bang kalilimutan mo na ako?" tanong ni Marco na titig na titig sa dating asawa.
"Da-dapat naman siguro, ano?" ani Jenna kay Marco habang nanginginig pa ang boses
"Hindi mo na ba talaga ako kaya na mapatawad pa, Jenna? Pangako magbabago na ako," seryoso na sabi nitong si Marco.
"Magbabago? Tinapos mo na ang lahat sa atin mula nang ginawa mo 'yon sa akin!' mariin ko itong bigkas kay Marco na parang walang buhay.
"Kung 'yan ang gusto mo, wala na akong magagawa pero huwag mo nang asahan na ikaw ay akin pang susundan. Goodbye, Jenna my wife!" anito na hindi malaman kung ito pipigilan niya o hindi ang dating asawa.
Gustuhin man niya pero hindi niya kaya na ibaba pa ang kan'yang pride dahil lalo na lamang lalakas ang loob ng asawa kaya tumalikod na siya.
"Goodbye, Marco at sana ay matagpuan mo na ang babaing siyang mamahalin mo at 'yong pahahalagahan sa habang buhay!" saad ko sa sarili na 'di pa rin mapaniwala sa bilis nang mga pangyayari.
Naglakad na papalayo ang lalaki. Tinatanaw pa ito ni Jenna na para ba siyang namalikmata. Nanginginig pa siya nang dumating ang mga magulang.
"Ano nangyari? Kinausap ka ba ng lalaking 'yon?" tanong ng ina niyang 'di mapakali.
"Opo mama, pero nandito lang siya para magpaalam." Kalma nang sinabi ni Jenna.
"Mabuti naman, ang akala ko na ay hihimukin kang huwag nang sumama sa amin!" ang nag-alalang bigkas ng ina.
"Hindi siguro mangyayari 'yon, mama dahil buo na ang pasya ko na sumama sa inyo sa Canada." Sagot na banggit ko sa aking mama.
"Pasensiya ka na lamang sa amin ng papa mo. Nag-aalala lang kami na baka mabilog na naman ng lalaki na 'yon ang ulo mo." Wala nang alinlangan na anas ni mama sa akin.
"Okay na ang lahat, mama. Ngayon ay tapos na talaga kami at hindi ko na mahintay pa na ako ay makapag-aaral muli."
Maya maya ay tinawag na ang flight nila Jenna at ang mga magulang nito. Tumagal nang halos pitong oras ang biyahe nila pero 'di naman nainip si Jenna.
Dumating sila sa Australia at hindi niya alam kung ano ang nararamdaman. Tuwa at may lungkot ang siya ngayon ay lumulukob sa pagkatao niya .
"Anak, halika na at uuwi na tayo sa ating bahay." Pagod na wika ng aking papa.
"Sige po, papa. Gutom na kasi ako, kaunti lamang ang aking nakain sa eroplano at para akong nasusuka."
Nakatingin ako sa labas at para akong nalungkot. May sumusundot sa aking puso na hindi ko alam kung bakit ako ay nasasaktan.
Hayaan mo at magpaorder ako pagmalapit na tayo sa bahay nang sa gan'on ay makakain tayo kaagad."
Tahimik na akong nakaupo sa taxi na kinuha ng papa ko. Tinitingnan ko ang phone ko kung may tawag si Anna saka bumuntunghininga.
Pagdating naman sa bahay ay naghihintay na ang delivery boy sa pintuan. Nagbayad na si mama habang si papa naman ay binaba ang lahat ng mga gamit namin sa taxi.
Binuksan ni mama ang pinto at pinasok ang mga pagkain samantalang tinulungan ko si papa na ipasok ang mga bagahe namin.
"Kumain na tayo!" ani mama na naghain na pala.
"Opo, mama!"
Pagkakain ay ako na ang siya nagkusang naghugas ng pinagkainan para makapagpahinga na ang aking mga magulang.
"Jenna, umakyat ka na rito kaagad, alam ko pagod ka na rin. Sa itaas ang kuwarto mo at inilagay na ni papa mo ang mga gamit mo." banggit pa ni mama na nakangiti sa akin.
"Huwag po kayong mag-alala at ako na lamang po ang siya bahala,"
Pumasok na si mama sa kuwarto nila ni papa. Nasa ibaba ang kuwarto nila. Nang matapos ako ay ginala ko muna ang aking mga mata sa paligid ng bahay.
'Di kasing laki ng mansyon ni Marco pero ayos na sa akin ito. Wala sa akin kahit maliit pa ang titirhan ko basta ba kami ay lahat nagmamahalan at masaya.
Maayos naman ang bahay na siyang tinitirhan ng mga magulang ko. Puno rin ito halos ng mga kasangkapan at mamahaling mga painting. Mahilig din kasi mangolekta ang aking magulang nang mga magagandang painting.
Lumabas ako sa balkonahe aking tiningnan ang hardin na puno ng orchids. Mahilig kasi si mama sa pagbili nito at pagtatanim ng mga bulaklak.
Pagkatapos ay pumasok na ako sa kuwarto. Naabutan ko pa si mama na inaayos ang kama ko.
"Akala ko nagpapahinga na kayo? Hayaan na ninyo 'yan, ako na ang bahala mag-ayos niyan," sabi ko pa sa aking ina.
"Anak, bukas nga pala ay baka sasamahan ka ni papa mo sa bago mong papasukan na school kaya matulog ka na para magising ka nang maaga."
"Opo, mama!" sagot ko na may lungkot pa rin sa mukha pero pilit kong kinalimutan.
Excited na rin ako kung ano ang hitsura ng school dito sa Australia. Para yata akong namamahay dahil ako ay pabiling- biling sa higaan pero mayamaya ay nakatulog na rin.
Kinaumagahan, pagkaligo ay daling naghanap ako nang maganda na isusuot. Naisip ko na dapat maganda pero ito ay simple lamang nang 'di magmukhang mayabang.
Napili ko ang isang itim na pantalon at isang off shoulder na kulay pink na blouse. Dahil medyo malamig ay nagsuot ako ng itim na cardigan sweater.
"Anak, baguhan ka pa lamang dito kaya sana naman ikaw ay mag-iingat!" ang paalala pa ni ama sa akin.
"Papa naman parang wala kayong bilib sa akin!" aniko sa aking ama ngayon ay kunot ang noo.
"Hindi naman sa gan'on, Anak. Kaya lamang ay hindi mo maiaalis sa amin ng mama mo ang siya mag-alala."