Pagbabago

1423 Words
Sinabi ko sa aking magulang na 'wag na silang mag-alala pa dahil kailangan ko rin na sanayin ang sarili nang hindi palagi umaasa sa kanila. Hinatid na ako ni Papa sa bago kong eskuwelahan at ako ay namangha sa laki at ganda nito. Ito ang Saint Clire university. Malayo ang gate sa mismong building ng paaralan kaya ako ay wala nagawa kung 'di ito ay lakarin. 'Di naman ako naiinip dahil sa ganda ng tanawin. Halos marami rin ang aking mga nakasabay habang ako ay papasok at tingin ko ay mga baguhan din sila dahil palinga-linga rin ang mga ito katulad ko. Nang bigla akong nabangga ng isang lalaki na siya kong kinadapa. Buti na lamang at 'di ako nasubsob. "I'm sorry, I didn't notice you." Inalalayan ako nito na tumayo at habang pinapagpag ko ang aking damit ay napatingin ako bigla sa lalaking nakabangga ko. "No need to apologize since I did not notice you as well." Aniko pa sa lalaki nakabangga ko. Tumingin siya sa akin at sa aking palagay para niya akong pinag-aaralan. Tatalikod na sana ako ng ako ay bigla niya hinawakan sa siko. "Sorry but are you filipino?" Nagulat ako 'di dahil sa tanong niya kun'di sa kanyang pagkahawak sa siko ko. Sino ba ang magkalakas loob humawak sa siko ng babae ngayon mo lamang nakita. "Can you take your hand off me first before I could answer your question, sir!" "Opps, sorry for what I did." "Nevermind, yes I am a filipino. Why did you asked?" "Filipino rin ako kaya ko ito naitanong sa 'yo!" sagot niya sa akin na nakatingin pa rin. Nabigla ako sa aking narinig. Natuwa akong napatalon at ako ay biglang napahawak sa kan'ya pero inalis ko kaagad dahil para akong nanginig na bigla. "I'm Julius Aguire and I'm from Cebu," banggit niya na may tuwa sa labi. "Im Jenna Altaves at taga Manila." Pilit ko tinago ang panginginig ng kamay nang bigla ko siyang nahawakan kanina. "Hi, nice to meet you. Matagal ka na ba rito?" tanong niya sa akin nakangiti nakalahad ang palad na para ba niyang gusto na ako ay kamayan. "Tama na nga 'yan at pareho pala tayong pinoy ingles ka pa ng english sa akin." Sabi ko sa kan'ya habang iniwasan ang kamay niya na nakalahad. Natawa siya sa aking sinabi at kami ay nagpatuloy na sa paglalakad habang kaming dalawa ay nag-uusap pa rin. "Matagal ka na ba pumapasok rito? Ngayon lamang kasi kita nakita. Anong kurso ang 'yong kinukuha?" tanong niya pa sa akin habang nakatangin at ito ay nag-iisip. "Law at bago pa lamang ako rito kaya ngayon mo lamang ako nakita rito." Nawala na ang kaba sa akin. "Wow, bigat! Ako naman ay accounting." Sagot pa niya na parang mangha sa akin. "Hindi naman, ikaw nga ang bigat kasi puro math 'yang kurso mo," turan ko naaliw rin sa sinabi niya. Natawa siya sa akin dahil sa totoo 'di ako gaano mahusay pagdating sa math. Hanga ako sa mga taong mayroon kakayahan sa subject na math. Pasado ako sa mga subject ko na may math pero hindi ito gaano kataasan kaya nga 'di ko ito pinagyayabang. Tiningnan niya ako at kan'ya sinabi sa akin na dalawang taon na raw siya nag-aaral dito at ako ay kan'yang tinuro sa isang building na aming natatanaw. "Ang building na puting 'yon ang pupuntahan mo. Wala pa akong klase kaya puwede kita samahan para 'di ka maligaw," alok pa niyang maliwanag sa akin. Pumunta kami roon sa isang parang opisina. Tinuro niya sa akin kung sino ang lalapitan at ito ay aking kinausap. Ako ay nagpakilala sa babae na aking nakilala na si Maritess Lantford. Pinay rin pala siya na mayro'n asawang British. May edad na siya at nasa 45-50 years old. Maliit na babae siya at aking masasabi na gandang pinay talaga. Sinamahan niya ako sa aking magiging kuwarto. Si Julius naman ay nagpaalam na sa akin at magkita na lamang daw kami sa canteen dahil sa nalaman niya na vacant din ako sa ganoong oras. Nagpasalamat naman ako kay Maritess at ako ay kan'yang sinamahan. Pagpasok ko ay wala pa ang teacher. Ako ay naghanap nang mauupuan. Nakita ko ang isa sa malapit na bintana at naupo. Ginala ko ang mga mata at pinasadahan nang tingin ang mga kaklase ko. Dumating ang aming teacher at nagpakilala ito na si Mrs. Gilbert. Mukha itong strikto at napakaseryoso ng mukha. Natapos ang kalahating araw na tahimik. May mga nakilala ako na mga filipino rin na aking kaklase sa iba't-ibang mga subject. Ito ay sila Aljean, Randall and Jacob. Si Aljean Smith ay anak ng kano at halos kaedad ko rin, ang ina niya ay pinay galing Visaya. Mahusay rin siya magtagalog. Si Randall Barnet naman ay Canadian ang tatay at doon na rin siya pinanganak. Siya ay marunong din magtagalog dahil siya ay tinuruan ng ina noong bata pa. Si Jacob Tayift ay anak naman ng isang Turkey's at pinay na ina. Doon na rin pinanganak sa Canada at ito rin naman ay nakakaintindi ng tagalog pero kaunti nga lamang. Masaya ako dahil unang araw pa lamang ay mayroon akong naging mga kaibigan. Kami ay magkakasama na pumunta sa canteen para kumain. Nakita ko roon si Julius, akin siyang binati at pinakilala sa aking mga bagong kakilala. Natuwa siya sa nalaman niya na mayroon pa akong naging bagong mga kaibigan. "Im glad you have found new friends. Ngayon hindi ako mag-aalala." Ngumiti siya sa akin at kami ay pumila na para kumuha ng pagkain. Kasunod ko ang mga bago kong naging kaibigan. Natapos ang isang araw at ako ay nakahinga dahil akala ko ay mahihirapan ako. Uwian na at sa akin pagbaba nakita ko si Aljean. "Tomorrow there will be a welcome party for the new student at the gym so better be early!" "Okay and thank you for that." Sagot ko habang kami ay pababa sa hagdan. Nauna na siyang bumaba sa akin at naroon na raw sundo niya. Ako naman ay tumawag kay papa para malaman kung nasa may gate na siya. "Sorry anak kasi marami ang mga pasyente ngayon kaya baka ako ay malate nang kaunti." Nag-isip ako nang sandali at saka ako sumagot sa aking ama. "Okay lamang po, papa dapat na siguro ako masanay na umuwi nang mag-isa." Umuwi na akong mag-isa at akin na lamang tinandaan ang mga lugar na sinabi ni papa sa akin. Nakita ko naman ang daan papunta ng bus station kaya madali ako nakauwi. Pagbaba ko ng bus, ako ay maglalakad pa nang kaunti bago ako ay makarating sa bahay. Medyo dumidilim na kaya kaunti na rin lamang ang mga tao sa kalsada. Ewan ko pero para akong bigla kinabahan. Para bang may tao na sumusunod sa akin. Natakot ako nang ang phone ko ay bigla tumunog. "Hello anak, nasa bahay ka na ba? Pauwi na rin kami at may dala kami na pagkain huwag ka na sana magluto pa." Nawala ang takot at kaba ko sa boses ng aking papa. Sila ang nagbibigay sa akin nang lakas sa araw-araw. "Malapit na po ako sa bahay at mag-iingat po sana kayo ni mama!" aniko sa aking ama. Natanaw ko na ang aming bahay at nawala na sa aking isipan sa tao na sumusunod sa akin. Pagdating sa bahay ako ay umakyat na sa aking kuwarto para magbihis ng pambahay nang mapadako ako sa bukas na bintana. Isasara ko na sana ito nang pagtingin ko sa may ibaba ay nakita ko ang isang itim na sasakyan at may nakatayong lalaki dito sa may harapan at para itong naninigarilyo. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa kaba. Hindi ko makilala ang mukha ng lalaki dahil madilim na sa parte na kan'yang kinatatayuan. Hindi ko alam kung bakit wala ang ilaw sa parte na 'yon dahil lahat ng kanto rito maliwanag noon dumating kami. Bigla na lang may kumatok kaya ako ay napatingin sa may pinto. Ang mama ko pala ang kumatok. "Iha, matutulog ka na ba? Tayo na munang kumain." Ani mama na nakangiti sa akin. "Sige po at ako ay susunod na sa inyo sa ibaba." Tumingin ako muli sa labas pero wala na 'yong sasakyan kaya sinara ko na ang bintana saka hinila ang kurtina. Hindi ko na sinabi kila mama at papa ang nakita ko dahil baka pa sila mag-alala na naman. Alam ko na marami pa ang mga pagbabago sa aking buhay kaya dapat kong laksan ang loob ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD