Alaala

1562 Words
Si Anna ang una kong naging kaklase at ang una ko naging kaibigan nang ako ay tumuntong na sa kolehiyo. Kasing idad ko rin siya at kagaya ko NBSB kaya nga para kaming pinagtiyap ng tadhana. Masaya ako sa tuwina kapag siya ang kasama dahil pareho kami nang hilig, ang mag-aral lamang. Kung minsan bakasyon nila mama kaya napakilala ko na sa mga magulang ko si Anna at wala naman silang tutol. Maganda si Anna at mayroon kataasan din. Halos pantay lamang kami. Ang buhok niya ay halong brown at itim at pinagmamalaki niya na hindi ito kinulayan lamang. May bilugang mukha, singkit na mata, matangos na ilong at mga labi na parang kinulayan ng pula. Ang katawan niya ay tama lamang sa taas niya at may maputi, makinis rin siyang kutis. Kung minsan na kami ay magkasama ay palagi nilang sinasabi na kami ay magkapatid dahil pareho raw kami maganda na amin pinagtatawanan. Mabait si Anna kaya ang aking mga magulang ay naging kampante 'pag siya ang aking kasama. Isang araw ako ay niyaya niya na sumama sa kan'ya dahil birthday daw ng kuya niya. Sinabi niya na ako raw ay kan'yang papakilala sa kuya niya. Tinawagan ko ang mga magulang ko at sila ay pumayag kaya ako ay sumama kay Anna. Maraming nang mga tao ang aming naratnan babae, lalaki at kami ni Anna ay pumunta na ng kusina para na rin kumain. Hinanap niya ang mga magulang nila pero wala raw doon ang sabi ng katulong kaya sinabi ni Anna na doon muna kami sa silid niya. Hinanap namin ang kuya niya pero ng kami ay nasa tapat na ng kuwarto nito ay may narinig kami na mga ungol kaya bigla ako hinila ni Anna at sinabing mamaya niya ako pakikilala sa kuya niya. Tumuloy kami sa kuwarto ni Anna at doon ay nanood ng isang movie. Natapos na ang palabas ng kami ay bumaba. Sinabi niya na kami ay kumain na ng hapunan. Marami pa rin ang mga pagkain na 'di halos nagalaw dahil puro chips at alak ang inubos ng mga bisita ng kuya niya. Maingay pa rin at hanggang sa pool ay may sumasayaw at mga nagkantahan kaya ako ay niyaya ni Anna pumunta ng pool at dahil may dala naman akong pangpaligo kaya ako ay nagpalit na ng plain na t-shirt at cycling na short. May mga kilala si Anna na naroon sa pool kaya ako ay pinakilala niya. Sila si Irene, Minerva at boyfriend niyang si Rico. Magaan loob ko sa kanila kaya ng ako ay bigyan nila ng beer ako ay hindi na tumanggi. Pati na rin si Anna na bihira rin uminom ay hindi rin naka-iwas. Sabi pa ni Anna sa akin "May mga kuwarto naman na bakante sa itaas kaya 'pag kayo nalasing ay doon na muna kayo matulog." Hindi namin namalayan na kami ay naparami nang inom dahil sa mga kuwentuhan at puro tawanan ang mga nangyari sa amin. Si Irene at Minerva ay pinsan ni Anna kaya ako nang sandali na 'yon ay naging komportable na rin sa kanila. Hindi naman kami gaano nag-swimming dahil mas marami pa ang aming biruan at tuksuhan. Hanggang sila Minerva at Rico ay nagpaalam na may pupuntahan daw. Si Irene ay sumama na rin sa kanila. Nakaalis na sila nang si Anna ay nakakita ng isang bote ng alak sa gilid ng pool na maaring naiwan ng ibang kabataan na kanina ay lumalangoy. Nagkatinginan kami ni Anna dahil para kaming naakit sa bote ng alak. Kami ni Anna ay biglang nagtawanan . "Game ka bang maglasing ngayong gabi?" tanong niya na may nakaloloko na ngiti. "Okay, sige na! Tikman na natin 'yan ng ating malaman kung masarap ba o hindi!" sagot ko naman kay Anna na para bang naglalaro lamang. May babae na sa amin ay lumapit at ngumiti ito sa amin. Maganda ito pero medyo may katabaan nang kaunti. "Baka 'di ninyo kaya 'yan at kayo ay malasing kaagad!" Nagtawanan pa kami ni Anna dahil lasing na kami sa dami ng mga nainom na naming beer. "Wala ka naman dapat na pag-alala dahil bahay namin ito at walang gagawa nang masama sa amin!" sagot ni Anna nang padaskol sa babae. "Kapatid ka ba ni Marco? Baka magalit siya sa akin kung hindi ko kayo pipigilan," Wala nang gaanong tao sa pool siguro mga anim na lamang ang siyang lumalangoy. Ang babae na kausap namin ay tumalikod na rin. "Huwag kang makinig sa kan'ya dahil hindi naman siya may-ari ng alak na ito." Saad ni Anna na nainis sa babae kanina. May dumaan na parang waiter kaya humingi kami ng baso sa kan'ya at kami ay binigyan niya naman. Nag-umpisa kami ni Anna nang kaunti at ng kami ay nasarapan marami na pala ang aming sinasalin sa baso. Humina na ang ingay sa loob ng bahay at kahit dito sa pool ay tumahimik na rin. Ang maraming kabataan na kanina ay masaya na mga sumasayaw bigla ay isa-isang nang nawala. May mga babae at lalaki na sa amin ay nagpaalam kaya natawa ako dahil akala nila ay isa ako sa may-ari ng bahay. Halos naubos namin ni Anna ang kalahati nitong bote ng alak at ang aking paningin ay umiikot na. Masakit na yata ang ulo ko at tatlo na ang tingin ko sa 'yo, bestie. Punta muna ako ng banyo," ang sambit ni Anna na sumusuray na sa kalasingan. Halos inumin ko naman ang natirang alak sa bote nang ako ay nahilo at napayuko. Si Anna ay 'di na nakabalik at ako? Nakayuko ako sa may pool nang bigla akong tumingala may isang tao ang sa akin ay bumitbit. Guwapo ito at sa aking kalasingan ay para ako nanaginip. Sa isip ko ako ay nasa isang paraiso at kasama ko ang aking prince charming. Hinahabol daw niya ako at ng ako ay kan'yang nahuli, ako ay niyakap niya. Ngumiti ako sa kan'ya bago niya ako halikan. Matagal niya ako hinalikan at halos humihingal daw ako ng ako ay bitawan niya. Ilan pang sandali at ako ay pinangko niyang muli papunta sa may damuhan. Hiniga niya ako at doon ay malaya kaming naghalikan na parang wala nang bukas. Ang aking damit daw ay kusa ko nang hinubad at ito ay ganoon din ang ginawa. Gumapang ang mga labi niya sa aking mukha pababa sa aking katawan. Kay gaan ng aking pakiramdam, para ba akong nasa ibabaw ng alapaap. Narinig ko ang aking prince charming at sinabi niya na siya raw ay tawagin kong Marco kaya nang kan'ya akong hinawakan sa bandang ibaba ako ay napa-ungol at tinawag ko ang pangalan niya. "Marco, ang sarap niyan!" sabi ko habang mga labi niya ay nasa mga dibdib ko. "Ang lambing ng boses mo, lalo tuloy akong ginaganahan kaya hayaan mo ako na ikaw ay aking paligayahin sa gabing ito!" Dahil sa lasing ako kaya sa isip ko ito ay isang panaginip at wala na akong namalayan pa. Nagising na lamang ako kinabukasan na masakit ang ulo, katawan at higit sa lahat nalilito. 'Yan po ang mga nangyari na aking pinagsisihan nang lubos dahil sa isang gabi na kalokohan namin ni Anna. Nalaman ko na si Anna pala ay hindi na nakabalik pa dahil ito ay bumagsak na rin kaya dinala ng kapatid niya sa may kuwarto nito. Hindi ko alam kung paano rin ako napunta sa kuwarto ng kapatid niya. Dahil masakit din noong umaga na 'yon ang aking hiyas ay tiyak ko na ang panaginip ko ay tunay nga na nangyari sa amin. Tuwang-tuwa noon si Anna nang sabihin nila na kami ay pakakasal na dalawa. Ang sabi pa niya sa akin ng mga sandali na 'yon. "Jenna bes, ate na nga kita ngayon kaya lagi na tayo magkasama!" sabi ni Anna na 'di matago ang tuwa. "Huwag mo sana ako apihin ha!" pabiro kong banggit ito kay Anna. Hindi ko alam na yon pala ang simula ng kalbaryo ko. Ang mga araw ng aming paghanda ay napakabilis ni sa hinagap hindi ko napansin ang galit na mga titig sa akin ni Marco. Nagkumahog ang lahat para mapaganda nga ang aming kasal pero si Marco parang hindi interesado pero ganoon pa man ay hindi ko ito pansin. Dahil tuwing aking titingnan ang guwapo niyang mukha para ako ay nabato-balani. Oo at sa araw na aking kasama si Marco ay para akong bata na hindi maalis ang tingin sa kan'ya. Si Anna naging bridesmaid ko at siya rin ang pumili ng damit pangkasal ko at dahil siya ang naging wedding planner namin kaya siya talaga ang lahat nang kumilos. Masaya raw siya dahil noon pa niya pangarap maging isang wedding planner at ngayon nga ay natupad ito. Ang saya ko ng araw na kami ay kinasal dahil sa akala ko ang naging asawa ko ay isang angel na bumaba sa lupa 'yon pala ay demonyo na nagkun'wari lang na anghel. "Ate Jenna, sorry kasi may dumating kasing sulat at ako ay natanggap sa isang eskuwelahan sa London para sanayin ang aking sarili bilang magaling na manunulat!" sabi pa ni Anna sa akin nakangiti habang binalita ang lahat. Wala na akong nagawa dahil nang pagkatapos naming ikasal ni Marco ay lumipad na si Anna kaagad papunta ng London. Nalungkot ako dahil bigla akong nawalan ng kaibigan kahit madalas kami na mag-usap sa telepono ay iba pa rin kung nandito siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD