Nagpakasal nga ako kay Marco at nang unang gabi namin ay umalis si Marco at 'di ko na nakita. Tinatawagan ko siya pero ni ha ni ho ay walang siyang sagot.
Kinabukasan ay umuwi siya nang gulo-gulo ang damit at amoy alak pa kaya tinanong ko siya pero sampal ang akin natanggap buhat sa kan'ya.
Natakot ako sa kan'ya dahil nanlilisik ang mga mata niya kaya tumakbo ako at nagtago sa aming kuwarto.
Pero laking gulat ko dahil ang pinto ng kuwarto ay sinira niya. Natulala ako sa kan'yang ginawa, hindi ko akalain na ako ay magiging punching bag niya lamang.
"Ano ang akala mo sa 'yong sarili? Asawa kita sa papel lang at 'wag kang manggarap na ikaw ay tratuhin ko na isang mahal na prinsesa!" galit na galit niya na sambit sa akin bago ako ay tinalikuran.
Ilang araw na hindi siya umuwi at nalaman ko lang sa kan'yang assistant na si Aris na si Marco ay nasa dati niyang nobya na si Nerissa .
Ayaw kong mag-sumbong sa mga magulang niya dahil alam ko na 'di rin magustuhan ito ni Marco at baka kung ano ang gawin niya sa akin.
Pasalamat na lamang ako at siya ay madalang umuwi dahil kapag ito umuuwi ay lasing kaya talagang inaabot ako ng kamao nito.
Hindi ko alam kung paano ko natiis ang lahat. Siguro ay dahil ayaw ko na may masabi ang mga magulang ko sa akin.
Lagi ko ring kausap si Anna sa telepono at sa Kan'ya ko pa nalaman na si Marco pala ay nasa London at ang kasama ay ang ex niya.
"Ate Jenna, Ano ba ang dahilan mo at ikaw ay nagtitiis sa tarantado kong kapatid?" tanong pa ni Anna sa akin na nagtataka.
"Anna, bago pa lamang kaming kasal at nakakahiya kung kami ay maghiwalay kaagad," sagot ko kay Anna na pinahiwatig na okay lang ako.
"Pero Ate Jenna, masasaktan ka na lamang ba sa kan'ya! Sorry dahil 'di ko alam kung bakit siya naging gan'yan?" ani Anna na nalulungkot para sa mahal niyang kaibigan.
Hindi alam ni Anna kung bakit nagbago ang kapatid dahil 'di naman daw ito ganito noon kaya sinabi ko rito na baka si Marco ay magbago rin.
Lumipas na ang ilang buwan pero ganoon pa rin si Marco. Lahat ay ginagawa ko para ako ay maging isang mabuti na asawa.
"Kahit ano ang gawin mo ay 'di kita mamahalin dahil ako ay totoong pinikot mo lamang!" sigaw niya sa akin na mariin at may bahid nang galit.
"Alam mo na hindi 'yan totoo dahil alam mong lasing ako noon at hindi ko alam ang aking ginagawa!" sagot ko sa kan'ya nanggalaiti rin sa galit.
"Lasing? Maari pero bakit 'di ka tumanggi nang sinabi nila kailangan kitang pakasalan?"
Natahimik ako sa mga sinabi niya dahil totoo na hindi ako tumutol noon. Akala ko ay gusto rin niya ako dahil bakit niya ako gagalawin kung hindi niya ako kursunada.
Nagdaan ang mga buwan at para akong katulong sa bahay. Ang mga magulang niya ay nasa abroad para ipagamot ang papa nila.
Binigay nila ang pangasiwa noon sa kumpanya kay Marco dahil may pamilya na ito at kailangan na niya matuto.
Isang araw na nagdidilig ako ng halaman ay may pumara sa tapat ng aming gate. Isang lalaki ang lumabas dito at ito ay isang matangkad na lalaki.
Nagtanong ito sa akin at dahil bago lang ako roon at wala pa akong gan'ong mga kakilala sa aming subdivision na 'yon ay tinuro ko ang lalaki sa may guard house para roon na siya magtanong.
Pagkaalis ng sasakyan ay bigla dumating ang asawa kong galit na galit. Nakita pala niya nang ako ay kausapin ng lalaki kanina.
Hinatak ako ng asawa kong si Marco sa itaas ng bahay. Galit na galit ito dahil akala yata niya ay nakipaglandian ako sa ibang lalaki.
Itinulak niya ako kaya ang ulo ko ay nahampas sa gilid ng mesa. Sapo ko ang noo na ngayon ay nagdudugo, halos mahilo na ako.
Hindi ako tinigilan ni Marco. Sinaktan pa lalo niya ako hanggang sa punitin na niya ang aking damit at ako ay puwersahan na sipingan.
"Eto ba ang hanap mo, halika at ibibigay ko nang 'di ka na maghanap ng ibang lalaki!"
Ilang beses pa akong nag makaawa na tigilan na niya ang pananakit sa akin pero para na siyang demonyo na hindi mapigilan.
Nagpumiglas ako at siya ay akin nilabanan. Kaya suntok at sampal ang inabot ko. 'Di ito huminto hanggang sa ako ay mawalan na nang malay.
Nang magising ako ay wala na ang asawa ko. Umiiyak akong gumapang palabas at humingi nang tulong.
"Tu-long! ako po ay tu-lu-ngan ninyo!" sigaw ko habang hirap at nanginginig pa ang boses.
Buti na lamang at iniwan ni Marco na bukas ang aming tarangkahan nang siya ay umalis na pagkatapos nang ginawa niyang kababuyan sa akin.
Talaga yata na suwerte ako dahil may napadaan na babae sa tapat at ito ay ang katulong sa kabilang mans'yon.
Dahil sa mga suntok, sampal at sipang nakuha buhat kay Marco, duguan akong dinala ng ambulans'ya na tinawag ng kasambahay na kapitbahay namin.
Ilang araw na ako sa hospital nang nalaman ng magulang ko ang nangyari sa akin kaya pinakulong nila ang asawa ko pero dahil mayaman ito at maimpluwensiya ay anim na buwan lang ito nakulong.
Ilang araw pagkatapos na ako ay nakalabas nang hospital, heto ako at iniisip ang mga gagawin ko 'pag tuluyan akong humiwalay sa asawa ko.
At 'yon ang nangyari kung bakit kami ngayon ay nasa harap ng korte at para kaming magsasabong.
Kinakabahan ako nang dumating ang araw na 'yon na maisip na kami mag-asawa ay muli na maghaharap at ako ay kinakabahan pero abogado lang niya ang dumating.
Abogado niya ang naghain ng "not guilty plea" para sa kan'ya"(sa pananakit niya at pamimilit na pagsiping). May sakit daw ito at mayroon na pinakitang letter na galing sa doctor niya.
"If I know, umiiwas lang siya dahil hindi niya akalaing idedemanda mo siya." Turan ng nanay ko sa akin.
"Hayaan ninyo siya. Matauhan na siguro siya ngayon!" sagot ko sa kanila ni papa.
Dumaan ang ilang araw at heto na naman kami sa harap ng korte. Nagprisinta na ako ng aking mga ebedens'ya at sila ay isa-isang tinawag ang mga taong may kinalaman para palakasin ang kaso ko.
Isa-isa prinisinta ng aking abogado ang mga ebedens'ya tulad ng kasambahay ng aming kapitbahay na sa akin ay siyang tumulong tawagan ang ambulans'ya na nagdala sa akin sa hospital.
Kopya rin ng medical certificate ko na galing sa doktor na sumuri sa akin at tumingin. Ang nurse na nag alaga sa akin ng ilang linggo sa hospital.
Mga picture ko kung saan ay akin pinakita ang naging ayos ko bago at pagkatapos na ako ay madala sa ospital.
Pagkatapos kong naprisinta ang aking ebedens'ya ay nagpahinga muna ang judge at sinabi nito na sa susunod na hearing ay isa-isa nang gigisahin ng kabila ang aking mga testigo.
Ibinigay ni Judge Velasco ang susunod na date ng aming mga hearing. Nakahinga ako nang kaunti. Alam ko na hindi madali ang mga susunod na hearing pero nakahanda na ako.
Hindi ko na hahayaan pang pagtawanan niya akong muli. Lalaban na ako para sa aking sariling kaligayahan at kapayapaan.
Gabi gabi pa rin nanaginip ako. Isang gabi na nagising ako na umiiyak kaya ako ay pinuntahan ng mother ko.
"Nanaginip ka na naman. Kailangan mo na siguro ang kumonsulta sa isang psychiatrist, anak." Sabi ng mother ko na nag-aalala na rin sa aking sitwasyon.
Umiiyak ko siyang niyakap at inaalo niya naman ako."Kung 'yan ang maka-pagbibigay sa akin ng kapayapaan na aking hinahanap ay gagawin ko!"
Kinabukasan din ay naghanap ang mother ko ng isang psychiatrist na makakatulong sa aking makalimutan ang 'di magandang pangyayari sa buhay ko.
Unang pagkikita namin ng doktor. "Ako nga pala si Doctor Emilie Reyes. Tawagin mo na lang ako ng Dr. Emie." anito na mayroon magandang boses.
"Ako naman po si Jenna Altaves."
"Sinasabi dito sa information mo na eighteen ka pa lamang,"
"Opo doktor."
"May asawa ka na pala. Mayroon ng anak?"
"Wala pa po, doktor." Sagot ko nang 'di tumitingin sa doktor.
"Puwede ko bang marinig ang kuwento mo kung bakit ka naririto ngayon?"
At sinimulan kong kuwento ang naging buhay ko sa aking doktor. Wala akong inilihim, lahat ay aking sinabi sa kan'ya.
"Minahal mo ba ang asawa mo, Jenna?"
Natahimik ako at kinakapa sa puso ko ang tinatanong ng doctor. Pagkatapos ng ilang segundo ay sinagot ko siya.
"Opo!" sagot ko nang tapat rito.
"Sa palagay mo, kailan mo nga ba naramdaman na mahal mo siya?"
"Nang una ko pa siyang makita ay nakaramdam na ako na parang gusto ko na siya. Bago ko pa lamang siya nakilala, alam ko na siya na ang tinakda sa akin!" wika ko sa doktor nang maliwanag at hindi ito paikot-ikot.
"Ngayon ba ay ito pa rin ang siyang naramdaman mo sa kanya?"
"Hindi ko po masasabing wala na pero pinipilit ko po itong kalimutan dahil sa nagawa niya sa akin!"
"Nasasaktan ka ba dahil hindi niya nagawang ibalik ang pagmamahal na pinaramdan mo sa kan'ya, tama ba?
Tumungo ako dahil tama siya. Dahil din doon ay lalo na akong nasasaktan at 'di ito matanggap.
Dahil hindi ko maisip na ang unang lalaki na minahal ko at pinagbigyan ng aking sarili siyang mananakit sa akin.
"Jenna, mahal mo siya pero hindi tama ang pananakit niya. 'Di parte ng isang magandang relasyon ang manakit ng partner niya."
"Dumako tayo sa sinabi mo na panaginip gabi-gabi. Naalala mo ba 'yon? Puwede mo ba itong ikuwento sa akin?" ang tanong pa ni Dr. Emie sa akin.
Nagkuwento ako nang kung ano ang natatandaang kong bahagi ng panaginip ko sa kan'ya.
"Sinabi mo na 'di mo alam kung bakit ka ba niya sinaktan? Naitanong mo na ba sa kan'ya 'yon?"
"Opo at sinabi niyang 'pag nakikita raw niya ako ay 'di niya maiwasan maalala na siya raw ay aking pinikot kung minsan 'yon din ang dahilan kung bakit daw nawawalan siya nang kontrol sa sarili!" sambit ko kay Dr. Emie na mayroon lungkot at hiya.
"Jenna, wala kang ginawang mali. Maaring nagmahal ka sa maling tao pero 'di mo dapat sisihin ang sarili mo. Siya nagkakamali at hindi ikaw. Tandaan mo 'yan at kung may pagkakamali ka man ay 'yon ay hinayaan mong saktan ka niya." Turan nito habang siya ay nagpaliwanag sa akin.
"Huwag mo nang isipin ang mga nangyari sa 'yo dahil ang dapat mo nang harapin ay ang bukas sa piling ng mga nagmamahal sa 'yo!" dagdag pa ng doktor sa akin.
Mahaba pa ang mga naging usapan namin ni Doktor Reyes at sa huli ay kan'ya niya ako pinababalik para sa aking susunod na konsultasyon.
Dahil sinabi ng mother ko sa kan'ya na baka makaalis kami papuntang Canada kaya ako ay pinayuhan niya.
Gumaan ang pakiramdam ko nang dahil sa mga sinabi ni doktor sa akin. Para akong biglang nabunutan ng tinik.