bc

My Kuya, My Lover

book_age16+
71
FOLLOW
1K
READ
dark
possessive
age gap
forced
bxg
evil
demon
city
first love
selfish
like
intro-logo
Blurb

Emily Abbott, lumaki siyang hindi nakikilala ang kaniyang mga magulang at inampon ng pamilyang Abbott sa gulang na labing dalawang taong gulang.

Natupad ang matagal na niyang pangarap, ang magkaroon ng matatawag na pamilya pero tila pinagkait 'yon sa kaniya dahil ilang taon pa lamang ay nasawi na ang tumayong magulang niya.

At ang pinakamasakit pa ay ang iwan siya sa madilim na parte ng kaniyang kapatid na si Dimitri na anak ng mga Abbott.

Hanggang isang araw ay muling bumalik ang kaniyang itinuturing na Kuya pero paano kung sapilitan siya nitong pakasalan sa ayaw at gusto niya dahil mula daw na nawala ang mga magulang nila ay naging pagmamay-ari na daw siya nito.

...

chap-preview
Free preview
Chapter 1
... Mula noong ampunin ako ng mga Abbott ay naging masaya ang mundo ko. Nawala ang dilim na matagal na nanirahan sa akin. Maayos ang kanilang pakikitungo, lalo na si Kuya Dimitri. Nagturingan kami na para bang isa kaming pamilya ngunit tila nagbago ang lahat noong mangyari ang hindi namin inaasahan. Dahil doon ay maraming nagalit sa akin lalo na si Kuya na lumayo sa akin. Halos hindi na ako makahinga nang bumangon ako at doon ko namalayang nasusunog na pala ang buong mansyon. Nagmamadali akong bumangon at wala nang pakialam kung wala akong suot na pansapin sa paa. "T-tulong! Mama! Papa! Kuya!" hirap kong sambit habang hindi mapigilang maubo. Nanakit na din ang baga ko dahil sa usok. "Emily?!" Nabuhayan ako ng dugo noong marinig ko si Kuya mula sa hindi kalayuan ng kwarto ko. "Kuya nandito po ako!" "Emily! s**t!" "K-kuya!" Nag-aalalang ani ko noong marinig kong tila dumaing si Kuya mula sa labas. Sinubukan kong buksan ang pinto pero napakainit ng door knob kaya napaatras akong ulit. "Cough! Cough! Cough!" Habang humihinga ako ay lalo lang sumasakit ang baga ko. Para akong sinaksak mula sa likod na tumatagos sa harapan ko. "Wait for me Emily! Are you still okay there?!" "Kuya!" naiiyak na sigaw ko. Wala akong tigil sa iyak habang lalong natataranta si Kuya na siyang hindi pala nakakatulong sa sitwasyon namin. Hanggang sa hindi na ako makasigaw dahil nawalan na ako ng malay. "Are you okay Dimitri? Nasaan sila Ate?" Habang ako ay nakapikit ay 'yun ang narinig ko. Nais kong dumilat ngunit hindi ko kaya, parang mainit 'yon na hindi ko maintindihan. "Dimitri bakit ayaw mong sumagot? Tinatanong ka ng Tita mo, nasaan sila Ate?" Muli na naman akong nakarating ng pamilyar na boses. Sinubukan kong magsalita ngunit walang lumalabas at nanakit lang ang lalamunan ko kahit anong pilit ko. "They are gone," malamig na sabi ni Kuya habang naramdaman ko ang paghawak ng kung sino sa kamay ko na alam kong si Kuya ang may gawa. "What? Ano bang sinasabi mo Dimitri?" Naguguluhan ang may-ari ng boses. "They’re gone, are you stupid?!" Napasinghap ang dalawa ngunit tila hindi dahil sa pagsagot ni Kuya sa kanila kung hindi dahil sa nalaman nilang kagimbal-gimbal na kahit na sino ay hindi inaasahan. Napasinghap ang dalawa habang humigpit naman ang pagkakahawak ni Kuya sa kamay ko. Nanatili lamang akong nakapikit at hindi makagalaw. Bukas lamang ang diwa ko ngunit hindi pa kaya ng katawan ko. "I-ibig sabihin hindi nakaligtas sa sunog sila Ate?" Natigilan ako sa sinabi ng babae, sumikip ang dibdib ko at namalayan ko na lamang na umaagos na pala ang masaganang mainit na luha sa pisngi ko. "S-s**t! Are you okay Emily?" Tanong ni Kuya habang pinapahirapan nito ang nakapikit kong mga matang lumuluha. Hindi ako nakasagot at namalayan kong muli akong nawalan ng malay noong marinig kong tumawag ng doktor si Kuya. Iyon lamang ang naalala ko bago pa sumama ang pakikitungo ni Kuya sa akin. Nawala ang maalaga kong Kuya kasabay ng pagkawala ng itinuturing kong bagong magulang. Ilang taon na ang nakakalipas. Noong matapos ang libing nila Mama ay naging mag-isa nanaman ako dahil muling bumalik si Kuya sa ibang bansa. Naiwan ako sa dalawang katulong. Nanatili ako sa mansyon na siyang pinagawang muli para mapanatili ang alaala ng pamilya at manatiling mag-isa. "Nakapagpaalam ka na ba sa Kuya mo?" tanong ni Manang Betty noong malaman niyang aalis ako sa mansyon at titira na lamang sa isang apartment, malapit sa pinagtatrabahuhan ko. Actually hindi ko na naman kailangang magtrabaho dahil naibibigay na naman ang lahat ng pangangailangan ko. Pero hindi ko naman totoong pamilya ang mga Abbott para magpakasarap na lang. "H-hindi na po, saka wala na namang pakialam si Kuya sa akin." Nagpilit ako ng ngiti. Masakit pero 'yun ang katotohanan na kailangan kong tanggapin. "Alam mo namang hindi—" "Hindi niya po ako iiwang mag-isa kung hanggang ngayon ay may pakialam pa sa akin si Kuya. Kahit minsan po ay hindi niya po ako kinamusta kaya napatunayan ko na pong wala nang pakialam si Kuya sa akin," sabi ko. Ttinalikuran ko na si Manang Betty. Tinawag pa ako ni Manang pero hindi ko na siya nilingon. Kinuha ko ang gamit ko at kinuha ang kotse na hihiramin ko. Ibabalik ko na lamang 'yun kapag nakaipon na ako. Aaminin ko, naluto ako sa karangyaan kaya kahit na mag-commute ay hindi ko magawa dahil natatakot ako. Huminga ako ng malalim at ngumiti habang nakatingin sa isang walang laman na maliit na kwarto, maliit pa ito sa banyo ko sa mansyon pero kailangan ko nang sanayin ang sarili ko na hindi nakadepende sa ibang tao. Pumasok na ako sa loob at nilagay sa isang gilid ang maleta ko. Mahabang-habang trabaho ang gagawin ko sa maliit na kwarto na ito ng walang katulong ng iba. Sinimulan ko nang ayusin ang apartment at inilista sa isang papel ang mga dapat bilin. Iyong iba ay pinadeliver ko na lang at ‘yung mga importanteng kailangan ay sinakay ko na lang sa kotse. Naging maayos ang pag-aayos ko sa bago kong titirhan. Masasabi ko nang okay na iyon kaysa naman sa wala akong tirhan saka sinabi ko na rin sa sarili ko na dapat ay hindi na ako humingi ng tulong. Nagpahinga pa ako ng isang linggo bago ako naghanap ng trabaho. Napahinga ako ng malalim at saka sumalampak sa damuhan. Hays! Ang hirap palang maghanap ng trabaho, hindi ko naman alam na ganito pala kahirap to! Napasimangot na lang ako, ngayon ay alam ko na ang pakiramdam ng iba! “Emily? Is that you?” Natigilan ako noong may humintong kotse sa harapan ko at nagbaba ng salamin ng kotse. Kumunot ang noo ko at inaninag ang isang lalaki. “Yeah, you know me?” gulat na tanong ko. At parang gusto ko nang atakihin sa puso noong bigla na lamang siyang tumili na halos basagin na ang eardrums ko. “Hey!” "Sorry," natatawa niyang sabi. “Natuwa lang ako dahil nakita na rin kita sa wakas,” nakangiti niyang sabi. Namalayan ko na lang na lumabas na siya sa kotse at hinila ako patayo para sa isang hindi inaasahan na yakap. Magkahalong bigla at gulat ang naramdaman ko noong araw na iyon dahil unang-una sa lahat ay hindi ko naman siya kilala!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
107.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
70.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
162.4K
bc

His Obsession

read
76.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
21.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook