bc

They Call Her Ms. Cool

book_age12+
91
FOLLOW
1K
READ
drama
comedy
sweet
humorous
lighthearted
kicking
mystery
like
intro-logo
Blurb

May isang babaeng ubod ng tapang at lakas. Hindi siya normal na babae dahil kung kumilos ay parang lalaki. Siya ang nagligtas at kumupkop sa akin. She's tough but she cares so much.

The reason why I fell for her. -Krin Saiji

chap-preview
Free preview
One
LUNES ng umaga at lahat ng tao ay kanya-kanya sa kanilang trabaho. Maingay ang kapaligiran dahilan na rin na may mga batang naglalaro sa tabi ng kalye, may nagsusugal at may umiiyak na sanggol sa isang tabi. May naglalaku ng kanya- kanya nilang mga paninda. Umuusok sa tabi dahil sa may nagsasaing. Maiingay na nagchi-chismis na naririnig hanggang sa kabilang baryo. Ganito ang palaging senaryo tuwing umaga sa baryo Humupa. Simula nang mapunta si Krin sa lugar na ito ay parang nasanay na rin siya sa ingay ng lugar. Hindi siya taga-rito at simula nang mapunta siya sa baryong ito ay parang nag iba na rin ang mundo niya. Napangiwi pa siya nang muntikan na siyang sumubsob sa putikan nang mahagip siya ng dumaang motorsiklo. "Takte! Dahan-dahan naman!" inis na sambit niya kahit alam niyang hindi iyon maririnig ng driver. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad sa isang maputik at makipot na daraanan. "Kuya, bili ka na po. Ito nalang po ang huling paninda ko," Natuon ang pansin niya sa isang batang may hawak na pamaypay. Naawang hinagud niya ito ng tingin. Naka suot ito ng gusot at butas butas na damit. Sa pangbaba naman nito ay isang kupas na short. Tumutulo pa ang pawis nito sa noo dulot na rin ng mainit na sikat ng araw. Idagdag pa ang siksikan na daraanan. Nagdadalawang isip pa siya kung bibilhin niya ba ang pamaypay na hawak nito. Aanhin ba naman niya ang pamaypay diba? Mas pipiliin niya pang ipasok ang sarili sa refrigerator kay'sa mangalay ang kamay niya sa kapapaypay. Nagpa-balik balik ang tingin niya sa hawak niyang beinte pesos at sa batang maamo ang mukhang nakatingin sa kanya. Nagdadalawang isip siya. Sayang ang perang pambili niya sana ng ulam para sa kanilang pananghalian. Pero naisip niyang hindi pa naman niya siguro ikakamatay ang pagliban ng kain. Sa tingin niya ay mas importante ang natitira niyang pera para sa bata. Napamura siya nang mahina. Takting konsensiya naman oh. "Sige bata, bibilhin ko na. Ito, kunin mo ang perang to." Sabi niya sabay bigay ng hawak niyang pera. "Talaga po? Maraming salamat po!" Hindi mapakapaniwala at nagniningning ang mga matang tanong nito pero tinanggap din naman ang pera. "Oo, pasensiya na bata pero iyan lang talaga ang pera ko." Hinging paumanhin niya. Paano ba naman ay nakakakunsensiya ang bata. Mukhang napabayaan na ng mga magulang at mag-isa nalang. Base sa suot nitong butas butas na T-shirt. Nakakaawa ang mga batang ganon. Hindi nila ginustong maging ganon ang kinalabasan ng kanilang kapalaran pero iyon mismo ang binigay ng maykapal sa kanila. Pero naniniwala ang binata na mag-iiba rin ang kanilang kapalaran kapag magsikap sila at gumawa ng mabubuting bagay. "Ito na po yong pamaypay niyo Kuya." Sabi pa nito at winagayway pa ang hawak na pamaypay. "Sayo na yan bata. Ipamaypay mo pag naiinitan ka." Sabi pa niya sabay g**o sa buhok ng bata. Ewan ba niya pero magaan talaga ang loob niya sa mga bata. Naisip niya tuloy kung mayroon ba siyang mga kapatid bago siya masangkot sa nangyaring aksidente. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Napahinto siya nang makita na niya ang taong kanina pa niyang hinahanap. Isang babaeng nakasuot ng lose T- shirt at fitted black jeans na pinarisan ng high cut boots. Nakataas ang buhok nito na medyo kulot sa dulo. May suot itong wrist band na patong patong at kulay itim. Naka-eyeliner na aakalain mong nasapak dahil sa kapal. Pero bumagay naman ito sa maputi nitong balat. Nakasuot ito ng head phone at parang walang pakialam sa mundo na naglalakad. Ang cool niya talaga. Wala sa sariling naisambit ng binata. May lumapit ditong mga lalaking na kung titingnan mo ay parang naka-druga sa pula ng mga mata. Hinablot ng isa ang pulso ng dalaga. Ngunit hindi man lang nakikitaan ng emosyon ang babae. Humalukip lang siya at tiningnan ang susunod na mangyayari. Maya maya pa ay walang kaabog abog na sinuntok ng babae ang lalaking nagtangkang hawakan ito. Kaya ayon ay napasubsob sa semento. Sumunod naman na umataki ang mga kagrupo ng mga kalalakihan at pinagsusuntok ang babae ngunit ni isang suntok ng mga ito ay hindi tumama. Pinulsuhan ng babae ang isang lalaki at sinuntok ito ng pagkalakas-lakas dahilan upang hindi na ito makatayo. Dalawa nalang ang natira at puno ng paghangang tiningnan niya ang limang lalaking nakahandusay sa kalsada. Sa loon ng dalawang minuto ay napatumba nito ang apat na mga kalalakihan. Binigyan ng babae ng tig isang suntok ang dalawang natira sabay hila sa mga ulo ng mga ito at pinag untog sa isa't-isa. May isang katandan na lalaki ang umawat sa babae nang walang ano-ano ay pinagsisipa at tinadyakan nito ang mga lalaking walang kalaban-laban. "Naku! Kayong mga lasinggero kayo! Kung hindi ko lang naawat tong si Ae ay baka pinag-lalamayan na kayo ngayon. Sa susunod kasi pumili kayo ng babanggain." Iling-iling na sabi ni Mang Sidro sa mga lalaki. "Oh. Siya. Iha pag-pasensyahan mo na ang mga ito." Hinging paumanhin ng matanda. "Okay lang po tiyong." Preskong sagot naman ni Ae. Nakatulala parin siya. Sa tinagal tagal niya sa baryong ito ay ito ang hindi talaga siya masanay sanay. Ang palaging pakikipagbakbakan at pambugbug nito sa iba. Siya tuloy ang naawa sa mga binubugbug nito. "Pst! Tinutulala mo diyan? May ulam ba?" Masungit na tanong nito. Hindi niya man lang namalayang nasa harap niya na pala ito. Shit ang ganda! Komento niya sa kanyang isipan. "Ah... Oo Ae. At hindi ba ay sabi ko sayo wag ka nang mambugbug? Makapatay ka pa niyan eh." Panenermon niya sa dalaga. "Paki mo." Inis na sagot nito. Tumalikod na ito at tinaas pa nito ang kamay at itinaas ang gitnang daliri at kumaway. "Bye Krin!" Paalam nito at pumasok na sa bahay nila. Oo nila. Akalain niyo yon? Isang kagaya nito ang kumupkop sa isang kagaya niya. Isang babae walang ibang ginawa kung hindi ay ang sungitan at asarin siya. Ang bait nito no? Pero nagitla siya nang bigla itong sumungaw mula sa bintana ng kwarto nito at sumigaw ng pagka-lakas lakas. "KRIN DOON KA SA KUSINA MATULOG AH! SUBUKAN MONG PUMASOK DITO SA KWARTO KO AT NANG IHAGIS KITA SA KABILANG BARYO!" Nanaman! Napasapo nalang siya sa noo niya. Sino ba sa kanilang dalawa lalaki? Si Ae ba o siya? Sadista! Ang bait talaga nito. Ang bait sobra! Abot langit ang kabaitan. Siya si Krin Saiji. Eighteen years old. Pero hindi sigurado ang binata kung kailan ang kaarawan niya. Ang tanging alam lang niya ay kasing edad niya ang dalagang kumupkop sa kanya. HINDI malaman ni Aeden o mas kilala sa palayaw na Ae ang dapat niyang isipin sa mga oras na yon. Nararamdaman na niya na ano mang oras ay magkakahiwalay na silang dalawa lalo na at nagsisimula nang gumawa ng mga hakbang ang mga taong pilit niyang ibinaon sa limot. KINAUMAGAHAN ay napakamot ng madiin sa ulo niya ang si Krin. Hindi niya na alam kung ano pa ang mga kailangan niyang gawin para lang magising mula sa mahimbing na pagkakatulog ang dalaga. Nakadapa ang dalaga at mahimbing na natutulog. Natawa pa siya nang makita ang mukha nito at bahagyang nakanganga pa. "Uy! Ae! Ano ba! Gumising ka na diyan!" Pag-gising niya sa natutulog pa ring dalaga. Tumalon talon pa siya sa kama nito habang hinihila niya ang mga kamay nito patayo. Pero wala pa ring epekto. Napakamot ulit siya sa batok niya. Buhusan ko kaya to ng malamig na tubig? Tanong niya sa isip. Pero agad din niyang iwinaksi sa isip niya ang naisip na kalokohan. Isipin niya pa lang ang magiging reaksyon ng dalaga ay parang gusto na niyang magtago sa ilalim ng kama nito. Naiisip niya ang tumutubong sungay sa ulo nito at umuusok na ilong na tila handang handa nang bugahan siya ng apoy. Gusto ko pang mabuhay. Naisambit niya sa kanyang isip. "Ae! Ano ba? Gising na!" Wala pa rin. Dumukwang siya palapit sa tenga nito pero hindi pa nga siya tuluyang nakalapit ay kamao na nito ang sumalubong sa kanya. Pakshet lang! Naramdaman niya agad kung gaano kalakas ang suntok nito na naging dahilan ng pagkatilapon niya sa sahig. Napaigik siya sa sakit. Amazona. Nakangiwing komento niya sa isipan. Nang kapain niya ang mukha niya ay ay nagulat pa siya nang may dumikit na dugo mula sa ilong niya. Napangiwi siya sa nakita. Naman! Pag swenerte ka nga namang makasama ang ganitong klasing babae sa isang bahay. Daig niya pa ang battered boyfriend. Tumayo na siya mula sa pagkakatilapon niya sa sahig. Sakto namang pag-dilat ng mga mata ng dalaga. Kinusot kusot pa nito ang mga mata. Napatulala pa siya sa nakita. Para kasi itong isang Anghel na bumaba mula sa langit. Kumunot ang noo nito nang makita siya nito sa loob ng kwarto. Handa na sana itong sermunan siya kung bakit siya nasa kwarto nito ngunit natigil ito sa akmang pagsasalita nang makita nito ang kalagayan ng gwapo niyang mukha. "Uhmm. Uy Krin! Anyare sa mukha no?" Inosenting tanong nito na medyo bored pa ang tono at walang pakialam. Sa madaling salita ay para may maitanong lang. Ang sama talaga ng babaeng to! Takte ang lupit! "Ah. Eh... wala. Wala to. Nabangga lang ako sa pinto kaya dumugo." Pagsisinungaling niya. Baka kasi pag nalaman nito ang totoo ay baka dagdagan lang nito ang pasa niya sa mukha. "Tch! Kahit kailan tanga at lampa ka talaga." Pang-aasar nito sa kanya na may nakakalokong ngiti. Naku! Kung hindi niya lang talaga– tong babaeng to ay matagal niya na itong inihagis sa kung saan. Pero napalunok siya sa sariling laway nang maisip niya ang galit na mukha nito. "Oh siya, sige ako na ang tanga! Oo nga pala! Kumain kana at baka ma-late ka pa sa klase mo." Sabi niya nalang at tumalikod na. "Geh. Maliligo lang ako." Sabi nito at bumangon na. Pumasok agad ito sa C.R. Lumabas na siya dahil baka kapag nagtagal pa siya sa kwarto nito ay baka lumabas siya ng pugot na ang ulo. Pagkatapos niyang maghintay nang mahigit kalahating oras ay sa wakas natapos na rin sa pagligo ang amasonang prinsesa. Walang imik na umupo ito sa harap niya. Kumuha na siya ng pinggan at nilagyan ng pagkain ang plato nito. Tch! Di man lang ito nagpasalamat na siya ang naghanda ng umagahan nito. Kumain na lang din siya at hindi na ito binalingan pa Walang imikan silang kumain. Ganito sila kumain— este ang dalaga lang pala. Galit galit sa isa't-isa at kung lumamon ay daig pa ang may alagang bulate sa tiyan. "Uhmm... Afhdvhdsvddd..." Sabi nito habang ngumunguya. "Ano?!" Ni isa ay wala man lang siyang naintindihan sa sinabi nito. Magsasalita nga 'e puno naman ang bibig. Nakangiwing komento ng binata. Nginuya muna nito ang nasa bibig nito at linunok at saka ito nagsalita ulit. "Sabay tayong pumasok mamaya sa school." Baliwalang sabi nito. "Huh? Bakit?" Takang tanong niya. Ano naman gagawin niya sa paaralan nito? Kung maghahanap ng chicks ay pass siya sa mga ganyan. May gusto na siyang iba. Iyon nga lang ay hindi siya sigurado kung magkakagusto ba ito sa isang tao– este lalaki. "Bobo talaga! Mag-aaral ka na rin." Nakangiwing sabi nito na halos ikabuga ng iniinom niyang tubig kung hindi lang siya nito pinandilatan ng mga mata. "Teka! Uy Ae! Saan ka kukuha ng pera pambayad ng tuition? Eh alam mo namang kinukulang tayo ng pera dito sa bahay tapos mag-aaral pa ako. Dagdag gastos lang yan. Tipid tipid din naman pag may time." Iiling iling na sabi niya sa dalaga. "Hindi mo na problema yon. Na-enroll na kita kanina." Sabi nito at tumayo na sa pagkakaupo. "Teka! Ae naman! Sayang ang pera! Ae sandali lang!" Habol na tanong niya rito. "Ano?!" Baling nito at kunot noong tanong nito sa kanya na may nakakamatay na tingin. "Ah... eh... wala." Nag-aalangan pa siya kung sasabihin niya ba na hindi siya ayon sa ginawa nito. Kaso naisip niyan huwag nalang sabihin dito at baka maging dessert pa siya nito. "Tch! Wala naman pala eh. Oh! Magbihis ka na at baka ma letchon pa kita kapag na-late ako." Sabi nito sabay bato nito sa kanya ng pulo na puti at black slacks na may kasamang neck tie. Teka! San naman ito nakuha ng dalaga at mukhang bago pa? Sinuot niya nalang ang uniporming bigay nito at baka totohanin pa nito ang banta kapag tuluyan na silang ma-late. Maya maya pa ay lumabas na si Ae galing sa kwarto. Sa sala na siya nagbihis dahil isa lang naman ang kwarto ng bahay nila. "Tara na!" Sabi nito sabay bato sa kanya ng kulay itim na bag. At sa kasamaang palad ay hindi niya ito nasalo at sa halip ay sumapol ito sa mukha niya. Naman oh. NAGTATAKA pa ring sumunod si Krin sa dalaga. Iniisip niya pa rin kung saan kumuha si Ae ng pera pambayad sa tuition fee nilang dalawa. Tipid na tipid pa nga ito sa pera na ginagamit nila araw-araw. Tapos ngayon ay malalaman nalang niyang ini-enrol na siya ni Ae sa pinapasukang paaraln nito? Naiiling na sinundan niya ito sa paglalakad. Its been a years yet she's still a mystery to him. Ewan niya ba kung bakit ang hirap basahin ng babaeng to. May araw na mabait at may beast mode naman. Malay niya nalang kung paano niya nalagpasan ang mga lumipas na buwan kasama ang ganitong klaseng babae. Pero kadalasan sa mga araw na kasama niya ito ay parang may buwanang dalaw. Pinaglihi sa sama ng loob kumbaga. Napaisip si Krin kung ano ang mangyayari sa kanya sa unang araw niya sa paaralan ni Aeden. Pero hinihiling niya na maging okay ang lahat na mangyayari mamaya. ✂----------------------------------------------------------------- Nam~

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAFIA SERIES 6: MY LORD

read
344.2K
bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
199.6K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
534.2K
bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
342.3K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.9K
bc

A Night With My Professor

read
498.0K
bc

DARK MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
609.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook