TWO

2625 Words
NANG matanaw ni Krin ang isang mataas na bakod ay huminto na si Ae sa paglalakad at tiningnan siya nito nang masama. "Umakto ka ng normal kung hindi ay hindi kana makakauwi sa bahay." Sabi nito sa binata na may matatalim na tingin. Putcha! Nakakatakot talaga ang babaeng to. Himutok niya sa isip niya. "Uy! Ae wala ba akong allowance?" Sabi niya na may kasamang paawa. Nakanguso pa siya. Naman! Sana nga lang ay umepekto sa babaeng to. Dasal niya sa kanyang isipan. Nakahinga si Krin ng maluwag nang pagkatapos siya nitong titigan ng ilang minuto ay may dinukot ito sa pantalon nito. Oo nakapantalon ito samantalang ang mga babaeng nakikita niya sa campus ay nakasaya naman. Rule breaker talaga ang isang to. Lumiwanag ang mukha ng binata nang may iabot ang dalaga sa kanya. Ngunit agad rin namang bumagsak ang balikat niya nang makita kung ano ito. Nakakapanlumo at nakakaiyak... "Uy! Ae joke ba ito? Nagbibiro ka lang naman hindi ba?" At tumawa pa ang binata bahagya. At ang kinalabasan ng kanyang tawa at halatang pilit. "Mukha ba akong nagbibiro?" Seryosong tanong nito. Lihim siyang napamura dahil sa sagot nito. Mangiyak-ngiyak na tiningnan ng binata ang dalaga. Tangna! Sino ba kasi ang hindi maiiyak kung humihingi ka ng allowance tapos ay bibigyan ka lang ng limang peso? Kung pagbabasihan ang binigay nitong halaga ay pambata lang ito. Kahit nga mga bata sa araw ngayon ay hindi na bebenta ang mga ganitong halaga. At isa pa ay. Anong tingin nito sa kanya? Two years old na pweding utuin at sabihan na pweding ipambili ng trak ang limang peso? "Ae naman! Anong bibilhin ko dito? Candy? Bobot?" Sarkastikong tanong niya sa dalaga. Sa tingin niya kasi ay hindi niya deserve na ganito ang trato ng dalaga sa kanya. "Oh? Anong problema doon? Mamroblema ka kung walang mabibili yang binigay ko sayo." Iritadong sabi nito sabay lakad talikod nito sa kanya. Nayayamot na napakamot sa noo ang binata. "Ae! Sandali! Saan yong room ko?" Habol na tanong niya sa dalaga. Hindi niya kasi alam eh. Napakamot ulit siya ng ulo. Napapadalas na ang pagkaakamot niya ng ulo hindi dahil sa may kuto siya o ano. Kung hindi ay dahil sa isang babaeng walang ginawa sa buhaykung hindi ay ang inisin at barahin siya. "Sa third floor, second year college at section Z." sagot nito at hindi man lang siya nito nilingon. Tumingala siya upang tingnan yong sinabi nitong third floor. Teka–? At doon niya napagtanto na wala namang third floor ang paaralan. Dalawang palapag lang ang nakikita niya. At teka? Section Z? "Ae!" Asar na tawag niya sa dalaga. "Ano?" Mukhang alam na nito ang ibig niyang sabihin. "Yong totoo saan nga yong room ko?"Seryoso niyang tanong pero asa naman siyang matitinag ito sa kanya. "Classmate tayo." Sabi nito sabay bukas ng isang pintuan. Doon niya napagtantong nasa harap na pala sila ng isang room. At nang marealize niya siya nalang pala ang nasa labas ay dali dali siyang pumasok sa naturang silid. Napahinto sa pagsusulat ang guro at lahat ng estudyante ay napatingin sa deriksyon niya. Maliban sa isang tao. Ang walangyang kumupkop sa kanya. Napaismid siya sa nakita. Ramdam na ramdam niya pa ang mga nakakatunaw na titig ng mga ito. Naiilang na nagbaling ng tingin ang binata sa guro. Rinig na rinig niya kasi ang bulongan ng mg kababaihan. At may iilan pang harap harapang nagpapakita na interesado ito sa kanya. Napailing na lang siya. Hindi naman sa nagmamayabang pero normal na ang bagay na iyon sa kanya. Hindi naman kasi maikakailang may itsura ang binata. "Mr–? I guess you're the new student. Please kindly introduce yourself." Sabi nong teacher. "Kailangan pa ba yon?" Mahinang bulong niya. "Yes Mr. so mind introducing yourself to your new classmate." Teka. Excited lang. Takte alam niyang gwapo siya. "Hi. Krin Saiji is here." Pagpapakilala niya at ini-expose niya pa ang killer smile niya. "Okay. You may now take your seat." Sabi nong teacher. Deritso na siyn naglakad papuntang likuran kung nasaan si Ae para doon umupo. Bakanti kasi ang katabing upuan nito. May nag-offer naman ng upuan pero mas gusto niyang makatabi si Ae kahit na s*****a yong babaeng yon. Malapit na siy sa upuan ni Ae nang may biglang humatak ng kamay niya kaya ang kinalabasan ay napaupo siya sa bakanting silya katabi ang isang babaeng matamis na nakangiti sa kanya. Well, mukhang mabait naman pero masama ang pakiramdam niya sa babaeng katabi. "Hi! Ako nga pala si Seira." Sabi nito at inabot ang kamay niya at bahagya pa nitong dinikit ang katawan sa binata. Alanganin siyang ngumiti. "I'm Krin. Excuse me lang ah. Pero hindi ako dito uupo." Sabi niya at akmang tatayo na sana pero hinila nanaman siya nong babae. "Mr. Saiji and Ms. Corpuz any problem?" Sabi nong teacher sabay taas ng manipis na kilay nito. "Nothing ma'am." Sabi ni Seira at ngumiti ng matamis. "I don't tolerate this kind of behavior in my class Miss Corpuz. So Mr. Saiji and you will meet me in my office after the class!" Kalmado ngunit halatang naiinis na sabi ng guro. Hindi na niya alam kung ano ang nangyayari sa paligid niya. Ang inaalala niya lang ay ang magiging reaksyon ni Ae. Ito ang nag-enrol sa akin sa paaralang ito pero first day of school niya pa lang ay mukhang mapaparusahan na siya. Napakagat ng madiin siya labi niya si Krin at binalingan niya si Seira. Malungkot ang mukha nitong nakatingin sa kanya. She looks so sorry. Pero ano pa nga ba ng magagawa ng sorry nito? Will it change what happened a while ago? Kapag nagsisi ba ito ay hindi na namin kailangang pumunta sa office? Napabuntong hininga na lang siya. Pucha naman kasi. Bakit ay kailangan pang mangyari ang bagay na iyon? Pero natigilan siya sa pag-iisip nang may mapansin siyang isang pares ng mga matang nakatitig sa banda nila. Madilim ang mukha nito. I can see it in her eyes. Anger? Jealous? "Ae." Mahinang sambit niya. NATAPOS ang klase pero ni isa sa sinabi ng guro nila ay wala siyang naintindihan. Basta ang alam lang niya ay may taong humatak sa kanya palabas ng classroom. Matiim pa siyang nagdasal na sana ay si Ae ang taong humatak sa kanya. Pero hindi 'e. May kulang. Wala Yong tinatawag nilang spark sa tuwing hinahawakan ni Ae ang mga kamay niya. And her hands seems small. Their hands doesn't fit each other. Kaya hindi na siya nagulat nang makita niyang si Seira ito. Pagdating nila sa office ay ang balitang paparusahan sila ng detention. Napamura siya sa nalaman. Ano to gaguhan? Para yon lang? Pero wala na siyang nagawa kung hindi ay ang sumunod sa utosng guro. Nang tingnan niya naman si Seira ay parang okay lang nito na ma-detention. Mukhang enjoy na enjoy pa nga nito ang nagyayari. Naisip niya tuloy kung takas ba ito sa mental o ano. Parang zombie pa siyang naglakasd papuntang detention room. Nasa unahan niya si Seira na mukhang ang saya. Paano na si Ae? Wala itong kasama ngayon. Ang tanging nasa isip niya. LUNCH break na at sa wakas ay tapos na ang detention nila. Hindi na siya nakapagpaalam kay Seira dahil kating kati na siyang kausapin si Ae. Magpapaliwanag siya sa nangyari kanina. Kahit na hindi ito interesado ay magpapaliwanag pa rin siya. At isa pa ay kailangan na nilang kumain ng pananghalian. Wala pa naman siyang pera. Mayron pala pero ano naman ang mabibili niya sa limang peso? Tubig lang ata. Taeng buhay to. Nagpasya nalang siyang hanapin si Ae. Alangan namang hindi siya kumain, baka tumirik pa ang mga mata niya sa gutom. Tch! Hindi naman masyadong malaki tong paaralan na to medyo tama lang. Nagtanong tanong siya sa taong nadaraananniya kung nasaan yong cafeteria. Baka nandoon si Ae. Pero halos mabali nalang yong leeg ni Krin kakahanap sa dalaga pero ni amino nito ay hindi niya nakita. Nasaan na kaya yong babaeng yon? Papalabas na siya ng cafeteria nang may biglang humatak sa kanya. "Uy Krin! Kakain ka na ba? Pwedi sabay nalang tayo?" Ngiting ngiting tanong ni Seira. Naku tong babaeng to! Ang hilig manghatak. Naisip niya kung ano ang kailangan nito sa kanya. Kung pera ay wala siyang pera. Ito limang peso bili nito ng bobot. Pero mukha namang mayaman tong babaeng to eh. "Sorry miss pero may hinahanap kasi ako eh." Tanggi niya sabay tanggal sa kamay nitong nakapulupot sa braso niya at luminga linga pa siya sa paligid. Delikado na at makita pa sila ni Ae sa ganoong ayos. "Mamaya mo nalang hanapin. Sabay na tayong kumain please!" Pagmamakaawa nito. Naku naman! "Hin-" Tatanggi na sana siya pero tumunog naman nang pagkalas-lakas ang tiyan niya. Tae. Nakakahiya. "So I guess it's a yes. Gutom ka na rin pala eh." Sabi nito na may malawak ang ngiti sabay angkla ng kamay nito sa braso niya "Uh... Eh... Seira. Wala akong dalang pera." Nahihiyang pag-amin niya sa dalaga. "Naku! Okay lang. Ako nalang ang magbabayad. I insist." Sabi nito bago pa siya makaangal. Ito ang nag-order ng kakainin nila. Fried chicken, pasta, lasagna at ice tea for two ang binili nito. "Let's eat." Nakangiting sabi nito bago sumubo. "Thanks Seira." Ngumiti narin siya rito. Mukha naman itong mabait. Siguro ay hindi lang nito sinasadya ang nangyari kanina. "Welcome. Friends?" Saad nito as she extended her hands na tinanggap niya naman. Nagkwentuhan lang kami. Mabait naman pala siya at palakaibigan. Hindi naman siguro masamang makipag-kaibigan sa iba bukod kay Ae. Teka–! Speaking of Ae. Nasan na ang babaeng yon? Kumain na kaya yon? Malalagot talaga ito sa kanya kapag nalaman niyang nagpalipas na naman ito ng gutom. "Krin. Okay kalang ba? You're space out." Alalang tanong ni Seira. "No. I mean, nothing. Okay lang ako. Kailangan ko na palang umalis. Thanks for the lunch Seira." Pagpapasalamat niya sa dalaga. "Welcome. Bye!" Paalam nito sa kanya. Tumayo na siya mula sa pagkakaupo at lumabas na ng cafeteria. Doon niya nakita sa labas si Ae na parang may hinahanap. "Ae!" Tawag niya kay Ae sabay lapit niya sa dalaga. "Tch! Nandito ka lang pala. Saan kaba galing ha? Alam mo bang gutom na ako? Dali na punta tayong cafeteria at baka ikaw pang kainin ko! " Iritang sabi nito at akmang maglalakad na. "Hey Krin! Naiwan mo itong panyo mo sa table ng cafeteria." Sabi ng isang tinig na papalapit sa amin na ikinalingon ni Ae. Lagot! Takte! Patay siya kay Ae. Mumurderin siya ng dalaga kapag nalaman nitong nauna na siyang kumain. "Ah... Eh... Salamat." Alanganing sabi niya. Nang tingnan niy si Ae ay nakakamatay na tingin nito ang sumalubong sa kanya. Ngunit agad rin itong nawalan ng emosyon at naging blangko ang mukha. "Hi Aeden. Nandyan ka pala." Bati ni Seira at pinasadahan niya ng tingin si Ae and then she smirked. Yong ngiti niya ay parang nang-aasar. "Cool Ae." Sabi ulit ni Seira kay Ae na hanggang ngayon ay hindi parin nakikitaan ng emosyon. Hindi siya pinansin ni Ae at walang lingon likod itong naglakad papalayo. Saan yon pupunta? Akala ko ba gutom yon? "Sa susunod ulit! Bye Krin!" Sabi ni Seira at nag flying kiss pa sabay kindat bago siya nito tinalikuran. Wala sa sariling napahilot siya sa sentido niya. Walangya! Unang araw niya pa lang at ang rami nang nangyari. Napapikit siya nang mariin. Anong g**o na naman ba itong pinasok niya? Ae naman eh. "AE! Teka lang!" Tawag niya kay Ae nang maglakad na ito palabas ng campus. Tapos na kasi yong klase at uwian na. At hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nito kinakausap ni kibuin man lang. "Ae!" Takte! Dahil sa paghabol ko sa kanya ay muntik na akong madapa. "Ae naman!" Di pa rin ito lumilingon. Wengya tong babaeng to oh. "Ae sorry na oh. Please." Sabi niya kay Ae sabay hawak sa pulsuhan nito para pigilan ito sa paglalakad. Langya! Kanina pa siya hinihingal sa kakasunod dito. "Bitaw." Malamig na utos nito. "Ae naman eh. Sorry na nga diba? Please. Lahat gagawin ko mapatawad mo lang ako." Pagsusumamo niya sa dalaga. At sa wakas ay huminto na ito sa paglalakad at masamang tiningnan nito ang binata. "Talaga?" Sabi nito na may nakakalokong ngiti. Napamura siya dahil mukhang alam niya na ang ipapagawa nito. "KRIN! May dumi pa oh. Hindi mo ba nakikita yan?!" Lintek oh. Sinabi niya na nga ba! Aalilain na naman siya ng babaeng to. At Nasaan na yong dumi? Tanong ni Krin sa sarili niya at nilakihan niya pa ang mga mata niya para lang makita ang sinasabi nitong dumi. Langya! Hindi ako bulag pero nasaan na yong hustisya? Halos mabutas na yong sahig ng bahay sa kaka-walis niya. Itong babaeng to. Naku! Kung hindi ko lang to– este kung hindi lang talaga to babae 'e. "Naman Ae pwede bang kumain na muna ako? Nine in the evening na oh." Takte ang lupit talaga ng babaeng to. Isipin niya pa lang na simula pa pag-uwi nila galing school ay pinaglinis na siya nito ay mas lalo siyang nagugutom. "Geh." Sabi nito at pumasok na ng kwarto. Habang kumakain siya ay biglang bumaba si Ae galing kwarto nito. "Oh? Bakit hindi ka pa natutulog?" Tanong niya kay Ae. "Paki mo?!" Here we go again with her infamous line. Tch! "Nagtatanong lang eh. Sungit." Bulong niya na narinig naman nito. "Oo nga pala Ae. Nasaan na pala yong parents mo?" Maya maya pa ay tanong niya kay Ae. "Wala na sila." Sabi nito. Naisip niya na sana ay may kapangyarihan nalang akong bumasa ng iniisip ng isang tao. Dahil kapag nangyari yon ay ang iniisip ni Ae ang gusto niyang malaman. Hindi niya ito mabasa. May iba kasi na nakikita mo lang ito sa mga mata nila. Pero iba mga mata nito. Blangko. Ang masasabi niya lang ay ang hirap nitong basahin. "Krin, before I forgot. Keep away from Seira." Walang emosyong sabi nito. "What?! Why?" Takang tanong niya sa dalaga. Para sa kanya ay wala namang masama kung makipagkaibigan man siya kay Seira. "Just follow me." Baliwalang sabi nito. Ano ang dahilan nito? "What's wrong in making friend with her Ae? She's not that bad." Medyo tumaas na ang boses niya. Kasi naman diba!? Wala itong valid reason. Ano ba ang gusto nito? Na hindi na siya makipagkaibigan? "Nothin." She just shrugged. "I can't believe you Ae. Ano naman yong papalayuin mo ako sa isang tao na walang valid reason? Isn't unfair Ae?" This time hindi na siya nakapagtimpi pa. "You want to be friends with her? Then go. I already warned you Krin." Wala pa ring emosyong sabi nito. "Eh. Bat mo pinalalabas na masama siyang tao ha? Na masama siyang ipluwensiya kaya layuan ko siya? Don't judge her Ae! She's nice." Pagpapaintindi niya sa dalaga. "So be it. Believe what you want to believe Krin. Let's end this conversation. I'm going to sleep." Mahinahong sabi nito. Hindi na niya ito pinigilan pa dahil baka mas lumala pa ang sitwasyon. Kakausapin niya na lang ito bukas. Hindi niya alam kung ano ang rason nito. Pero hindi naman masamang babae si Seira ah. In fact. She's nice. ✂-------------------------------------------------------------------- NAM
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD