Three

2085 Words
TANGHALI na nang magising si Krin at nang tingnan niya ang kwarto ni Ae ay wala na ang dalaga don. Ewan. Maaga sigurong pumasok. Okay lang naman sa kanya dahil alam niya na naman ang daan papuntang paaralan nila. Naligo na siya at nagbihis ng school uniform. Naisip niyang kakausapin niya nalang si Ay tiungkol kagabi. Gusto niyang humingi ng tawad kay Ae. Ewan niya ba pero nagui-guilty siya. At isa pa, sinasabi ng kanyang utak na sundin niya nalang si Ae. Nang matapos na siyang mag-ayos ay kinuha niya na ang bag niyq at lumabas na ng bahay. Wala yong big bike ni Ae. Siguro ay dinala nito. Yong babaeng yon talaga pag nandyan siya ay trip nitong maglakad pero kung wala siya ay saka nito gagamitin yong big bike na pag-aari naman nito. Tch! Konti nalang at iisipin na niyang ayaw siyang pasakayin ni Ae sa sasakyan nito. Lumipas ang ilang minuto ay narating na ni Krin ang paaralan. Pumasok na siya ng gate at tinungo yong class room nila ni Ae. Hindi pa naman siya late dahil may mga iilan pa namang naglalakad na mga estudyante sa hallway ng paaralan. Pagpasok ko ni Krin sa silid-aralan ay bumungad sa kanya magulo nilang class room. May nagbabatohan, nagchichismisan, may nagbabasa at kung anu-ano pa. Nang makita siya ni Seira ay binigyan agad siya nitong binigyan ng matamis na ngiti habang kinakawayan siya nito. Gaganti na sana siya ng kaway kay Seira ngunit agad rin niyang ibinaba ang kanyang kamay nang maalala niya ang sabi ni Ae sa kanya. Ayaw ni Krin na magalit nang husto sa kanya ang dalaga. Iginala niya ang kanyang paningin sa buong class room pero hindi niya nakita si Ae. Agad siyang nakaramdam ng pangamba nang makita niyang wala ito. Bakante ang upuan nito. "Uy Krin! Good morning!" Si Seira habang kinaway-kaway pa nito ang kamay nito sa harap niya. Hindi niya man lang namalayang nasa harapan niya na pala ito. Masyado kasing malalim ang kanyang iniisip. "Hi Seira nasaan na yong first subject Prof natin? At bakit ganito yong classroom?" Takang tanong niya kay Seira. Kasi yong classroom ay puno ng nagkalat na ginusot na mga papel at mga wrappers. "Ah. Wala tayong class sa first and second subject natin. May biglaan kasing meeting lahat ng mga teachers." Paliwanag ni Seira sa kanya. "I see." Sabi niya at pumunta na sa upuan na katabi ni Ae. Gusto sana siyang maging katabi ni Seira pero tinanggihan niya ito. "Krin pwedi bang samahan mo ako sa clinic? Medyo masakit kasi yong ulo 'e ko kaya hihingi ako ng gamot sa school nurse. Please..." pagmamakaawa ni Seira sa binata. Gusto niyang tumanggi pero nakakakonsensiya lalo na't ayon sa dalaga ay masakit ang ulo nito. "Okay." Wala na siyang choice kung hindi ang pumayag. Ayaw niyang maging magaspang ang papakikitungo niya sa mga babae. Dahil may respeto lang talaga siya sa mga babae kaya siya pumayag na samaham si Seira. Babae ang nagluwal sa kanya at ganon na din kung may kapatid man siyang babae bago siya magka-amnesia. "Yay! Thank you Krin!" Sabi ni Seira sabay yakap nito sa kanya. Medyo nagulat pa siya pero wala naman siguro itong malisya. Friendly hug lang kumbaga dahil natuwa si Seira. Nauna na siyang kumalas ng class room at niyaya na itong pumunta sa clinic. Habang naglalakad sila ni Seira ay may nakitang silang nagkukompulang mga sudyante sa gym. Madadaanan lang kasi ang gymnasium nila patungong clinic. "Seira anong nangyayari don?" Tanong ni Krin kay Seira na halata sa mukha na hindi ito interesado. "Nag-aaway lang siguro. Tara na. Masakit na kasi talaga ang ulo ko." Sabi ni Seira sabay hilot sa sentido nito. Sumunod nalang siya sa dalaga. "Ang cool talaga ni Ae diba? Grabe dinaig niya pa ang lalaki. Crush ko na ata siya eh." "Oo nga. Ang hot niya sa jersey niya!" "Kunti nalang talaga at aakalain ko nang baka totoo nga ang sabi sabi na tomboy yang si Ae." "Ang astig kaya niyang si Ae. Bagay na bagay sa kanya ang tawag ng mga tao sa kanya." "Oo nga, Si Miss Cool. Tapos, sobrang ganda niya pa. Kutis pangmayaman!" Napahinto si Krin mula sa paglalakad nang marinig niya ang mga bulong bulungan ng mga studyante sa hallway. Teka si Ae? Si Aeden ba ang pinaguusapan nila? Tanong ni Krin sa kanyang utak. "Sorry Seira. Hindi na kita masasamahan sa clinic may nakalimutan pala ako." Paumanhin ni Krin kay Seira na halatang dismayado sa sinabi sinabi niya. "Okay lang. Ingat ka Krin." Matamlay na sabi nito. "Ikaw rin. Pagaling ka." Sabi niya at tumakbo na papuntang gym. Gusto niyang makita si Ae. Nami-miss ko na niya ang babaeng yon. Yong pagiging s*****a, malamig at pag-aasar nito sa kanya. Napatigil siya sa pagtakbo nang matanaw niya ang isang babaeng may hawak na bola na nasa gilid ng bewang nito. Nakasuot ito ng Jersey na kulay itim at may linings na pula at nakatali ang mga buhok. She's not just hot. Cu'z She's also cool. MADILIM ang mukhang tiningnan ni Krin ang mga kalalakihang kanina pa sumisipol tuwing nakaka-shoot si Ae ng bola. Nagtatagis ang kanyang bagang. Tanginang mga tikbalang. Gusto niyang pagbuhulin ang mga ito isa isa at nang maalis ang mga ngisi sa mga mukha ng mga ito. Kanina pa siyang nagpipigil na huwag magwala sa loob ng gym. Pero kahit na ang katotohanan ay hindi niya masisisi ang mga kalalakihan na nasa sulok ng gym na humanga sa dalaga. Kahit naman naka-jersey ito at naka-rubber shoes ay mas lalo pa itong gumanda. Kitang-kita niya kung gaano kaganda ang hubog ng katawan nito. s**t! Tae! Gusto niya tuloy kumuha ng malaking towel at takpan ang buong katawan ni Ae. Bakit ba naman kasi ito ipinanganak na maganda at sobrang sexy? Sa isip niya tuloy ay hindi siya makakaalis ng paaralang ito na walang napapatay. Binaliwala niya na lang ang nga kalalakihang harap-harapang pinagpapantasyahan si Ae. Gusto niya mang bangasan ang mga ito ay ayaw niya pa rin ng g**o. Ayaw niyang dagdagan pa ang kasalanan niya kay Ae. Baka magsawa na ito sa kanya at mauwi siya sa kangkungan. Bumuntong hininga nalang siya at itinuon ang buong atensyon sa laro. Nakakapagtaka kung bakit pinayagang maglaro si Ae ng larong yan at mga lalaki pa ang mga kasama. Ito lang ang nakikita niyang babae sa mga players. Ang weird ng paaralan. Kumulo tuloy ang dugo niya nang maisip niya ang maaring mangyari. Paano kung madisgrasya si Ae habang nag-lalaro? Masipa o hindi kayay masuntok? Wala ba silang utak? Tangina yan! "Mga walang utak. Paano kung masaktan si Ae? Ipapa-demolish ko talaga ang paaralang ito." Himutok niya. "Si Miss Cool ba? Naku! Wag ka nang magtaka. Siya nga yong captain ball ng buong team eh. Ang cool niya di ba? Alam mo kahit babae siya ay ang galing niyang maglaro ng basketball. Dinaig niya pa ang mga lalaki. Kaya nga kahit si Aron ay walang nagawa nang si Miss Cool ang gawin nilang Captain ball eh. At alam mo ba–" Mahabang lintanya ng babaeng katabi niya ngunit agad na niya na itong pinutol. "Syempre hindi ko alam. At'saka tinatanong ba kita?" Masungit na sabi niya sa babaeng katabi. Ang daldal naman kasi nito. Hindi siya maka-concentrate sa panunuod ng laban ni Ae. "Hindi mga pero mukhang interesado ka 'e. At'saka teka– kilala mo ba si Miss Cool?" Namamanghang tanong nito. Oo naman at siya ang mapapangasawa ko balang araw. Gusto niyang sabihin ang mga katagang yon pero pinigilan niya ang kanyang sarili. Baka ma-isyu pa sila ni Ae lalo na at mukhang sikat ito sa paaralan nila. Hindi man lang sinabi ni Ae sa kanya na sikat pala siya. "Oo kilala ko siya. Kilalang kilala." Wala sa sariling naibulong niya. Kahit naman hindi masyado ay basta kilala na niya si Ae. Masungit, cold, mapang-asar at palaging may PMS. Ganon ang Ae na kilala niya. "Tapos na ang game. Expected na talaga na sila ulit ang mananalo." Sabi nang nasa nalikuran ko at nagsitayuan na sila. Doon niya lang napansin na tapos na pala ang laro at wala na rin yong madaldal na babaeng katabi niya kanina. Sumulyap siya sa kinaroroonan ni Ae. Kasama nito ang mga ka-teammates nito at nakipag-fist bump pa sa isa't-isa. Tae! First bump lang yon at simpling ngitian pero naasar pa rin siya. Ang sarap tapyasan ng mga bibig ang mga ito. Sa isip niya ay lihim na niyang pinapatay ang mga ito. Naiiritang tumayo siya mula sa pagkaka-upo mula sa bench at walang lingon-likod na naglakad palabas ng gymnasium. Mutikan pa siya makabangga ng isang babaeng freshmen. "Ouch!" Reklamo nito kahit hindi man lang niya ito nasagi. Nang tingnan niya ang mukha ng babae ay mas lalo siyang nairita. Ang buhok nito ay nakatali sa dalawa at may ribbon na pink. Todo nguso pa ito at umaarti na nasasaktan. "Miss. Huwag kang mag-react. Ni hindi nga kita nasagi eh." Masungit na sabi ni Krin sa babae. Bad mood siya kaya hindi siya dapat iniinis ng mga tao. Trip niya pa namang manapak kapag naiinis siya. "Excuse me?" Naiinis na tanong nito sa kanya. Bahagya pang nakataas ang manipos nitong kilay. Bakit hindi nalang inahit lahat? Tch. "Dumaan ka na." Sabi niya at nauna nang maglakad. Ngunit maya-maya pa ay naramdaman niyang may taong sumusunod sa kanya. "Huwag kang sumunod. Wala kang mapapala sa akin." Simpling sabi niya nang makita niya ang babae pala kanina ang sumusnunod sa kanya. "Wow! Ang kapal mo ha? Ano naman sayo kung magkaparehas ang daan natin?" Masungit na sagot nito sabay ipit nito sa buhok. "At hindi porket gwapo ka ay sinusundan na kita." Dagdag pa nito. "May asawa na ako." Naiiritang sabi niya. Naisip ni Krin na naka kung malaman nitong may anak na siya ay titigilan na siya nito. Hindi siya interesado kahit kanina. Si Ae palang ay sapat na sa kanya. Kahit pa s*****a at malakas manapak yon. "As if maniniwala ako. Magka-edad lang siguro tayo kaya imposibling may asawa ka na." Pamimilit pa nito. "Miss? Gusto mo pa bang mabuhay?" Seryosong tanong niya rito. Sinusubukan niya lang ito. Nagbabakasakaling kapag tinakot niya ito ay kumuripas ito ng takbo. Ngunit nang tingnan niya ito ay ngumiti lang ito ng matamis. "Pick-up line ba yan? Ay! Sige nga! Gusto ko niyan. Bakit?" Nagniningning ang mga matang tanong nito. Damn! Saan ba pinaglihi ang babaeng to? Kulang na lang ay pandilatan niya ito ng mga mata dahil sa labis na pagkairita. "Lubayan mo na ako dahil baka mapatay ka ng asawa ko." Sabi niya at iniwan na ito. Ngunit labis siyang nanlumo nang makita niya ang babaeng pilot siyang sinasabayan sa paglalakad. Tae! Ang kapal ng taba ng babaeng to. "Ay! Akala ko pa man ay sasabihin mong papatayin mo ako sa pagmamahal." Kinikilig na sabi nito. Takte! Nakakilabot sa totoo lang. Sa mukha ng babae ay parang anumang oras ay gagahasain na siya nito. Nakakairita ang ganitong mga babae. Makakita ng ng gwapo ay parang aso na kung maghabol at parang linta kung dumikit. Hindi man lang iniisip yong pride nila. "Hindi ka sardinas kaya huwag mong isiksik ang sarili mo sa akin." Pinal na sabi niya at binilisan niya pa ang kanyang paglalakad. Patay siya kung makita siya ni Ae na may kasamang babae. "Pero willing naman akong maging sardinas para sayo." Malaki ang ngising supalpal nito sa sinabi ko. Tch. Wala na talagang pag-asa ang babaeng ito. Malala na ang saltik sa ulo. Nakakairita ang ayos nila ngayon. Para siyang isang babaeng pilit na sinusundan ng kanyang manliligaw. Takte! Para siyang masusuka sa naisip. "Miss. Hindi ako nag-bibiro kaya lubayan mo na ako." Mahinahon ngunit may diing banta niya sa babae. "Hindi rin ako nagbibiro! Crush talaga kita o baka nga ay mahal na kita kahit kanina pa lang kita nakilala." Nayayamot na sabi nito. "Miss–" Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang may isang taong dumaan sa gitna nila. "Sa kalsada pa talaga nagligawan. Tch. Mga malalandi nga naaman." Narinig niya pang bulong ng taong dumaan. Bubulong na nga lang 'e rinig naman. Akmang sisigwan na niya sana ito ngunit natigalgal siya bang mapagtanto kung sino ang taong dumaan. "Ae." Kinakabahan niyang bulong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD