PANSIN na pansin ni Krin ang pagiging walang imik ni Ae. Buong atensyon itong nakatingin sa laptop nito at hindi man lang siya nito binigyan ng kahit isang tingin. Kung makaiwas ito sa kanya ay para namang may nakakahawa siyang sakit. Isa lang naman ang naisip niya sakit niya. At yon ang pagiging gwapo niya na hindi naman nakakahawa.
"Ae? Pahiram ng ball pen." Tawag niya sa dalaga. Baka sa ganon ay balingan na siya nito. Simula nang sundan niya ito pauwi ng bahay ay hindi man lang siya nito tiningnan. Tae! Nakakaasar at nakakaubos ng pasensiya. Pasalamat nga ito at libre nitong nakikita ang kagwapuhan ko araw-araw.
"Nasa bag ko. Kunin mo nalang." Sabi nito na hindi man lang siya binalingan o kahit sulyap man lang.
Ano ba talaga ang problema ng isang to?
Kinuha na niya ang ball pen na sinasabi nito. Kahit wala naman talaga siyang paggagamitan ng ball pen.
"Ae, pahingi ng papel." Sabi niya ulit kay Ae. This time ay nakita na niya kung ano ang ginagawa nito sa laptop. Naglalaro ito ng Clash of Clans o COC. Tae. Ipagpalit daw ba siya sa mga barbarian.
Hindi man nga lang umabot sa kalingkingan niya ang mga barbarian na yan. Sa gwapo kong ito ay mas pinili pa ni Ae na tingnan ang mga ganong bagay? Tch. Mundo nga naman. Hindi makatarungan.
"Kumuha ka na lang sa bag. Ano ba kasi ang gagawin mo?" Naasar na tanong ni Ae sa kanya.
Mukhang naiirita pa ito tuwing nagsasalita siya. Naknang! Sa ganda ng boses ko ay walang sinuman ang ayaw marinig ito. Tapos naiinis pa si Ae tuwing nariring nito ang boses ko? Tch.
"Gagawa ako ng assignment sa calculus." Pagsisinungaling niya. 'E sa wala na siyang alam na palusot. Malaman pa ni Ae na kinukulit niya lang ito ay naka mapatay pa siya nito.
"Wala tayong assignment sa calculus." Malamig na sabi nito sa kanya dahilan para mapalunok siya nang wala sa oras. Malay niya ba na nakikinig pala ito sa klase. Palagi nalang kasi niya itong nakikitang natutulog lang sa klase.
"Kasi–" Magpapalusot na ulit siya nang unahan na siya nito.
"At hindi ka marunong sa calculus. You hated Math so much so why would you?" Nakatuon pa rin sa screen ang mga matang sabi nito. Damn! Oo nga at alam ni Ae na higit niyang sinusumpa ang subject na Math.
"Kasi binigyan ako ng special project ni Prof Jimenez dahil mababa raw yong grades ko kaya ayon." Nakahawak sa batok niyang palusot.
"You better not say lies to a liar. Una, paano mo nalamang mababa ang grades mo 'e ilang araw ka palang sa school? Pangalawa, Mr. Jimenez don't give special projects to his students because he thinks it is hassle to his side, third is you never had a talk with Mr. Jimenez. Not even once." Parang imbestigador na pahayag nito. Damn! Napalunok na lang siya ng ilang beses at dali-daling lumabas ng kwarto ni Ae. Tae! Sabi na nga ba niyang hindi magandang ediya ang kausapin si Ae lalo na pag beast mode ito.
Huminga siya ng malalim at tinungo ang kusina. Kumuha siya ng baso at nagsalin ng tubig. Ano ba kasi ang problema ng babeng yon? Pati tuloy siya ay hindi mapakali. At tinawag pa siya nitong malandi kanina. Inilapag niya ang baso sa counter at naasar na nagkamot sa batok niya.
Lumabas na siya ng kusina pumasok na sa kwarto niya. Itutulog na lang niya ito. Taeng Ae kasi. Hindi nito nilulubayan ang isip niya.
Humiga na siya at ipinikit na niya ang kanyang mga mata.
Pakialam niya naman kung ano ang nayayari rito di'ba? Tch.
LUMIPAS ang ilang linggo ay ganon pa rin ang set-up nila ni Aeden. Susubukan niyang kauspin ito pero ito naman agad ang iiwas. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin sa babaeng yon. Hindi naman ito ganon. Dahil ang Ae na kilala niya ay papahirapan siya kapag may kasalanan siya.
Gaya nalang noong sumabay siya kay Seira na kumain. At hindi pa pala ito kumain dahil isasabay Sana siya nito. Grabeng paghihirap ang naranasan niya nang mga oras na yon. Kuntodo pakiusap pa siya kay Ae na huminto na ito sa p**********p sa kanya.
Pero ngayon ay wala na talaga itong imik sa kanya. Mauuna itong kakain at matutulog. Sa umaga naman ay mauuna rin itong gigising at pupunta ng paaralan. Mas masahol pa ang ginagawa nito sa kanya ngayon kay'sa noon. Grabeng paghihirap ang nararanasan niya ngayon. Hindi sa pisikal kung hindi ay emosyonal.
Nasanay na rin siyang mag-isang pumapasok. Hindi na rin siya nanghihinga kay Ae ng pera. Noong nakaraang linggo pa siya nagsimulang mag part time job. Mas mabuti na yong may trabaho siya at kumikita ng pera. Siya ang lalaki sa kanilang dalawa kaya siya dapat ang naghahanap ng pera. Tae! Iniisip niya pa lang na para na silang mag-asawa ni Ae ay para na siyang dinuduyan. May nagtanong sa kanya kung kinikilig daw ba silanh mga lalaki. Syempre naman. Hindi naman silang mga lalaki. May puso rin sila at may pakiramdam.
Ilang minuto lang ay narating din niya ang paaralan nila. Pumasok na siya ng gate at tinungo ang classroom nila.
Medyo okay naman ang classroom nila. Mukhang magiging normal ang araw niya ngayon. Pumasok na siya at naglakad papuntang upuan na nasa tabi ni Ae. As usual ay nakasandal na naman ito sa upuan nito habang nakapikit ang mga mata.
"Good morning." Tipid na bati niya sa dalaga. Hindi na siya nagulat kung hindi man lang siya nito binalingan para batiin pabalik. Sanay na siya sa dalaga. Parang cycle lang yan. Paulit-ulit na babatiin niya ito at hindi siya nito babatiin pabalik dahil hindi siya nito naririnig. Palagi naman kasi itong naka-head phone. Parang ngang nakadikit na ang bagay na yan sa tenga nito kasi palagi niya itong nakikitang ganito ang ayos.
"Okay class, this time I will group you into four para sa activity natin." Nag-react agad yong mga classmate niya dahil nakakatamad daw mag-activity. Tch. Mga tamad.
"Excuse me ma'am. Pero ano po Yong activity na yon?" Tanong nong nerd sa gilid niya.
"Oo nga ma'am. Dapat exciting." Sabi nong babaeng nasa unahan.
"Of course! Because we will be playing volleyball at kung sino man ang team na mananalo will receive a prize from me ." Sabi ng Prof nila. Ito ang hindi niya talaga gusto. Kung kausapin sila ng guro nila ay para silang nasa grade school. Ang lumanay at wala man lang ka diin diin.
Dahil sa sinabi ng Prof nila ay agad namang sumimangot ang mga kaklase niya. Kesyo boring daw at unfair dahil yong iba daw at hindi marunong.
Okay lang naman kay Krin dahil kahit konti ay marunong naman siy.
Nang tingnan niya si Ae ay ganoon pa rin ang ayos nito. Nakapikit ito at may suot na head phone sa tenga nito at yong isang benti nito ay nakapatong sa likuran ng upuan na nasa unahan namin. Napailing nalang siya sa nakita. Hindi niya alam kung ano ba ang ginagawa ng babaeng to at parang walang tulog. Nakakapagtaka rin kung paano siya nito naipasok sa paaralan. Wala naman yong birth certificate niya at ang iba pang papeles na kinakailangan sa papapa-enroll.
Gumugulo man ito sa isip ni Krin ay pinili niyang hindi magtanong. Naka kung ungkatin niya pa ay mas lalong magalit si Ae sa kanya.
"I'll give you five minutes para makapunta sa field." Yon lang at nauna nang lumabas yong Prof nila. Napailing siya. Hindi rin halata sa Prof nila excited na excited ito no? Nakalimutan pa silang i-group.
Binalingan niya ulit ang kanyang katabi at nagdesisyong gisingin ito. At baka kung hindi niya ito gisingin ay abutan to ng ilang dekada bago magising pag hindi niya ito ginising.
"Ae! Hoy! Ae!" Sabi niya sabay pitik ko sa noo nito. Hindi parin ito kumibo. Ni gumalaw man lang.
"Ae! Hoy! May sunog!" Sa wakas ay idinilat nito ang isang mata at tiningnan siya ng masama.
"May sunog? Eh bakit buhay ka pa?" Sabi nito. Ang sama talaga ng atay, intestine,bulon bulunan, at karne ng babaeng to.
"Bahala ka na nga diyan." Sabi niya at lumabas na ng room. Ewan ko don.
"Uy Krin! Magka-group pala tayo!" Nakangiting sabi ni Seira na papalapit sa kanya.
"Ah, okay. Sige Seira mauna na ako. Magpapalit lang ako ng P.E uniform." Sabi ko nagtungo na sa locker room. Oo may locker room dito. Tinulungan ako ni Seira na ilagay ang mga gamit ko noong isang araw.
At oo, hindi niya na iniwasan si Seira. Wala naman sigurong mawawala sa kanya kung sakali mang makipagkaibigan siya. Kailangan niya rin ng tulong nito dahil hindi naman siya tinutulungan ni Ae. Iniiwasan pa nga siya nito hanggang ngayon.
Kinuha na ni Krin yong uniform niya at nagtungo na sa C.R ng boys. Alangan naman kasing doon siya sa locker magbihis. May makakita pa ng abs niya. Swerte lang nila. Tch. Si Ae palang ang nakakita ng abs niya.
flashback
Matapos maligo ni Krin ay lumabas na siya ng banyo habang ang tanging tuwalyang nakapulupot sa beywang niya ang tanging suot niya.
Lumabas na siya ng banyo nang madatanan niya si Ae sa sala.
"Gago! Magbihis ka at huwag kang lumabas na ganyan lang ang suot kung ayaw mong tadtarin ko yang katawan mo." Sigaw ni Ae sa kanya at binato pa siya nito ng remote na saktong sumapol sa mukha niya
Napaigik pa siya dahil sa sakit na naramdaman
Swerte nga ni Ae at nasilayan nito ang six pack abs niya. Tch.
End of flashback
Matapos niyang magpalit ng damit ay nagpunta na ako siya sa field. Sakto lang ang pagdating niya dahil magsisimula pa lang.
Lumapit sa kanya si Seira at hinila siya nito sa ka-grupo nila.
"So nakapili na ba kayo ng ka-grupo niyo?" Tanong nong teacher. Tiningnan niya ang kabilang grupong makakalaban nila. Napamulagat siya nang makita niya si Ae na bagot na bagot na nakatayo roon. s**t! Kung lalaro man si ay ay tiyak na talo na sila.
"Ma'am, kulang kami ng isa doon pala kina Seira makiki-grupo so Krin." Sabi nong ka-grupo ni Ae. Teka? Siya? Di'ba sabi ni Seira na magka-grupo daw sila?
"Ma'am ako nalang po." Sabi nong singkit na maputla habang titig na titig kay Ae. Aba't gago to ah! Kung makaasta parang kung sinong gwapo. Nagtatagis ang bagang tiningnan niya ang nagsalita. Subukan lang nitong hawakan si Ae at nang mabugbog niya ito.
"Okay it's settle then. Let's start the game. Team one Vs. team two." Sabi nong teacher.
"Seira bakit sinabi nilang ka-grupo ko sana sila Ae?" Maya-maya pa ay tanong niya kay Seira.
"Eh. Sorry Krin. Kulang kasi kami ng isa kaya sinali nalang kita. I'm sorry." Nakayukong paliwanag ni Seira. Tch.
"Geh. Okay lang." Nanlulumong sagot niya. Tae. Nanghihinayang siya lalo na at nalaman niyang ka-grupo niya pala sana si Ae.
Nagsimula na ang game. Ang galing talaga ni Ae maglaro ng volleyball. Halos ito lang ang nakapuntos. Hindi kasi nasasalo ng sino man ang spike nito. Kaya lamang na lamang sila Ae.
Nakatingin lang siya kay Ae buong laro. Bawat galaw nito at hampas ng bola ay mas lalo siyang nahuhulog dito. Hindi makakailang ang ganda at ang astig nitong tingnan habang nagse-serve ng bola.
Lamang na lamang ang kabilang grupo. Ang laki ng agwat. Kung hindi lang nasobrahan sa paghampas yong kasama ni Ae ay hindi sana sila makakapuntos.
Dalawang puntos na lang at panalo na sila Ae. Tch. Expected na naman niya iyon. Kapag usapang sports ay kahit walang gawin si Ae ay masasali pa rin ito. At ganon ito kagaling. Sadyang halos perpekto na talaga ito.
Natauhan siya mula sa malalim na pag-iisip nang mapansin niyang nagkakagulo na ang mga tao sa paligid niya.
Pinalilibutan ng mga kasama nila si Seira nakahandusay ito sa damuhan at walang malay. Nang tanungin niya ang kasamahan nila ay sinabi lang nitong natamaan ito ng bola. Si Ae daw ang humampas at mukhang nasobrahan sa lakas ng pagkakamhampas kaya nawalan ng malay si Seira.
Nang tingnan siya si Ae ay parang baliwala lang sa nito na may natamaan ito ng bola. Nakakapanlumong wala man lang itong ginawa. Kahit konti ay hindi ito nag-aalala na kung may matamaan man ito.
Hinawi niya ang mga kaklase nilang nakapalibot kay Seira at walang salitang binuhat niya ito. Dahil si Ae ang may kasalanan ay respinsibilidad niya na rin si Seira dahil wala naman planong tulungan ni Ae si Seira.
Nagtama ang mga mata nila ni Ae. At siya na mismo ang unang nag-iwas ng tingin at nagsimula nang maglakad papuntang clinic.