"What?!" apat na iba't ibang boses at isang nang-uuring mata ang sumagot sa tanong ko. "N-nothing..." yumuko ako at nagkamot ng ulo. I heard Forth chuckle kaya napatingin ako sa kanya, he is trying to hide his laugh. Grabe lumalabas yung malalalim na dimples niya! Nakakapawis ng kili kili sizt! Sa sobrang kilig na nararamdaman ko ay hindi ko na namalayan ang paghatak ng mga magulang namin sa amin. Nang magsimula silang picturan kami ay para akong high schooler na napansin ng kanyang crush. Nandyan yung kumapit ako na parang tarsier, inabot ko ang balikat niya para umakbay, iniyakap ko ang mga braso ko sa bewang niya pero lintek, wala siyang reaksyon! "Anak akbayan mo naman! Puro seryoso ka rito sa pictures! Ang pangit mo ka-bonding!" sigaw ni Tito Forrest na napapakamot pa sa ulo hab

