PAGDATING sa burol ay hingal na hingal silang lima. Laking pasasalamat nila dahil kahit paano ay may puno ng madre de cacao at inyam silang nasilungan. Laking tulong din ang dalang tubig ni Daisy dahil napawi ang kanilang uhaw. ""Hala! Ang daming kabayo na pala rito?"" takang sabi ni Maica habang pinapaypayan ng kamay ang mukha. Noon kasi ay halos mabibilang lamang sa daliri ang mga kabayo sa Rancho Villaruiz. Ngayon ay marami-rami na iyon at talagang inaalagaan. Sa lawak ng Rancho Villaruiz at lupa ng mga Alcantara na pag-aari na rin ni Dylan ay kailangang sumakay ng kabayo upang malibot iyon. ""Dati namang may kabayo rito, ah! Saka huwag ka na magtaka kung dumami iyan kasi parang tao rin sila. Dumadami rin ang kanilang populasyon,"" turan ni Jeboy. ""Sabagay..."" tipid na sambit ni M

