KINAGABIHAN, dapat ay matutulog na si Jean pagkatapos niyang maglinis ng katawan. Subalit maliwanag ang buwan kaya mas pinili muna niyang tumambay sa labas. Nasa labas din kasi ang tatlo at nag-uusap. Nasa tablang upuan sina Nonoy at Jazz habang sa duyan si Ryan nakahiga. ""Ba't hindi ka pa natutulog, Jean? Natakot ka ba sa loob?"" tanong ni Nonoy nang makitang parating siya. Bangon agad si Ryan nang marinig na andiyan siya. ""Hindi naman ako inaantok. Tambay na lang din ako rito,"" aniya. Tinawag si Jean ni Ryan at doon siya pinaupo sa duyan. Lumipat na lang ng pwesto si Ryan sa tabi ni Jazz pero malapit lang sa kaniya. Si Ryan pa nga ang nagduduyan sa kaniya gamit ang tali nang makaupo siya. ""Uminom na lang kaya tayo habang nakaupo rito."" Nag-aaya ng inuman itong si Jazz. ""Saan

