PAGSAPIT ng dapit-hapon ay tama lang ipahinga ni Jean ang kaniyang katawan. Tumulong kasi siya sa paghakot ng mga bao ng niyog para mapuno na ang hinukay na uulingan nina Nonoy at Jazz. Natapos na iyong tambakan ng lupa at umuusok na. Kinuha muna ni Jean ang lahat ng mga sinampay dahil baka mamaya mangamoy usok. Natuyo naman lahat ang kaniyang nilabhan pati kay Ryan kaya't pinasok niya sa loob at lumabas na lang uli. ""Kapagod din pala."" Pabagsak siyang umupo sa tabi ni Ryan. ""Sobrang nakakapagod, Jean. Trabaho namin dati ng ate ko iyan. Tumutulong kami sa pagkopra at pag-uuling ng bao kaya nagsumikap talaga kaming makaahon. Sinabi ko talaga sa sarili ko na hindi ako papayag na habang buhay na nasa bao lang ng niyog umiikot ang oras ko sa isang araw,"" pagkukwento ni Ryan. ""Well, n

