KABANATA 41

1395 Words

TANGHALING TAPAT na umahon sa sa sapa sina Ryan at Jean. Pagdating sa bahay ay paluto na ang kanilang pananghalian na inasikaso ni Nonoy. Ini-stream lang nito ang king crab at gumawa ng Cajun garlic butter sauce na pangsawsawan. Iyong Tiger Prawns naman ay ginisa lang nito at nilagyan ng Sprite. Nainit na rin ni Nonoy iyong dalang ulam ni Ryan kanina na beef bistek. Binilin yata ni Ryan iyon bago sila pumunta ng sapa. Nagutom tuloy siya nang maamoy ang mga ulam. ""Nagutom ako!"" sambit ni Jean. ""Magbanlaw muna tayo, Jean."" Hila-hila siya ni Ryan patungo sa may hose na may dumaloy na tubig kung saan siya uminom at naghilamos kanina. ""Sa CR ka ba magbabanlaw o dito na lang?"" Pinapili siya ni Ryan. ""May tubig ba sa CR?"" tanong niya. ""Mayro'n naman. Kung hindi kasya igiban kita,""

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD