PAGKARATING sa bayan ay sa pinakamalapit na fuel station sila dumeretso. Doon nagpa-full tank si Jean ng kaniyang sasakyan. Dapat sana ay aayain pa niya si Ryan sa loob ng convenience store subalit naalala niyang pambahay pala ang kaniyang suot. Nahihiya siyang bumaba ng kaniyang sasakyan dahil baka may makakilala pa sa kaniya roon. ""Kabisado mo na ba ang daan pauwi?"" tanong ni Ryan sa kaniya at inabutan pa siya nito ng bottled juice na binili nito. Nag-aalangan na tumango si Jean at tinanggap ang binigay ni Ryan. ""Nag-aalangan pang sumagot ng oo o hindi."" Napuna ni Ryan si Jean. ""Parang kabisado na parang hindi."" Natawa na rin si Jean sa sarili. ""Pero bayan naman na ito at maraming tao. Marami akong mapagtanungan kaya hindi na ako takot na maligaw pa. Saka maraming namang sign

