LUMALIM ang gabi ngunit hindi pa rin makatulog sa loob ng sasakyan si Jean. Tiningnan niya ang relong nasa braso at nakita niyang ang tagal pa bago sumapit ang umaga. Napapagod na siya sa panay bukas-sara ng bintana ng kotse sa may driver seat banda dahil hindi pa rin mawala-wala ang kaniyang takot. Binubuksan niya ang bintana para lumamig sa loob at makalanghap siya ng hangin. Pero sa tuwing nakakarinig siya ng kakaibang tunog o kaluskos ay agad-agad niya iyong sinasara. Mahirap na baka may biglang humawak o humablot sa damit niya. Ito na yata ang pinakamalas na sandali ng buhay ni Jean. She was trapped alone in the midst of darkness that even the moon ay pinagdamutan siya ng liwanag. Makapal ang ulap sa kalangitan ngayon kaya naman hindi makita ang buwan at panaka-nakang bituin lang an

