TULOY ANG takbo ng sasakyan ni Jean papunta sa walang tiyak na destinasyon. Hindi na nga niya alam kung nasaan na ba siya at anong lugar na ba ito. Basta nagmaneho lang siya. Hangga't may kalsada dere-deretso lang ang pagpapatakbo niya ng sasakyan. Binagalan ni Jean ang pagmamaneho at luminga-linga sa paligid. Ewan niya kung anong lugar na ito dahil ni minsan ay hindi pa siya nagawi rito. Mukhang malayo na ang tinakbo niya at hindi niya namalayan na malapit nang ma-empty ang fuel tank ng kotse niya. Kung hindi pa nag-blink ang dashboard ng sasakyan niya ay hindi niya iyon napansin. Kinabahan siya bigla. Nagdadalawang-isip siya kung dederetso na lang o babalik na lang. Huminto muna siya at nag-isip. Kung babalik siya ay parang wala namang siyang napansin o nadaanan na fuel station. Samant

