NAKUYOM ni Travis ang kaniyang kamao dahil sa ginawa ng pinsan niyang si Michelle. Nang makita niyang tumayo at lumabas si Jean ay tinangka niya itong habulin. Subalit itong pinsan niyang si Michelle ay inapakan ang kaniyang paa dahilan upang hindi siya nakagalaw sa kaniyang pwesto. Namroblema tuloy si Travis ngayon. Sa galaw ni Jean kanina ay hindi maitatanggi na mahal pa siya nito. Pero sa nangyari ay baka hindi na bumalik si Jean. Baka iwasan na siya ng dalaga at hindi na ito muling magpakita sa kaniya dahil ang alam nito ay may asawa na siyang tao. ""Happy?"" tanong ni Michelle na may kasama pang mapang-asar na ngiti. ""Shut up, Mitch!"" Patahimik niya sa pinsan. ""Kung hindi mo lang inapakan iyong paa ko, nahabol ko na sana siya!"" ""Wow ha! Dapat nga magpasalamat ka sa'kin kasi p

