KABANATA 38

1467 Words

PAGDATING sa bahay nina Jean at Ryan ay kumain sila ng agahan. Nataon kasing kakatapos lang magluto ng ina ni Ryan nang dumating sila kaya inayayahan silang mag-agahan. Hindi naman tumanggi si Jean dahil nakaramdam na siya ng gutom. Ang sabi niya kanina kay Ryan ay bibili sila ng kape kaso nakatulog siya ng mahimbing kaya hindi na nag-abalang huminto si Ryan. Ibayong saya nga ang naramdaman ng ina ni Ryan nang masilayan siyang bumalik sa pamamahay ng mga ito. Hindi nila raw akalaing totohanin talaga ni Jean ang sinabi nitong babalik. ""Alis agad tayo ngayon o mamayang tanghali na?"" tanong ni Ryan habang kumain sila. ""Tapos na lang nito, Yhan. Baka mainit na mamaya maglakad kapag tanghali na."" ""Sige! Magpasundo tayo kay Nonoy para hindi tayo mahirapang magbitbit ng mga dala natin,""

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD