NAKAHILIG si Jean sa balikat ni Ryan habang umaandar ang traysikel. Malubak kasi ang daan at sobrang mauga kaya iniingatan siya nito para hindi mauntog sa bakal na parte ng traysikel ni Nonoy. Nang may makita silang sapa ay bumaba na sila. Hindi na raw kasi kayanin ng traysikel at baka pa sumadsad na ang gulong. ""Lakarin na lang natin. 'Yan iyong bahay namin dito sa bukid."" Tinuro ni Ryan ang bahay raw nila. Ang kaso bubong lang naman ang nakikita ni Jean dahil natatakpan ito ng mga puno. Maraming puno ng niyog na rin siyang nakikita sa malawak na lupain. Hindi lang iyon, may parte rin ng lupain na maraming nakatanim na saging. Saka pinya yata iyong kulay berdeng maliit na nakatanim kaso hindi niya gaanong maaninag. Siguro kina Ryan iyon lahat. ""Malapit na lang pala,"" aniya. ""Ye

