JEANN
Nang matapos na akong mag-ayos ay nagpaalam agad ako kay yaya. "Mag-iingat ka sa pagpasok mo," sambit nito.
Nang makasakay na ako sa kotse ay pinaandar agad ni Manong ito habang busy naman ako sa pagpindot sa cell phone ko.
"Ma'am, pinapasabi ng dad niyo na uuwi siya ngayon nang maaga dahil gusto ka niyang makausap," sabi ni Manong Berto, isa sa mga driver namin.
"Bakit daw po?" kunot-noong tanong ko kasabay ng pagtingin ko sa kanya.
"Hindi ko rin po alam, Ma'am," sagot niya at hindi na ako nagtanong pa.
Nang makarating na kami sa HU ay naabutan ko si Dianne na naghihintay sa harap ng gate.
"Ang tagal mo naman," angal nito.
"At least, dumating," nakairap kong sagot.
Ini-swipe ko na ang ID ko para makapasok na sa loob. Panay ang kwento ni Dianne tungkol sa nangyari kay Julius. Hindi niya rin inaasahan ang sinapit nito kaya maraming mga kaklase nito ang absent para dumalaw sa lamay.
Nakarating kami sa court. Hindi ko alam kung bakit, pero pinapatawag ang lahat ng mga Hustone's students dahil may announcement. Napatingin kami nang umakyat sa stage ang presidente ng school na ito.
"Nandito kayong lahat para ipaalam na makakansela ang ating klase para sa inyong kaligtasan. Hanggang wala pang sinasabi ang principal na may pasok ay hindi na muna magsisimula ang klase," sambit nito kaya karamihan ay natuwa dahil na suspendedo ang klase. Aaminin kong natuwa rin ako dahil ilang linggo kaming walang pasok pero may parte sa akin ang hindi mapakali. "Dahil sa nangyari sa isang estudyante ng ating school ay iniisip ng prinicipal ang inyong kapakanan. Maraming salamat at maari na kayong umuwi."
Nagsigawan ang lahat. Tuwang-Tuwang sa isang announcement na kahit ako ay hindi rin makapaniwala. Dumapo ang tingin ko sa isang lalaki na walang pakialam sa paligid niya habang katabi ng dalawang babae. Walang iba iyon kung hindi si Kaito. Nasa likod naman niya ang antipatiko na si Ethan.
"Tara!" masayang sigaw ni Dianne habang hatak-hatak ang kamay ko paalis ng campus.
"Saan na naman tayo pupunta?" walang gana kong tanong.
"C'mon, Jeann, gusto kong mag-mall tayo," nakangiting sabi nito kaya nanliit naman ang mga mata ko. Kahit kailan talaga, ang gastos ng kaibigan kong ito.
"H'wag mong sabihin na gagastusin mo na naman ang pera mo?" walang gana kong tanong. Ngiting aso naman siya.
"Gan'on na nga." Sabay kindat nito.
"Ghad! Suko na ako." Kasabay ng pagtaas ko ng dalawang kamay ay nagsimula na kaming maglakad, nang biglang huminto si Dianne.
"Teka, may gulo yata roon." Sabay turo niya sa nagkumpulang estudyante. Hinatak muli ako ni Dianne papunta sa gulo.
Nakipagsiksikan kaming dalawa para makita ang gulo sa gitna. May mga humarang pa sa akin para magpa-cute pero hindi ko na lang pinansin pa. Halos mapasinghap ako nang makilala kung sino'ng lalaki ang nakaluhod ngayon sa harapan ni Kaito.
Ang pinsan ko!
Nagbubulungan na ang lahat sa paligid habang ang pinsan ko ay nakayuko lamang sa sahig at nangangatog ito.
"Pakiusap, Kaito... Nagmamakaawa ako na patawarin mo na ang mga magulang ko. I know na may pagkukulang sila pero sana bigyan mo pa kami ng oras," pagsusumamo nito.
"I told you, you're wasting my time." Lalagpasan sana siya ni Kaito nang biglang hawakan ni Anthony ang tuhod nito.
"Please, Kaito, patawarin mo na ang mga magulang ko." Rinig ko ang hikbi sa boses niya.
Napakuyom na lamang ako dahil hindi ko kayang makita ang pinsan ko na nagkakaganito. Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari pero pakiramdam ko ay may hindi tamang nangyayari. Inis kong tinanggal ang kamay ni Anthony sa tuhod ni Kaito.
"Umuwi ka na, Anthony," utos ko rito pero umiling lamang siya. "I said, umuwi ka na!" sigaw ko sa kanya at tiningnan ko si Dianne para alalayan si Anthony. Tumango naman si Dianne at inalis na rito si Anthony. Maraming mga estudyante ang napatingin sa aming dalawa.
"Ano ba'ng problema mo?" naiinis kong tanong sa kanya pero tanging ngisi lang ang sagot niya. Napasinghap ang lahat nang bigla kong harapin sa mukha si Kaito at isang dangkal na lang ang pagitan naming dalawa. "Hindi ka ba marunong magsalita o naalog ang utak mo kaya napipe ka?" insulto ko at tila gumana ito. Mabilis niyang hinaklit ang kwelyo ko. Maraming mga estudyante ang gulat na gulat sa nangyari.
"You don't know anything, Miss," galit nitong sagot kaya pinigilan siya ng kaibigan niyang antipatiko.
"Bro, stop that," pigil ni Nathan sa kanya.
Napapikit ako at mabilis na sinuntok siya sa tiyan. Napasinghap ang lahat sa ginawa ko. Napaluhod si Kaito.
"Wala kang karapatan na gawin sa akin iyon! Nagtanong ako nang maayos kaya sagutin mo nang maayos!" iritado kong sagot sa kanya. Kita ko ang panlilisik ng mga mata niya pero hindi ako natinag. Tatayo pa sana siya nang bigla ko siya sipain dahilan para mapaupo siyang muli.
"Sa susunod na kalabanin mo ulit ako—at kayong mga nandito, hindi lang 'yan ang matitikman ninyo!" suklam kong sabi sa kanilang lahat. Natahimik sila at ang iba naman ay nag-alisan.
"F*ck! I'm not done with you," galit nitong sabi sabay punas ng dugo sa gilid ng labi.
"I know, dahil hindi pa tayo tapos, Kaito Rin Sebastian," sagot ko sabay talikod.
Narinig ko ang pagwawala niya at tila hindi nagustuhan ang ginawa ko. Hindi ako makakapayag na pahiyain niya ako nang ganoon na lang.
Oo maldita na kung maldita, pero ito ako!
*****
ICE
Gusto kong matawa dahil kanina pa nagmamaktol itong si Kaito dahil sa nangyari between him and—what's her name again? Oh, Jeann, if I'm not mistaken.
"I think she's different," natatawa kong sabi at sinamaan naman ako ng tingin nito. "Biruin mo, una niyang pinabagsak ay ikaw Nathan and now... Kaito. What the hell is happening?" natatawa kong sabi at salubong ang kilay nilang dalawa na napatingin sa akin. Sinasabi ko ang totoo dahil balita ngayon sa buong campus ang nangyari kanina.
"Shut up, dre," sambit ni Nathan sabay lagok sa alak.
Ininom ko na lang muli ang alak habang pigil pa rin ako sa pagtawa. Hindi nga ako nagkakamali dahil kakaiba siya. Kaya niyang palagan ang dalawang mokong na ito in just one snap.
"What's your plan with her, dre?" tanong ni Nathan dahilan para mapahinto na ako sa pagtawa.
Siguradong hindi alam ni Jeann ang nangyayari kaya sinugod niya si Kaito nang hindi alam ang rason. Kita ko ang biglaang pagbitaw ni Kaito sa baso at napahimas sa baba.
Ito na yata ang pinakanakakatakot na plano kung hindi ako nagkakamali.
"Change plan," ngiting-demonyo niyang sabi. This is not a good plan dahil ang mga ngiting iyan ay masamang balak tungo sa impyerno.
To be continued..