JEANN
"Ouch, cous! masakit!" maktol nito dahil pinipingot ko lang naman ang tainga niya dahil sa ginawa niyang kabaliwan kanina.
"Sa susunod na lumapit ka ulit sa lalaking iyon ay hindi lang ito ang matitikman mo sa akin, maliwanag?" inis kong tanong na kinatango naman agad niya.
"Oo na, cous, ouch! Please, tama na..." pagmamakaawa nito kaya binitawan ko na ang tainga niya.
"Hindi rason na nahihirapan na kayo kaya lumuhod ka sa lalaking 'yon. I know na siya ang may kasalanan pero pinapakita mong talo ka sa laban," paliwanag ko sa kanya kaya napabuntonghininga naman siya.
"Jeann, tama na 'yang pangangaral mo sa pinsan mo. He's an adult now at hindi na niya kailangan pang pagsabihan kung ano ang tama at mali," sabat ni Dianne habang iniinom ang coffee frappe. Napairap na lang ako at hinarap muli ang pinsan ko.
"Sige na umalis ka na," sambit ko na kinatango naman nito.
"Sorry, cous."
"Ano'ng gagawin mo? Mukhang galit na galit sa iyo si Kaito at sa tingin pa lang niya ay hindi ko na nagugustuhan," nag-aalalang sabi niya.
"Kung ano man ang binabalak niya, hindi ko siya uurungan. Siya ang nagsimula nito at hindi ko siya aatrasan," irita kong sabi at napapalakpak naman si Dianne.
"Good luck na lang," natatawa niyang sabi.
Nang matapos kaming kumain ay naghanap na kami ng damit na pwedeng suotin para sa party ni Elaija. Isa siya sa mga sikat sa campus at hindi ko alam kung bakit halos lahat ng mga estudyante sa campus ay in-invite niya. Gusto niya bang magpapansin at magpabida sa lahat?
I don't like her attitude kahit pa inosente ang datingan niya. Balita sa buong campus na may gusto siya kay Kaito. Ano ba'ng nakita niya sa lalaking 'yon at nagkagusto pa siya?
"Hindi ka naman galit niyan?" Taas ang kilay ni Dianne. Napabitaw agad ako sa damit na nahawakan ko dahil medyo nalukot ito.
"Hindi."
Nang makapili na kami ng susuotin ay inabot ko na ang credit card ko sa counter. Ilang beses nitong inulit ang pag-swipe pero mukhang hindi maganda ang nangyayari.
"Ma'am, mukha pong hindi gumagana ang credit card niyo," sambit nito na kinanuot ng noo ko. Kinuha ko ang lahat ng credit card baka sakaling gumana, pero bigo ako. Halos manlumo ako at hindi pa rin ma-process ng utak ko ang nangyayari.
"Use this." Bigay ni Dianne ang credit card niya. "Ako na ang bahala rito, Jeann," sambit niya sa akin kasabay ng pagkindat.
Wala ako sa sarili habang naglalakad kaming dalawa kahit panay ang salita ni Dianne tungkol sa nangyari sa credit card ko.
"Hindi kaya pinutol ng parent mo iyong credit card mo?" hindi niya siguradong tanong.
Tahimik na naglakad na lamang ako hanggang sa nagpaalam na ako para sumakay ng bus. Pinilit niya akong sumabay na lang sa kotse niya pero tumanggi na lamang ako. Nakatanggap ako ng text galing kay mama at hinihintay na niya ako sa bahay kasama si Papa.
Pakiramdam ko ay hindi tama ang nangyayari. Pagkarating ko sa bahay ay naabutan ko si Mama at Papa na nakaupo sa sofa habang bakas sa mukha ang kalungkutan.
"Ma," tawag ko dahilan para mapatingin silang dalawa. Napangiti sila nang pilit at umayos ng upo.
"Dumating ka na pala, sweety," sambit ni Mama. Umupo ako sa kaharap nilang sofa.
"M-may problema po ba?" naguguluhan kong tanong at napabuga naman ng hangin si Mama.
"Hindi ko maipapaliwanag sa 'yo, sweety, but your dad will explain it," sambit ni Mama habang nakangiti ngunit hindi ito abot hanggang tainga. Napatayo siya at tinap ang balikat ko.
"Dad, what is happening?" naguguluhan kong tanong at bumuntong hininga muli ito.
"You know na na-cut ang credit card mo," umpisang sabi ni dad at tama nga ang hinala ko, sila ang may pakana.
"I know, but what is happening? Naguguluhan na ako, dad," sagot ko at may kakaiba na akong nararamdaman.
Ngumiti siya kasabay ng pagtayo mula sa sofa.
"Nothing. Kaya naman namin ito ng mom mo," ngiting sabi ni dad at halos makahinga na ako nang maluwag.
"Dad, you're crazy!" sigaw ko na ikinatawa lang nito. Halos sumikip ang dibdib ko dahil sa kaba na nararamdaman pero pinagtawanan lang ako ni Daddy.
"I think you need to rest," ngiting sabi nito pero may kakaiba sa mga titig nito ngunit hindi ko na lamang pinansin pa. Lumapit ako at niyakap siya.
"Thank you, dad."
Tumango ito sa sinabi ko. Nagsimula na akong umakyat sa itaas ng kwarto ko. Bagsak ang katawan ko dala ng pagod dahil sa gala naming dalawa ni Dianne. Naramdaman ko na lang ang biglang pag-vibrate ng cell phone ko. Akala ko ay si Dianne ang nag-text sa akin pero nagkamali ako.
'Punishment is coming.'
Kahit naguguluhan ay hindi ko na lang pinansin ang text. Pinatong ko na lamang ito sa side table ng kama ko.
Mahigit ilang linggo na ang dumaan at hindi ko napapansin sila dad at mom sa bahay. Palagi silang busy sa company kaya naiiwan ako sa bahay nang mag-isa. Bored na ako rito, isabay mo pa na walang pasok. Balita sa buong campus na idedeklarang may pasok na next week kaya nakahinga na ako nang maluwag.
"Jeann!" sigaw ni Dianne mula sa labas ng pinto at panay pa ang palo nito rito.
Napairap na lamang ako kasabay ng pagbukas ng pinto. Napasinghap ako nang bigla itong nagmadaling pumasok sa loob ng bahay at sinara ang pinto. Hingal na hingal itong hinarap ako habang nag-aalala ang mukha.
"May problema ba? Teka, bakit hingal na hingal ka?" taas-kilay kong tanong. Tumingin muna ito sa bintana dahilan para mapatingin din ako. Sinarado niya ang bintana gamit ang mabulaklak na kurtina.
"Mukhang nandito na sila. Makinig ka sa akin, Jeann, dumaan ka sa likuran ng bahay niyo at umalis ka na rito," pagtataboy niya sa akin. Kunot ang noo ko at hinarap siya habang nakataas ang kilay.
"Hah? Teka nga, ano ba kasi ang nangyayari?" naguguluhan kong tanong sa kanya.
"Kukunin ka nila, Jeann. Sinabi sa akin ni Dad at Mom na ibinenta ka ni Tito at Tita sa isang mayamang tao," naaawang sabi niya.
May kumirot sa dibdib ko dahil sa sinabi niya.
"N-nagbibiro ka lang, 'di ba?" pilit ang ngiting tanong ko sa kanya pero napakagat siya sa ibabang labi at umiling. Halos manghina ang tuhod ko at mabuti na lamang ay nasalo agad ako ni Dianne.
"Umalis ka na, Jeann, bago ka pa nila pasukin dito at kunin ka," sambit niya.
Kahit naguguluhan at nanlalabo na ang mata ko dahil sa mga luhang malapit nang tumulo sa mata ko, mabilis akong umakyat sa itaas at niligpit ang iba kong mga gamit para tumakas. Nang ma-realize ko ang mga itsura nila mom at dad nang nakausap ko sila. Mukha ngang may tinatago sila sa akin at ito na.
Ito na iyon.
Nang makapagligpit na ako ng mga gamit ay nilagay ko na sa bag ko ang mga perang natira sa akin pati na rin ang cell phone ko. Naabutan ko si Dianne na pinipigilan ang pinto kasabay ng pagtango niya sa akin. Nagmadali akong naglakad papunta sa likuran ng bahay. Gusto kong makatakas sa bahay na ito. Hindi ko alam pero masama ang kutob ko na hindi tama ang mga nangyayari.
Mom and dad, ano ba ang nangyayari? Naguguluhan na ako!
To be continued...