CHAPTER 8

1010 Words
JEANN Nang matapos na akong kumain ay ipinaliwanag niya sa akin ang lahat at kung bakit ako napunta sa auction na 'yon. Masakit man tanggapin ang katotohanan, pero iyon ang totoo. Ibinenta ako ng mga magulang ko para hindi bumagsak ang kompanya at makabayad ng mga utang. Tumayo na siya mula sa pagkakaupo. "Teka, saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya at kumunot naman ang noo niya. "I need to rest, silly," nakairap nitong sagot at pumasok na ng kwarto niya. Wala na akong magagawa pa kung hindi tumira sa napakalaking bahay na ito. Dumiretso na ako ng kwarto ko para matulog. Sinusubukan kong pagaanin ang loob ko dahil sa mga nangyayari na hindi ko inaasahan. Napatingin ako sa picture frame namin ni Mom at Dad. Hindi ko maiwasang malungkot dahil kailan lang ito kinunan. Hindi ko masisisi sila mom kung ginusto nilang ibenta ako. Napapikit na lamang ako hanggang sa nakatulog ako. Kinabukasan ay may kumalampag ng pinto ng kwarto ko at isa lang pala sa tauhan ni Kaito. May inabot itong papel sa akin. Nang mabasa ko ay rules ito sa loob ng bahay niya. Naligo na agad ako para makapaghanda ng almusal niya dahil kasama iyon sa rules na ginawa niya. Alangan naman na tumanggi ako, eh, siya ang bumili sa akin kaya may kakayahan siyang utusan ako at kainin ko ang pride ko. "Hinanda ko na ang almusal mo." Ngumiti ako pero plastic iyon. Ako ngingiti sa katulad niya? No way! "Tsk." Ngumisi ito at umupo na sa pwesto niya. Uupo na sana ako nang pigilan ako nito. "Hep, what are you doing?" taas ang kilay niyang tanong. "Kakain?" naguguluhan kong sagot at umiling naman siya. "Bago ka kumain ay lagi mo akong hihintaying matapos, maliwanag?" paliwanag niya na kinatango ko naman kaya napatayo na lamang ako sa gilid. Gusto kong sumabog sa inis at pagsusuntukin ang mukha niya dahil kailanman ay hindi ako ginutom ng mga magulang ko, pero siya?! Ang sama niya! Nang matapos na siyang kumain ay pinagligpit niya sa akin ang mga kinainan niya hanggang sa nakaalis na siya. Nagsimula na akong kumaing mag-isa. Sinabi sa akin ng tauhan ni Kaito na mawawala ito dahil papasok ito ng company para sa business na pinapatakbo nito. Busy ako sa pagkain nang biglang bumukas ang pinto at niluwa nito ang isang babae na nakasuot ng mamahaling damit. "Who are you?" taas-kilay niyang tanong at napatayo agad ako mula sa pagkakaupo. Napayuko agad ako bilang paggalang. "I'm Jeann." Ano ba'ng sasabihin ko? Bahala na si Batman. "Kasambahay rito sa bahay," sagot ko at napatango naman siya. "Where's Kaito?" tanong niya sa akin. Mukha ba akong hanapan ng mga nawawala? Ngumiti ako nang peke sa kanya dahil ugali pa lang niya ay naaamoy ko na ang sangsang. Siguradong babae ito ni Kaito. Iyon pa? "Umalis po si Mr. Kaito at dumiretso ng company." "I see. Thank you for telling me," sambit niya at umalis na sa harap ko. Napairap naman ako dahil akala mo kung sinong maganda, puro naman kolorete at mukhang retoke pa ang ilong. Nagsimula na akong kumain para naman mabusog ako kahit papaano. Nakakatamad tuloy dahil parang wala kang magagawa sa loob ng mansyong ito. Nilibot ko na lang ang buong mansyon at hindi ko maiwasan na humanga dahil mayaman naman talaga ang lalaking iyon kaya siguradong sa kanya ito. Nakakapagtaka na wala man lang siyang kasama rito ni isa sa pamilya niya—oopss! Nagkamali yata ako dahil may lalaki akong nakita. Nasa swimming pool ito dahil kita ko ang paglangoy niya. Dahan-dahan akong lumapit dahil hindi pa umaahon iyong lalaki sa ilalim ng pool. Kinabahan ako at tumingin sa paligid at nagbabakasakaling may makita at iyon ang tutulong sa kanya pero wala. Tumakbo agad ako palapit at laking gulat ko nang makita ito sa ilalim na tila ba hindi na gumagalaw. "Nagpapakamatay ba siya?! Jusko 'wag naman sana dahil ayaw kong makulong! Ano'ng gagawin ko? Jeann, mag-isip ka!" sambit ko na natataranta. Hinubad ko agad ang tsinelas ko kasabay ng paglusob sa pool. Hinila ko siya paitaas hanggang sa nakita ko ang paghinga niya. Nanlaki ang mata ko nang maproseso sa utak ko na buhay pa pala siya at nakadilat. "What are you doing?" gulat na tanong niya na nakahawak sa bewang ko habang ang kamay ko ay nasa balikat niya. "A-Akala k-ko nalulunod ka dahil hindi ka man lang umaahon," sambit ko sa kanya habang gulat na gulat dahil maayos lang siya. "What? Hell no! I'm just practicing," paglilinaw niya. Lumayo agad ako sa kanya at umahon ng pool. Napahiya ako sa part na ginawa ko. "S-sorry," sagot ko at tatalikod na sana ako nang biglang itong magtanong muli. "Who are you? Why are you here in my house?" sunod-sunod na tanong niya. Napaayos ako ng tayo dahil malinaw na sa akin kung sino siya. Siya ang kapatid ni Kaito. "I-I'm Jeann, kasamabahay po rito sa mansyon," sagot ko sa kanya. "S-si Sir Kaito po ang nagpasok sa akin dito," paliwanag ko sa kanya. Tumayo siya mula sa pool at halos mapatakip na ako sa mukha dahil sa suot niyang swimming boxer. Kita ko ang bakat doon. Kapag naiisip ko pa lang ay nababaliw na ako. Tinanggal niya ang kamay ko sa mukha dahil parang nagyelo ang paa ko at hindi na makahakbang pang muli. "Dumilat ka nga!" inis niyang sabi pero umiling lamang ako. "H-hindi pwede," umiiling kong sagot. "And why?" tanong niya. "D-dahil sa suot m-mo at nakakailang!" sigaw ko sabay talikod sa kanya. Rinig ko ang pagtawa niya dahilan para mapatingin na ako sa kanya. Ang ayaw ko sa lahat ay ang pinagtatawanan ako. "Stop laughing!" sigaw ko. Itutulak ko na sana siya sa pool para tuluyang malunod pero nabigo ako nang hawakan niya ang kamay ko at pareho kaming nalaglag sa pool. "Bakit mo ako hinawakan?" inis kong tanong sa kanya. "Because you pushed me," pagdadahilan niya. Tinulak ko siya at umalis na ako sa pool dahil nabubwisit lang ako lalo. Tinatawag pa ako nitong 'Miss Sungit' pero 'di na ako lumingon pa. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD