HABANG nagmamaneho ako ng kotse ko ay hindi ko maiwasang matulala. Goodluck naman sa akin dahil baka maaksidente ako.
Galing ako sa trabaho at hindi ako mapakali dahil hinihintay ko talaga ang tawag ni Lucio. Inimbitahan niya ako na sumama sa kanila at nagdadalawang isip pa rin ako.
Sasama ba ako? Or hindi?
Habang lumilipas ang araw, lumalaki iyong guilt na nararamdaman ko. Tama na siguro 'yung ibigay ko kay Lucio ang gusto niya. Iyong pagiging s*x buddy niya. Hindi na siguro tama na pati meeting the family ay patusin ko rin.
Buo na ang desisyon ko.
Itinigil ko ang pag-iisip ko at nagfocus sa pagmamaneho nang biglang tumunog ang phone ko.
Para akong may mini heart attack. Hindi naman ako ganito dati sa tuwing tutunog ang phone ko pero ngayon, may kakaibang effect na. Pakiramdam ko palagi, si Lucio iyong tatawag.
Saglit kong itinigil sa gilid ng daan ang kotse ko saka dinampot ang phone ko. Masamang gumamit ng phone habang nagmamaneho. That's for my safety.
Muntik nang mahulog ang puso ko nang makita ang pangalan niya sa screen. Punyeta, si Lucio nga. Sinagot ko iyon.
"Lucio."
"Hey, are you busy?"
"Ah, ano, wala. Hindi naman." Sagot ko.
Nasapo ko ang noo ko. Dapat sabihin kong busy ako. Buo na ang desisyon ko e. Hindi ako sasama sa kaniya. Hindi pwede.
"Can you go with me?"
Hindi. Kailangan kong magdahilan.
"Ano, Lucio..."
"Like what my father said, magkakasundo kayo ni Mom."
Ang puso ko...
"Sure. Wala naman akong gagawing iba saka tapos na ang work ko."
What the hell?! Self, ano na! Akala ko ba hindi dapat?! Bakit hindi ako makatanggi?!
"Great. Should I fetch you at work?"
"Actually, on the way na ako pauwi sa apartment ko. Magbibihis lang ako and─"
"Susunduin kita sa apartment mo. Wait for me. See you later."
Magsasalita pa sana ako pero ibinaba na niya ang tawag.
Nanggigigil ako sa sarili ko. Gusto kong sabunutan ang sarili ko! Ang ayos ayos ng desisyon ko. Sabi ko hindi ako sasama e. Sabi ko kailangan kong limitahan ang sarili ko kay Lucio pero punyetang puso naman to, bakit ang rupok?!
Ano pang magagawa ko?
Huminga ako ng malalim saka ipinagpatuloy ang pagmamaneho. Paano ba ako naging marupok ng ganito? Bakit pagdating kay Lucio, ganito ako?
Panibagong guilt na naman. Hindi ko pa nga nakakausap ulit si Kelly. Pero parang hindi pa rin ako handa namakausap siya kasi nahihiya ako. Parang ang hirap niyang harapin kung alam kong may tinatago ako.
Nang makarating ako sa apartment ay nagmadali akong bumaba ng kotse. Baka kasi on the way na si Lucio at nakakahiya naman kung paghihintayin ko siya ng matagal.
Pumasok ako sa apartment ko. Ipinatong ko kung saan ang bag ko saka dumiretso sa mwarto para magpalit ng damit.
Ano ba ang dapat kong isuot? Pamilya ni Lucio ang mame-meet ko. Sa mismong bahay nila ako pupunta. Parang nakakajiya naman kung magbihis ako na parang hindi ko lang pinaghandaan.
Pinili ko iyong simpleng gray dress. Medyo kapit sa katawan ko pero maganda ang tabas niya. May manggas at hanggang tuhod ang haba. Nagpalit agad ako ng damit.
Pagkatapos ay umupo ako sa vanity ko para magretouch man lang. Kaunting powder saka liptint, okay na. Inilugay ko ang tuwid kong buhok saka sinuklay iyon. Naglagay lamang ako ng maliit na itim na clip.
Tumayo ako saka tiningnan ang sarili ko. Sa tingin ko ay presentable naman ako sa itsura ko. Nag-sandals lamang ako dahil bagay iyon sa dress ko.
Nang matapos ako kinuha ko ang maliit na sling bag saka doon inilipat ang wallet, phone, susi ng kotse at apartment at ilang essentials na palaging laman ng bag ko.
Sumilip ako sa bintana at laking gulat ko na naroon na si Lucio. Bakit hindi siya tumatawag? Kanina pa kaya siya do'n? Ibig sabihin, halos kasunod ko lang siya?
Mabilis akong kumilos saka lumabas ng apartment ko. Ini-lock ko iyon saka lumabas ng gate.
Lumapit ako sa kotse ni Lucio. Nakita ko ang pagbaba niya sa kotse niya. As usual, napakagwapo talaga niya.
"Bakit hindi ka tumawag na narito ka na pala. Nakakahiya. Kanina ka pa?" Bungad ko sa kaniya.
He's just looking at me from head to toe. "You beautiful."
Ano ba, Lucio! Huwag kang ganyan, please lang.
Pinagbuksan niya ako ng kotse. Sumakay ako saka siya sumakay sa driver's seat.
"Kararating ko lang din. And besides, ayokong magmadali ka dahil narito na ako."
"Pero kahit na. Nakakahiya naman. Kung hindi pa ako sumilip sa bintana, hindi ko malalamam na narito ka na pala."
He chuckles. "That's okay."
Madalas na yata ang pag-ngiti niya samantalang noong nasa condo niya kami, mula pagpunya namin ni Kelly dun, ang sungit ng mukha niya na parang hindi man lang marunong ngumiti.
"Lucio, paano si Kelly? Bakit pala hindi siya iyong niyaya mo?"
"My father told me to bring you not Kelly."
E syempre kasi, ako iyong nakitang kasama niya.
"Hmm, Lucio bakit pala hindi mo pa ipinapakilala si Kelly sa inyo? Sa cousins mo? Mukhang hindi rin kasi nila alam."
"It's not my thing to introduce every girlfriend to my family until I'm not sure if she's the one."
E bakit ako, ipapakilala? As a friend nga lang pala saka kung hindi naman siguro ako nakita ng tatay niya kagabi, for sure hindi niya ako isasama.
"Sa tingin mo ba si Kelly na ang the one mo?"
Ang daldal ko. Gustung gusto ko talagang sinasaktan ang sarili ko e.
"Not yet. She's cheating on me. Do you think I can tolerate that?"
Sabagay. Kakausapin ko nga pala si Kelly tungkol d'yan. Kahit naman mahal ko si Lucio, gusto ko pa ring mag-work 'yung relasyon nila kasi seryoso si Lucio sa kaniya.
"Kailangan ba talaga ang s*x sa isang relasyon?" Wala sa sariling tanong ko.
"Maybe." Sagot niya. "I can still make my girlfriend happy without having s*x. Pero hindinsila nakukuntento. s*x will always be their number one priority in relationship."
Naawa ako bigla kay Lucio.
"How about 'yung noon? Noogn wala ka pa sa kalagayan mo ngayon. Sa tingin mo ba mahalaga aang s*x sa relasyon?"
Umiling siya. "s*x is only for pleasure. Well yes, every man needs it. Pero kapag nasa tamang babae ka, you won't consider that s*x is really important."
"Ibig sabihin, may naging girlfriend ka na hindi mo naka-s*x?"
My gosh 'yung topic namin. Wala na talagang hiya hiya.
"Yes." Sagot niya. Nanatili siyang nakatingin sa daan. "She's a virgin and she's not ready yet."
"Hindi mo pinilit?"
"Why would I? Niligawan ko siya, naging girlfriend ko siya hindi dahil gusto kong makipag-s*x sa kaniya. I like her and being with her is enough for me to stay."
Grabe, ang swerte pala ng mga naging girlfriend ni Lucio. Sana all. At si Kelly, napaka gaga niya talaga para lokohin si Lucio.
"Ang dami mo na sigurong naging girlfriend."
Habang tumatagal, nare-realize ko na nagiging komportable na ako kapag kausap ko si Lucio. Well, matagal ko na naman siyang kilala. Siya lang 'yung hindi.
"I won't deny that. But like what I said before, hindi ako nagsabay sabay ng babae."
Kaya pala minahal ko siya kasi ramdam siguro ng puso ko kung gaano siya kabuting tao.
Tumunog ang phone ko. Kinuha ko iyon sa bag ko saka sinagot iyon.
"Sam?"
"Where are you?"
"Ah, ano, may lakad lang ako."
Tumingin ako kay Lucio. Nahuli ko siyang nakatingin sa akin pero agad ding inalis iyon.
"Dito kami sa condo ni Maleha. Sunod ka."
"Sige susunod ako." Sagot ko nalang. Pupunta nalang ako mamaya pagkagaling kina Lucio.
"Bilisan mo ha."
"Wow, demanding ka? Mamaya. Tatawag ako kapag papunta na ako." Sabi ko.
"Sige, bye."
Pinutol ko na ang tawag. Ibinalik ko ang phone ko sa bag ko.
"Your..."
Napatingin ako kay Lucio. "Ah, si Sam. Isa sa mga kaibigan namin nina Kelly."
"Magkikita kayo?"
"Niyaya niya ako na sumunod sa condo ng isa naming kaibigan. May mga times kasi na tumatambay kami doon, or minsan sa apartment ko sila pupunta o minsan, kina Kelly."
"I see."
"Hindi mo siya natatandaan? Si Sam. Kasama namin siya noong birthday ni Kelly sa condo mo."
Hindi siya sumagot. Tumahimik nalang din ako.
"Iyong inaasar nila sa 'yo. The guy who likes you?"
Kumunot ang noo ko. Natandaan pa niya na inaasar sa akin si Sam that time? E para ngang wala siyang pakialam sa amin no'n na parang may sariling mundo sila ni Kelly.
Alanganin akong ngumi. "Ah, oo. Siya nga." Tanging sagot ko.
Hindi na siya nagsalita pa ulit. Biglang ang akward naman.
Pero hindi ko lubos maisip na alam niya iyon? Pati iyong pang-aasar sa akin ni Sam that time na gusto niya talaga ako, naalala niya? Matalas lang siguro talaha ang memory ni Lucio. Sabagay, andon lang din naman sila sa living room no'n. Hindi malabong marinig niya iyon.
"We're here."
Napatingin ako sa bintana ng kotse. Nakita ko ang malaking mansyon na may mataas na gate. Grabe, sobrang yaman talaga nila.
Awtomatikong bumukas ang mataas na gate na parang may censor na parang alam nila na kotae 'to ni Lucio.
Ipinarada niya sa loob ang kotse niya.
Bumaba siya ng kotse. Mabilis siyang tumakbo papunta sa akin saka ako pinagbukas ng pinto.
Napaka-gentleman.
"Let's go?"
"Teka, Lucio. Paano palang kapag tinanong nila kung paano tayo naging magkaibigan?"
He smiled at me. "I'll be the one to answer, don't worry about it."
Ngumiti nalang din ako. Bigla tuloy akong kinabahan. Parent's instinct siyempre. Magtataka sila kung bakit ako isinama ni Lucio kung wala pa naman siyang naipakilalang naging girlfriend niya.
Baka mamaya i-hotseat ako. Lalo tuloy dumadaloy ang kaba sa dibdib ko.
Bukas ang malaking main door. Pumasok kami at halos malula ako sa laki ng living room nila. Mataas ang ceiling at may malaking chandelier.
"Bro! Woa! Inuwi mo na siya dito? Ipapakilala mo na? f**k, idol! Bukas mag-uuwi na rin ako ng babae ko. Teka, marami pala sila."
Natawa ako sa kapatid niya.
"The f**k, Ludwig."
Tumawa lang ang kapatid niya saka kami nilampasan.
"Sit here."
Umupo ako sa mahabang couch dito sa living room. Nanlalamig na ang mga kamay ko sa kaba.
"Lucio, anak!"
Nag-angat ako ng tingin sa middle-aged woman na pababa ng hagdan. Napakaganda niya kahit may edad na. Nakita ko na siya sa magazine at hindi ko akalaing mas maganda siya personal.
"Mom."
Niyakap siol Lucio ng Mama niya saka hinalikan siya sa pisngi.
"Malapit na akong magtampo sa 'yo, anak. Hindi ka umuwi last week."
"Mom, you know how busy I am at the company."
"Big boy na talaga ang panganay ko. Dati ang bata mo pa tapos umiihi ka pa nga sa short mo."
"Mom!"
Natawa 'yong nanay noya. Kahit ako, gusto kong matawa, pinigilan ko lang.
"Oh, you are with someone." Kuminang ang mga mata ng nanay niya habang nakatingin sa akin.
Ngumiti ako.
"Mom, I want you to meet her." Sabi ni Lucio.
"Nabanggit nga ng Papa mo na may kasama ka daw babae sa bar kasama ng mga pinsan at kapatid mo. So she's..."
"She's Catherine Reyes. My girlfriend."
Inilahad ko ang kamay ko pero nang mapagtanto ko iyong narinig ko ay para akong estatwa na natigilan.
Girlfriend.
Hindi ako bingi. Tama iyong narinig at punyeta hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon.