NAPALUNOK ako habang nakatingin kay Lucio. Para akong estatwa na nanigas sa kinatatayuan ko. Natauhan lamang ako nang hawakan ng nanay niya ang magkabilang kamay ko.
"It's finally nice meeting you, iha! Safe na, hindi bakla ang panganay ko!"
Niyakap pa niya ako. Tumingin ako kay Lucio na tahimik lang na nakatingin sa akin.
Hindi ko alam kung anong rason para magsinungaling siya pero jusko sana man lang sinabihan niya ako. Halos mahulog ang puso ko kanina nang banggitin niya ang salitang girlfriend. Syempre pangarap ko 'yon na tanggap ko nang hindi ko makakamit pero iyong pakiramdam na, punyeta girlfriend niya ako, iba e. Ang lakas ng epekto sa akin.
"Ang dami nating pagku-kwentuhan!" Sabi ng nanay niya. "First time magpakilala ni Lucio kaya talaga namang para akong teemager na kinikilig sa inyo at excited sa love story niyo kung paano kayo nagkakilala."
Patay tayo d'yan. Alangan sabihin kong, inagaw ko po siya sa bestfriend ko. Jusko naman, Lucio.
"'Ma, you're making her uncomfortable." Sabi ni Lucio. "We just met through our mutual friends."
Napalunok muli ako. Through mutual friends, in short sa bestfriend ko. Well, totoo naman. Pero hindi mutial friends kasi dapat through his real girlfriend.
"Talaga? Ang liit naman ng mundo. So gaano na kayo katagal, Catherine?" Tanong sa akin ng nanay niya.
Utang na loob. Hindi ko naman talaga ugaling magsinungaling at hindi ko alam kung paano ko sasagutin ng natural ang nanay niya.
"'Ma, just ask me." Singit ni Lucio.
"Kumuha ka ng juice at cake sa kusina para kay Catherine. Huwag kang makisali sa amin dahil girl's talk 'to." Sabi ng nanay niya.
Iyong kaba ko, ano ba!
Tiningnan ako ni Lucio na parang sinasabi niya sa akin na ako na ang bahala. Magsisinungaling na naman ako? Grabe na nga iyong konsensya ko kay Kelly. Parang hindi ko naman yata kayang magsinungaling sa nanay niya.
"I'll go get something." Paalam ni Lucio. "'Ma please do not torture her."
Umalis na si Lucio at naiwan kami ng nanay niya dito sa living room. Inaya niya akong umupo sa malawak na sofa.
Abot abot pa sa tuktok ang kabang nararamdaman ko.
"So, gaano na nga kayo katagal ng anak ko?" Ulit niya.
Ngumiti ako. "Bago palang po. Wala pa pong one week." Sabi ko which is totoo naman. Wala pang one week iyong deal naming dalawa.
"So it means, he's so serious to you. Imagine, in less than a week,ipinakilala ka na niya sa akin. Kinikilig ako. Mahal na mahal ka siguro ng anak ko. Bago naging kayo, matagal na ba kayong magkakilala and na-develop kayo? Gano'n ba iyon, iha?"
Sa pangatlong pagkakataon, napalunok ako. She's so nice na parang hindi ko kayang magsinungaling.
Tumikhim ako. "Pwede po bang huwag niyo nang ipaalam kay Lucio iyong pinag-uusapan natin?" Sabi ko.
"Oo naman, iha! Girl's talk, right? Don't worry, hindi porke soya ang anak ko, sa side niya ako. No."
Huminga ako ng malalim. "Honestly..."
Desidido na ako sa bagay na 'to. Hindi ko alam kung bakit may nagtutulak sa akin na sabihin sa nanay ni Lucio ang totoo. Kitang kita ko sa mga mata niya ang saya na makilala ako. Para bang may bahagi sa puso ko na ayokong masira ang tingin niya sa akin.
"I'm loving your son for almost twelve years."
Nanlaki ang mga mata ng nanay ni Lucio at halos mapanganga. "What the hell?"
Napangiti ako. Parang ang gaan bigla sa pakiramdam na may isa pang tao na nasabihan ko tungkol sa long time secret ko.
"Are you serious, iha?" Parang hindi pa siya makapaniwala. "Twelve years? Hindi biro iyon. Teenager palang yata si Lucio no'n!"
I bit my lower lip. "Actually, classmate ko po siya noong college. Ako po iyong top two sa klase namin habang siya po ang top one."
Mas nanlaki ang mga mata niya. Parang ang sarap makita iyong tuwa at galak ng nanay niya kaya lalo kong naitutulak ang sarili ko na sabihin ang bagay na tinatago ko sa loob ng maraming taon.
"You were that cute petit girl na kasabay ni Lucio sa stage nang sabitan kayo ng medals niyo!"
Oh my, she remembered me?
"Ah... opo." Sagot ko.
Mas namilog ang mga mata niya. "Alam ba ng anak ko? I mean, natatandaam ka ba niya? Kaya ba kayo naging mag-boyfriend and girlfriend dahil sa tagal nyong magkakilala?"
"Hindi po, Mrs. Palermo. Sa totoo lang po, hindi po alam ni Lucio na classmate kami noong college and hindi rin po niya alam iyong nararamdaman ko kaya sana po, sa atin nalang? Sa tingin ko po, may tamang panahon para malaman ni Lucio."
Hinawakan niya ang mga kamay ko. Parang kumikinang ang mga mata niya. "Of course, iha! I am so happy for my son. Hindi ako makapaniwalang natagpuan ka niya sa wakas!"
Natagpuan? Ah, baka nakilala.
"You know what? Ngayon palang kita nakausap pero ang gaan gaan na ng loob ko sa 'yo. Pwede bang palagi kang sumama kay Lucio kapag pumupunta siya rito sa bahay? Once a week, dinadalaw niya kami because I know na busy siya sa company."
Tumango na lamang ako. Ayokong sirain iyong moment. She's too happy. Hindi siya katulad ng ilang mayayaman na pagbabawalan ang anak nila kapag simpleng babae ang girlfriend. Parang sa mga teleserye.
"Susubukan ko pong maglaan ng oras."
"Salamat, iha. Marami pa tayong oagku-kwentuhan. You should eat your dinner here, okay? Magluluto ako."
"Naku, nakakahiya po." Sabi ko. Saka wala naman sa usapan namin ni Lucio na hagganh dinner mag-stay ako dito.
"No, iha. Huwag na huwag kang mahihiya sa akin. Saka huwag mo na akong tawaging Mrs. Palermo. Masyadong pormal. Call me Tita. Okay?"
Ngumiti ako. Parang wala na yata akong magagasa. "Okay po, Tita."
"Oh my! Hindi ako makapaniwala. Ang liit ng mundo, iha. Ako na ang pinakamasayang nanay."
Grabe hindi ko expected na lubos iyong saya niya dahil lang nalaman niyang matagal ko nang minamahal si Lucio.
"Mama!" Sigaw ni Lucio.
Napatingin ako sa kanya. May dala siyang baso ng juice at cake sa platito.
"Are you torturing her?" Tanong niya habang inilalapag ang dala sa center table.
"Of course not! Masaya lang ako, iho. Anyway, dito na siya magdi-dinner. Nag-usap na kami. So after niyang ubusin itong meryenda, pwede kayong magbonding muna sa kwarto mo." Kakaiba ang ngiti ng nanay niya.
Pakiramdam ko ay namula ang mga pisngi ko.
Umupo sa tabi ko si Lucio. "Eat this. Nagpatimpla pa ako sa kasambahay kaya medyo natagalan." Sabi niya.
Ngumiti ako sa kaniya.
"O siya, iiwan ko muna kayo dahil kailangan kong pumunta sa grocery para makabili ako ng mga ingredients at kung ano ano. Kailangang bongga ang dinner natin mamaya." Sabi ng nanay niya saka tumingin sa akin. "Catherine, iha, huwag kang mahihiya, okay? Feel at home."
"Thank you, Tita." Sabi ko.
Iniwan na niya kami ni Lucio dito sa salas. Tumikhim ako saka uminom ng juice.
"Marami bang tanong si Mama?" Tanong niya.
"Tinanong niya lang kung gaano na tayo katagal and sabi ko less a week pa lang."
Tumango tango siya. "Sorry. It wasn't my intention. I just... well, I know hindi siya maniniwala kung sinabi kong kaibigan lang kita. Hindi pa ako nagsasama ng babae dito sa bahay."
Ang puso ko...
"Okay lang, Lucio. Kunwari lang naman. Nagpapanggap lang naman tayo. Nabigla lang ako."
Anong okay lang?! Seryoso ka, girl?! Hindi okay syempre! Dahil dito, lumalampas na ako sa mga bagay na hindi naman dapat. Alam ko kung hanggang saan ang limitasyon ko. Alam ko kung hanggang saan lang ako. Pero dahil ipinakilala niya akong girlfriend, ang puso ko, unti unti nang umaasa.
Kuntento ako kahit pa noong hindi ko naman nakakausap si Lucio. Pero parang mababasag iyong contentment na nararamdaman ko dahil sa mga ginagawa niya.
"I'm really sorry." Aniya. "Don't worry, my mother is really nice."
"I know, Lucio." Sabi ko.
Para niyang sinira iyong rule niya sa sarili niya na hindi siya magpapakilala ng girlfriend if she's not the one. E, ako ipinakilala so dapat ba ako ang maging the one niya? Pero malabo e. Exception nalang siguro ako dahil may deal kami.
"Did she ask you to eat dinner here?"
Tumango ako. Tinikman ko iyong cake na kinuha niya.
"She looks so happy." Sabi niya. "Can I have a bite?"
Parang nag-loading ang utak ko sa sinabi niya. "H-Ha?"
He just smiled saka inagaw sa kamay ko ang tinidor na hawak ko. Kumuha siya ng cake saka kinain iyon.
Kumabog na naman ang dibdib ko. Ginamit niya lang naman iyong tinidor na ginagamit ko. Gosh, ano ba! Napakarupok ko para sa ganito!
"I said, she seems so happy. I never thought she could be that happy to meet you."
Kung alam mo lang, Lucio! Ni-share ko lang naman sa nanay mo ang matagal ko nang sikreto at parang ngayon ko iyon pinagsisisihan.
Parang nahiya na akong kumain ulit ng cake. Ginamit niya kasi ang tinidor e. Saka ano... ano ba! Indirect kiss iyon though nag-kiss naman na kami, kasi it's like a girlfriend and biyfriend thing.
"This is too sweet. Do you like it?" Tanong niya. Iyong cake ang tinutukoy niya.
"Yes. I love caramel." Sabi ko. Lahat naman ng sweets ay gusto ko. Sumubo pa ako ng cake dahil nahiya naman ako kung hindi ko uubusin. Isang slice lang naman iyon.
Uminom ako ng juice.
"Lucio..."
"Yes?"
"Hindi ba nakakahiya sa Papa mo saka sa mga kapatid mo na makakasama niyo ako sa dinner mamaya?"
Kahit naman niyaya ako ng nanay niya, mahalaga pa rin iyong sasabihin ng Papa niya saka mga kapatid niya.
"No. They will be happy." Sagot niya.
Inubos ko na iyong natitirang cake saka uminom ng juice.
"Leave it there. Let's go." Aniya.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.
"To my room."
Napalunok ako. Gulat ako pero hindi ko ipinahalata. Makakapasok lang naman ako sa kwarto ni Lucio Vin! Grabe naman iyong mga na-achieve mo compare kay Kelly na totoong girlfriend niya. Lalo tuloy akong nakokonsensya kapag naiisip ko siya.
"Ah, are you sure? Private space mo 'yun. Okay lang naman kahit dito lang ako sa living room."
Hindi na siyanagsalita. Sa halip ay hinila niya ang kamay ko. Wala akong nagawa kundi magpahila.
Ayoko nga sabi pero kasi...
Umakyat kami sa hagdan paakyat. Kumaoiwa kami at tumigil kami sa dulong kwarto. Binuksan niya iyon.
Namangha ako sa laki ng kwarto niya. Halos kulamg puti at kulay black ang theme ng kwarto. Minimalist ang style pero ang cozy tingnan. Lalaking lalaki ang dating.
Sayang naman ang kwarto niya dahil hindi niya natutulugan. Sabi nga ng nanay niya, once a week lang siya umuuwi rito.
Nahihiya pa akong pumasok sa kwarto niya.
"Come here." Aniya.
May hawak siyang remote. Pinaandar niya ang malaking flatscreen TV na nasa harap ng kama.
"Is it okay to you if I take a nap? Just one hour. I'm really sleepy. Napuyat ako sa paperworks kagabi." Sabi niya.
Bahagya akong ngumiti. "Sige, Lucio. Walang problema."
"You can watch movies." Inabot nya sa akin ang remote control. "There's also some magazines there."
Itinuro niya iyong center table na may nga magazines. Lumapit ako doon saka ako umupo sa malaking black na couch.
"Ako na ang bahala sa sarili ko, Lucio." Sabi ko.
Wala akong mairereklamo. Kahit pa magdamag ko siyang makasamang tulog, okay lang yata sa akin. Hay, ang puso ko.
"Alright." Aniya saka basta nalang naghubad ng tshirt niya.
Napapikit pa ako pero agad ko rin namang idinilat.
Dumapa si Lucio sa malaking kama niya para matulog. Para tuloy gusto ko siyang tabihan. Jusko ang biceps, ang muscles, hay, ang harot!
Inabala ko ang sarili ko. Kinuha ko ang mga magazines sa may center table. Karamihan ay business magazines at ang ilan, Palermo family ang nasa cover. Sikat talaga ang pamilya nila pagdating sa business.
Binuklat buklat ko ang magazines. Hinahanap ko lang talaga iyong pictures ng pamilya niya. Katulad nung nabasa kong magazine. Naroon din ang buong angkan nila.
Luke Evans Palermo and Charisse Alano-Palermo. His grandparents.
Lucas Allen Palermo and Hestia Garcia-Palermo. His parents.
Hershey Palermo and Ludwig Palermo. His siblings.
Tapos kasama rin iyong pamilya nina Arisse Chandria na pinsan niya.
Duke Aris Palermo and Cherrypink Castillo-Palermo. Kapatid ng parents ni Lucio.
Arisse Chandria Palermo, Aries Chastin Palermo and Arion Chase Palermo. Mga pinsan niya na na-meet ko na.
May isa pang pamilya sa katabi nila sa picture.
Drake Hong and Empress Araine Palermo-Hong. Kapatid din pala ng parents ni Lucio.
Dreana Emry Hong, Devin Elisse and Devan Ezekiel Hong. Mga pinsan niya na hindi ko pa nakikita or name-meet.
Kahit pala tatlo lang magkakapatid 'yung parents niya, ang laki na rin ng pamilya nila. They looked really good in their family picture.
Ako kasi, dalawa lang kaming magkapatid. Nag-aaral pa ng college ang bunso namin. Alam kong malungkot kasi tatlo lang sila sa bahay sa probinsya pero ayos na rin dahil kapitbahay lang naman nila iyong mga Tito at Tita ko. Para silang nasanisang compound kaya masaya pa rin.
Hindi tulad ko na nag-iisa dito sa Manila. Mabuti nalang talaga, may mga kaibigan ako. Isa pa, marami akong pangarap kaya nagtiis talaga ako.
Ibinalik ko ang magazine sa mesa. Ang iba kasi ay nabasa ko na dahil may copy ako. Tumayo ako saka lumapit sa malaking bookshelf na parang buil-in na nakadikit sa pader.
Maraming libro. Sabagay, top one siya sa klase namin. Hindi malabong mahilig siyang mag-aral noon. Hindi ko nga siya matalo lalo na sa mga math subjects. Palagi niyang perfect ang exams.
Napangiti ako nang makita ko ang yearbook noong college kami.
Hindi kaya napapansin ni Lucio na katabi lang ng picture niya ang picture ko dahil ako ang magna cumlaude.
Kinuha ko iyon sa bookshelf saka binuklat pero naagaw ng pansin ko ang isang picture na nahulog mula sa yearbook.
Kumumot ang noo ko saka tiningnan ang nahulog na picture sa sahig.
Nakatalikod, mahabang buhok at... hindi ko na maaninag kaya pinulot ko iyon mula sa sahig pero nagulat ako nang maunahan ako ni Lucio.
Gising na pala siya?
Magsasalita pa sana ako pero bigla niya akong hinila saka siniil ng halik. Natuliro na naman ako. Bakit kasi bigla bigla siyang gumigising tapos bigla bigla din siyang nanghahalik.
Ano na, nanghihina na naman ang puso ko.