bc

The Fallen Artist (R-18)

book_age18+
7
FOLLOW
1K
READ
revenge
dark
sex
forced
drama
bxg
office/work place
reckless
actress
seductive
like
intro-logo
Blurb

Kristen Emmanuelle Villaruiz once aspire to become the a TV personality—an actress who will bag all the awards in every awarding ceremony.

As she do things to achieve her dream, an unfortunate event happened, making her lost everything she has, leading her to become one of the newest and fastest rising actress of the industry.

As the year goes by, she became one of the highest paid actress, making her dreams come true . . . but she wasn't happy. She realized that the world she aspire to live in is a world full of monsters and demons she couldn't believe that exists.

On her 10th year anniversary in the industry, she became the fallen artist.

Will she be the person who will reveal how dirty the world of show business works after her fall? Or will it still be a secret that anyone wouldn't dare to expose and let the people believe that show business is what everyone saw on the television?

chap-preview
Free preview
Prologue
“Sabi ko naman sa ‘yo, ‘di ba? Gagawin ko lahat. Gagawin ko ang lahat, tanggapin mo lang ulit ako sa buhay mo!” ang sabi ko, kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. “Pero hindi mo ako pinagbigyan. Hindi mo ako binigyan ng pagkakataon na ipakita sa ‘yo na . . . kaya ko. Kaya ko ang lahat. Pero hindi mo ako hinayaan!” Pagkatapos ay bumukas ang ilaw at pinatigil na ako ng judges sa pag-arte. Nag-bow ako sa kanilang lahat at pinunasan ang mga luha, pagkatapos ay ngumiti sa kanila. “Thank you po.” Tumango ang tatlong judges na nasa harap ko. Sila ay kilalang mga direktor ng pelikula na napapanood namin sa TV at sinehan. Ngayon ay nabigyan ako ng pagkakataon na ipakita sa kanila ang talento at passion ko sa pag-arte. Nag-audition ako para maging artista sa management nila dahil ngayon ay naghahanap sila ng mga bagong artista na kayang gampanan ang role ng mga character sa bagong teleserye na gagawin. “Magaling ang ginawa mong pagpapatulo ng luha, hija. Mabilis . . . parang nadama mo ang mga linyang binitawan mo. Ang problema lang namin, hija . . . masiyado mong na-exaggerate ang role. You didn’t have to shout to your leading man. You just need to say it casually, while letting your tears fall. Hindi mo kami nabigyan ng pang! factor sa puso namin. Hindi namin nadama, kahit na magaling ang ginawa mong pag-iyak,” pagkomento ni Director Kate sa ginawa kong pag-arte. Halos mawala ang mga ngiti ko sa naging judgement nila sa audition piece ko pero pinilit ko pa rin ang ngumiti sa kabila nito. One of the things that I need to do is be professional even though I kept on hearing the same comments every time I tried to audition for a role. “We would like to see better acting than what you did. I’m sorry and thank you for auditioning. You need to learn more. Maganda ka—matangkad. Hindi ka mataba kaya hindi mo na kailangang mag-effort sa pagpapaganda ng katawan. Celebrity-worthy ang mukha mo. You’re already there. All you need is to do better in acting. Maybe . . . you need to try joining a workshop,” sabi ng isang direktor na si Direk Carlos. Ngumiti ako sa kan’ya. “Pag-iipunan ko po, Direk. I will do everything to become a celebrity and be part of your wonderful industry. Thank you po, I’ll do my best next time and show you a better acting.” Ngumiti at tumango ang mga direktor bago ako tuluyang umalis doon. Nang makalabas na ako ng auditorium ng entertainment company na ito ay sinalubong ako ng boyfriend kong si Dave. Ngumiti siya sa akin. Ibinalik ko sa kanya ang mga ngiti niyang ‘yon. “Kumusta ang audition?” I smiled a little. “Same old words. I need to do better acting. I . . . need to attend the workshop to be able to become a better actress.” Tumulo ang mga luha ko. “Pero bakit kahit paulit-ulit ang naririnig ko, ayaw ko pa rin tumigil?” Hinila niya ako para yakapin. “Okay lang ‘yan, madami pa namang pagkakataon. At isa pa, bata ka pa naman, eh. There will be a lot of opportunities that will come to you. ‘Wag ka lang susuko, okay?” Nagbuga ako ng malalim na buntonghininga. “Ilang beses ko pa bang maririnig ang mga ‘yon? Talaga bang hindi ako magaling?” Umiling siya. “Shh! ‘Wag mong sabihin ‘yan. Magaling ka, okay? Sadyang mataas lang masyado ang standards nila para sa pagkuha ng artist.” Kumalas ako sa yakap at tumingin sa kanya. Ngumiti siya sa akin at pinunasan ang mga luha ko. “Don’t cry. Sabi ko naman sa ‘yo na ayokong nakikitang umiiyak ka, ‘di ba?” Tumango ako. “Thank you, love. Hindi ko alam anong gagawin ko sa buhay ko kapag wala ka sa tabi ko.” He chuckled. “I will always be with you, forever.” Hinatid ako ni Dave hanggang sa tapat ng bahay namin. Hindi ko na siya pinapasok pa dahil alam ko naman kung ano ang sasalubong sa akin ngayong ginabi na naman ako ng uwi. Nagbuntonghininga ako bago binuksan ang pintuan at mga papel ang sumalubong sa mukha ko. “Ginabi ka na naman ng uwi!” sigaw sa akin ni Mama kasabay ng pagsabog sa mukha ko ng mga papeles ko sa pag-audition. “Sabi ko naman sa ‘yo, tigilan mo na ang pag-audition dahil wala kang mapapala d’yan!” Humugot ako ng malalim na buntonghininga bago nag-angat ng tingin at tumingin deretso sa kan’ya. “Ma, alam mo namang pangarap ko ‘to! ‘Wag mo naman akong pigilan! Ito ang makakapagpasaya sa akin!” Dumeretso ako sa living room. Sinundan naman ako ni Mama habang si Papa naman ay nakaupo sa couch at nakahalukipkip habang nakatingin sa akin nang seryoso. “Hindi ka naman natatanggap! Ilang beses ka na bang nag-audition? Ilang beses ka nang nare-reject? Hanggang kailan mo ba gagawin ‘yan?!” “Hanggang sa matupad ko ang pangarap ko, ‘Ma!” Nagbuntonghininga siya at naupo sa single couch sa tapat ko. “Kristen, huwag mo namang sayangin ang pagpapaaral namin sa ‘yo dahil d’yan sa pag-aartista na ‘yan! Akala mo ba na kapag nag-artista ka, habang-buhay kang nasa ere? Habang-buhay kang sikat? Hindi! Kaya tigilan mo na ‘yang kalokohan mo at mag-focus ka sa pag-aaral mo!” Napakuyom ang mga kamao ko. “Ma naman!” “Kristen Emmanuelle!” Napatigil ako sa pagrereklamo nang tinawag ako ni Papa sa buong pangalan ko. Lumingon ako sa kan’ya. “P-Pa . . .” “Tumigil ka na sa ginagawa mong ‘yan at makinig ka sa mama mo.” Napakuyom lalo ang dalawang kamao ko. “Papa naman! Pa, eighteen na ako, I can decide on my own! Just let me do what makes me happy. Please, Papa!” Tumingin siya nang matalim deretso sa mga mat ako, dahilan para matahimik ako. “Hangga’t pinapakain kita, hanggang pinag-aaral kita, at hangga’t hindi ka pa kumikita ng sarili mong pera, ako ang magdedesisyon para sa ‘yo!” sigaw sa akin ni Papa. Hindi ko na makuhang makapagreklamo dahil sa sobrang takot ko sa kanya. Kita ko ang mga masasamang tingin niya sa akin habang kinagagalitan ako, at ngayon ko na lang ulit nakitang ganito si Papa. “Pa . . .” “If you want to become a celebrity, leave this house and don’t show your face ever again!” Pagkatapos sabihin ‘yon ni Papa ay tumayo siya at iniwan kami ni Mama sa sala. Pumasok na siya sa loob ng kwarto nila, at hindi ko napigilang umiyak nang umiyak nang marinig ko ang malakas na kalabog ng pintuan nila. “Kristen, makinig ka na lang sa Papa mo.” Paulit-ulit akong umiling habang mabilis na umaagos ang mga luha ko. “Mama, please, let me do this. ‘Ma, bakit ba ‘di niyo na lang ako suportahan?” Nagbuntonghininga siya. “Kristen, wala namang kasiguraduhan ang future mo d’yan. Iniisip lang naman namin ang kapakanan mo. Makinig ka na lang sa amin.” Hindi na ako nagsalita pa at tumayo na lang para pumunta sa kwarto ko sa itaas. Kahit naman anong sabihin ko ay hindi pa rin nila ako maiintindihan. Ibinaba ko ang gamit ko sa gilid at nagbihis sa CR. Pagkatapos kong magbihis, lumabas na ako. Nakita ko ang nakababatang kapatid kong si Kristelle na nakaupo sa kama ko habang hawak ang teddy bear niya na iniregalo ko sa kanya noong nag-birthday siya. “I heard Papa shouting at you.” Ngumiti ako at lumapit sa kanya. “Don’t worry about Ate, I’m fine.” She shook her head slightly. “Papa never shouted at you before. What happened?” I smiled as I held both of her arms. “Your Ate is hard-headed. Don’t be like her, okay?” Ngumuso siya na parang nag-isip. “But I want to be pretty like you, Ate.” I chuckled. “You’re way prettier than me.” Umiling siya. “You want to become an actress, Ate. And you have a beautiful face. I will support you po, Ate. If you want to become an artist and be seen on TV, I will support you.” Nangilid ang mga luha ko sa sinabi ng kapatid ko. Niyakap ko siya at hinalikan sa ulo. “Thank you, baby. This is what I need right now.” *** Pero tulad ng dati, kahit na hindi ako pinapayagan na mag-audition ng mga magulang ko sa pag-aartista, hindi pa rin ako tumitigil. Naghahanap pa rin ako sa internet ng mga ongoing audition na pwedeng salihan, free workshops dahil nag-aaral pa lang ako at wala akong sapat na perang pambayad, lalo na at ‘di rin ako makakahingi sa mga magulang ko ng pera pangtustos dito dahil tutol naman sila dito. Naupo sa tabi ko si Dave. “Tapos na klase mo?” tanong ko habang nag-i-scroll sa computer ng school namin. “Yup!” Tumingin siya sa ginagawa ko. “Naghahanap ka ng bagong pwedeng pag-audition-an?” Tumango ako habang kinakagat ang kuko ko sa hinlalaki. “Oo, eh. Gusto ko pa rin subukan.” Nagbuntonghininga siya. “Will you be okay kapag nalaman nila ‘yan?” Napahinto ako sa pag-scroll ko gamit ang mouse. “Kasi ako, suportado kita sa lahat ng gusto mong gawin at sa mga bagay na makakapagpasaya sa ‘yo. Think about your parents—they don’t want that for you. Will you be okay when the time comes that they found out about that?” Tumingin ako sa kanya at ngumiti. “You and my sister are more than enough for me. Habang naniniwala at sumusuporta kayo sa akin, I will do everything to reach this dream.” He smiled and brushed my hair. “Just don’t hesitate to ask for my help whenever you need anything, okay?” Tumango ako. “Thank you, love.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.1K
bc

His Obsession

read
75.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook