Chapter 01

2449 Words
When I met my boyfriend, Dave Christopher Sanchez, I was just a second year high school student. Wala pang k-12 noon kaya hindi pa masyadong komplikado. Transferee ako sa school na pinag-aaralan niya. He was already junior that time and he’s two years older than me. Maaga kasi akong pinag-aral kaya hamak na mas bata ako sa mga classmates ko. Kasali siya sa student’s council noon, and he’s running for the position of USC President. When they were campaigning together with his fellow candidates, he looked at me the moment they entered our classroom. He flashed his shy smile before talking to our homeroom adviser. That was my first month of studying in this university. I can still remember that he doesn’t even made an impact to me even though he kept on looking and smiling at me, obviously trying to hit on me. Not until that one rainy afternoon, my Dad failed to fetch me up because he had an emergency meeting with his fellow architects. He told me to wait in front of our school, that he’ll come to fetch me up, so I did. I waited for him for hours. But it’s already 7:00 p.m. and the meeting of the student’s councils are done, so the school will be closing at that time. They were laughing as they step out of the school while talking about the project that they talked about at their meeting. “Yeah, I’m sure mag-e-enjoy ang mga student kapag nabalitaan nila ‘yun,” I heard him talking. I looked at him, and saw that he’s already looking at me. “Sige, ingat kayo.” “Di ka sasabay, Pres?” Umiling ito. “Nope. Dala ko naman ang motor ko. At saka may pupuntahan pa ako, eh,” he said as he looked at me. Mabilis akong umiwas dahil doon. “’Wag kayong magpapakabasa sa ulan, ha? Deretso uwi.” Tumango ang mga ito. “Yes, Pres!” they said in unison. Sumakay na ito sa isang sasakyan na dala ng isa sa kanila saka umalis. Naiwan kaming dalawa sa waiting shed sa labas ng school, habang hinihintay na tumila ang ulan. “Ikaw ‘yung transferee, ‘di ba?” biglang sabi niya. Kumunot ang noo ko. I didn’t answer him because I am not really into talking to someone who I don’t personally know. He chuckled. “I’m Dave,” sabi niya sabay lahad ng kamay niya. “I know.” He chuckled again. “It’s good thing that you know me. We met before, right?” Napairap na lang ako sa kawalan, dahil natural lang naman na magkita kami kasi nasa iisang school kami. Tapos president pa siya ng student’s council! “Bakit nandito ka pa rin?” Again, I didn’t answer him. “Hindi ka ba nasundo? Do you want me to call your parents?” I glanced at him. “My dad is on his meeting, he doesn’t like it when he’s being disturbed.” “Oh . . .” I didn’t talk to him again. Naupo lang siya sa tabi ko at paulit-ulit na tumingin sa relo niyang suot habang kasama kong naghihintay kay Papa. Pati tuloy ako ay napatingin na sa relo ko at nakitang 8:30 p.m. na. Naibagsak ko ang mga balikat ko at napahawak sa tiyan ko dahil sa gutom. “Are you sure that someone will pick you up?” Hindi ako sumagot at nanatiling nakasimangot na lang dahil sa gutom ko. Ilang saglit lang ay tumunog ang tiyan ko, na nagsasabing kailangan ko na talagang kumain. “Y-You can go home, Mr. President. You don’t need to stay with me here.” Umiling siya. “I am concern with my co-students as I am the president of student’s council. Saan ka ba umuuwi?” I gulped. “Someone will fetch me, I’m sure. Don’t worry about me.” Umiling siya. “Look, you’re a lady and I can’t just leave you here, knowing that you’re alone in the middle of the night.” ‘Di ako nakapagsalita. L-Lady? My face heated. “Come with me, I’ll bring you to the nearest fast food chain so you can at leaast fill your empty stomach, and I’ll promise to bring you home right after that.” Nang makita kong seryoso naman siya at hindi ko nakitaan ng masamang motibo sa akin ay sumama ako sa kanya. Pinagsuot niya ako ng emergency raincoat na kulay violet, habang ang sa kanya naman ay kulay blue. Iniabot niya rin sa akin ang isang helmet at pinasakay sa likod. ‘Di na ako nagdalawang isip pa kahit na hindi ako sanay sumakay sa ganito dahil gusto ko na talagang umuwi. Huminto siya sa pagdi-drive sa tapat ng McDonalds. Niyaya niya ako sa loob para kumain, kaya naman sumunod na ako sa kanya. Iniwan ko na doon ang raincoat na ipinasuot niya sa akin, maging ang helmet. Pinag-order niya ako ng chicken with rice, fries at ng drinks. Gano’n din ang sa kanya. Nagsimula na siyang kumain at hindi na ako nahintay. Mukhang nagutom rin siya sa ginawa niyang paghihintay sa akin. Bigla tuloy akong na-guilty kahit na hindi ko naman hiniling sa kanyang hintayin ako. Bago ako nagsimulang kumain ay nagsalita ako. “Uhm . . . thank you.” Nakita kong napahinto siya sa pagkain saka tumingin sa akin. Ako naman ay yumuko na lang at nagsimulang kumain. Ilang sandali pa ay narinig ko ang mahinang pagtawa niya bago ginulo ang buhok ko at nagsalita. “You’re welcome, Kristen.” Nagulat ako sa pagbanggit niya ng pangalan ko. Hindi ko na nagawa pang itanong sa kanya kung paano niya nalaman ang pangalan ko, dahil para akong na-hypnotize noong makita ko ang masayang ngiti niya sa akin, bago itinuloy ang pagkain. *** Simula noong gabing inihatid niya ako sa bahay, mas naging madalas ang pagkikita namin kahit na sa kabilang building ang classroom nilang mga juniors. Minsan ay naiisip ko na sinasadya nila akong puntahan dito kasama ng kaibigan niya, pero maya-maya ay makikita kong nagpapapirma sila sa teacher namin. I’ve been studying here for four months at ngayon lang sila naging madalas sa pagpunta sa classroom namin. Sa tuwing bago sila lumabas ng room namin matapos makapagpapirma ay lagi siyang lumilingon sa akin at ngumingiti. At kapag tumango ako ay mas lalawak ang mga ngiti niya at saka tatakbo palabas ng classroom. “Hay nako, ang batang ‘yon, pati ako, dinadamay sa kalokohan! Kung hindi lang matalino at mabait ang batang ‘yon, baka ‘di na nakakabalik dito ‘yan!” sabi ng homeroom teacher namin habang nagbubura ng mga sulat sa blackboard. Paglingon niya ay tumingin siya sa akin. “Ms. Villaruiz,” pagtawag niya sa akin na siyang ikinagulat ko. “Uhm, po?” kinakabahang tanong ko. “Kilala mo ba ‘yong si Mr. Sanchez?” Nag-aalangan akong tumayo bago sagutin ang tanong niya. “Uhm, s-siya po ang bagong USC President?” “Ang ibig kong sabihin ay kaibigan mo ba ang batang ‘yon?” Ilang sandali pa ang nagdaan bago ako sumagot. “H-Hindi po.” We just ate once . . . is that friendship already? “Pwede bang kausapin mo siya at sabihing tigilan ang pagpunta-punta dito dahil naiistorbo ang klase ko?” bulalas niya. “P-Po?” kinakabahang tanong ko dahil nagiging seryoso na siya. Nagulat ako nang bigla siyang tumawa. “Nako, ang batang ‘yon, papirma nang papirma sa akin kunwari, ginagawa pa akong dahilan para makita ka!” Nagsigawan ang mga kaklase ko at sabay-sabay nila akong kinantiyawan dahil sa sinabi ng teacher namin. Ako naman ay naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko at ang mabilis na pagtibok ng puso ko sa kaba. I’ve never been in this situation because I used to study on an exclusive for all girls academy. Kung hindi lang ako na-bully doon ay hindi ako ililipat dito ng Papa ko. “H-Hindi naman po siguro.” “Ay, nako! Bahala na kayong mag-usap na dalawa. Sabihin mo ay pinagalitan kita kahit ‘di naman totoo nang sa gayon ay tumigil-tigil ang batang ‘yon! Humanap siya ng ibang diskarte kung talagang gusto niyang magpapansin sa ‘yo!” Nagkaroon pa ng maraming tawanan at kantiyawan kaya naman bumalik na ako sa pagkakaupo nang nahihiya. Nag-sorry na rin ako dahil feeling ko, responsible pa rin ako sa ganitong sitwasyon. Nagsimula nang magturo ang teacher pero patuloy pa rin ang pangangantiyaw sa akin ng iba kong kaklase. Medyo nawawala na rin ang hiya ko tuloy dahil mababait naman sila. Nang mag-uwian ay nakita ko siya na nasa puno, nakasukbit ang isang strap ng bag sa balikat at nakasuot ang mga kamay sa bulsa ng pants niya na para bang may hinihintay siya. Hindi ako sigurado kung sino ang hinihintay niya, pero nilapitan ko pa rin siya para sabihin ang mga pinapasabi ng teacher ko. “Oh, Kristen!” gulat na sabi niya. “Nandiyan ka na pala. Wala ka nang klase?” tanong niya. Umiling ako. “Wala na.” Magsasalita pa sana siya, pero nagsalita na ulit ako. “Sabi nga pala ni ma’am na ‘wag ka na daw mang-istorbo ng klase niya kung hindi naman daw importante ang sasabihin mo.” Napanganga siya ng bahagya sa sinabi ko. “H-Ha?” Hindi ako nagsalita at tumingin lang sa kanya. “Pinagalitan ka ba niya?” I just kept myself silent, I don’t know how to react in front of him, “Sorry, ah?” Ngumiti ako. “Okay lang. Pinapasabi lang ni ma’am iyon.” Nag-aalangan siyang tumango. “Uhm, p-pauwi ka na ba?” Tumango ako. “Oo.” “Pwede bang . . . pwede ka bang makausap sandali?” Ngumiti ako nang bahagya. “Nandiyan na si Papa, eh. Importante ba ‘yan?” Lumungkot ang mukha niya. “Ay, ganon? Sige, next time na lang. Ingat kayo pauwi.” He smiled. I smiled back at him. “Ikaw din.” So, I walked towards the gate and there I saw the car of my Dad. Nang makapasok ako sa loob ng sasakyan ay ‘di ko napigilang ngumiti dahil sa nangyaring pang-aasar kanina sa classroom at nang malaman kong tama nga ang hinala ko na ako ang dahilan ng pagpunta-punta ni Kuya Dave sa classroom namin. “You look happy, my daughter,” Papa said while driving. Mabilis ko namang itinago ang mga ngiting iyon. “Uhm, I-I just gained new friends, Papa.” Humalakhak siya. “That’s good to hear. Wala nang nambu-bully sa ‘yo?” Umiling ako. “No, Papa. This is the best school I’ve ever been.” And then I remembered that wide smile a while ago after he saw me nodding at him. Ahhh, that guy. Ang cute. *** Nang mga sumunod na araw, lagi na lang may nalalaglag na isang square na papel sa tuwing binubuksan ko ang locker ko. Ayokong umasa pero pakiramdam ko ay galing ‘yon sa USC President namin. Binasa ko ang nakasulat, pero tanging “good morning! Have a nice day, beautiful!” lang ang nakalagay. Inipit ko na lang ‘yon sa loob ng libro ko at nagsimula nang maglakad papunta sa classroom namin. It’s not only once, but every day, lagi akong nakakakuha ng square na papel sa tuwing binubuksan ko ang locker ko. When it reached the whole month, kinompronta ko na siya. Hinintay ko siya sa labas ng office ng USC hanggang sa lumabas siya. Nakita ko pang nagulat siya nang makitang nandoon ako. “Oh, Kristen. Bakit ka nandito?” Ngumiti ako. “Uhm, may itatanong ako sa ‘yo.” “A-Ano ‘yon?” Pinakita ko sa kanya ang mga papel na nakuha ko sa loob ng locker ko at nakita kong nagulat siya nang makita iyon. “Sa ‘yo ba galing ‘to?” Napahawak siya sa batok at yumuko. “H-Halata na ba ako?” Muntik ko nang hindi mapigilan ang pagtawa ko nang makita kong namumula ang mga tainga niya. “Oo, eh.” “Ah, sorry.” He looked away. I smiled. “Okay lang.” Ibinalik niya ang tingin sa akin. “So . . . hindi mo ako pipigilan?” Umiling ako. “Kung nag-e-enjoy ka sa ginagawa mo, okay lang sa akin. It actually makes my day better whenever I read it.” He smiled. “But . . . what do you want from me? Why are you doing these?” Umiling siya. “I’m . . . I’m just interested in you . . .” “Ahh . . .” napatango-tango na lang ako. “At s-saka . . . m-may gusto ako . . . sa ‘yo.” Lumakas ang t***k ng puso ko noong sinabi niya ang mga salitang ‘yon. “A-Ano?” “H-Hindi ba pwede?” nahihiyang tanong niya. Kitang-kita ko ang kaba sa kan’ya dahil panay ang buntonghininga niya. “Bata pa ako, eh,” simpleng sagot ko. Umawang ang bibig niya. “Ano, h-hindi naman ako nagmamadali. Gusto ko lang malaman mo.” Natawa ako nang mahina. “Ahh . . .” ‘Yon na lang ang tanging nasabi ko dahil sa kaba ko. “P-P’wede ba kitang maging kaibigan?” Hindi ako kaagad nakasagot sa tanong niya dahil hindi pa rin nawawala sa isip ko ang sinabi niyang may gusto siya sa akin. Ngayon ko lang naranasan ang ganito, na may umamin ng pagkagusto nila sa akin. Ang . . . ang sarap pala sa pakiramdam. “Kung ayaw mo, okay lang . . . maghihintay na lang ako.” He smiled. I smiled too, and said, “oo naman, p’wede mo akong maging kaibigan. Sige, aalis na ako. Nand’yan na sa labas si Papa.” Nang tumalikod ako ay hinawakan niya ako sa braso para pigilan sa paglalakad. “T-Talaga?” Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko. Mabilis naman niya ‘yong tinanggal nang makitang nakatingin ako doon. Tumingin ako sa kanya at ngumiti. “Oo naman.” He smiled again. “Salamat, Kristen.” “Sige na, kanina pa ako inaantay ni Papa, eh.” “Sige, ingat sa pag-uwi, Kristen!” “Ikaw din.” At habang naglalakad ako papunta sa labas ng school ay hindi ko mapigilan ang mga ngiti ko kahit na ilang beses ko pang pigilan ito. Ano bang mayroon? Bakit naging ganito ako? Bakit lagi na lang akong ngumingiti simula noong makilala ko siya? Hindi ko maintindihan pero...nagugustuhan ko ang ganitong pakiramdam. *** That’s how I met the love of my life. My Dave . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD