Chapter 1. The Beginning

2054 Words
Masayang-masaya ako dahil kasama ko na naman ang aking ina. Ako na siguro ang pinakamasʼwerteng anak sa buong mundo. Dala ang traveling bag, habang kami ay magkahawak kamay. Nakita ko ang mga ngiting sumisilay sa aking ama. Ngiting hindi kayang palitan, nang kahit na anong materyal na bagay? Naupo muna kami sa isang bakanteng upuan. Habang hinihintay ang oras ng flight namin papuntang Switzerland. “Anastasha,” pagtawag ni Mama, sa aking pangalan. “Baka naman kapag nandoʼn na tayo ay kung saan-saan ka pa magpunta?” “Mama, hindi naman ako katulad ni Papa,” pabirong sambit ko. Napansin ko ang paglingon sa akin ng aking ama. “Anong sabi mo?” matawa-tawang wika sa akin ni Papa. “Wala iyon, Papa. Ang sabi ko hindi tayo magkatulad.” “Kaya pala magkamukha kayong dalawa,” sambit ni Mama na may ngiti sa aming dalawa. Halos tawanan sa isaʼt isa ang namutawi sa aming tatlo. Wala kaming pakialam kung pagtinginan man kami ng mga taong nakamasid sa amin. Bagkus malalakas na halakhak ang aming pinakakawalan. Hanggang sa marinig ko ang announcements, hudyat na para umalis kami ng aking pamilya. “Good afternoon passengers, this is a preboarding announcement for flight PR75 to Switzerland. We are now inviting those passengers with small children. And any passengers requiring special assistance to begin boarding at this time. Please have your boarding pass and identification ready. Regular boarding will begin in approximately ten minutes time. Thank you.” Mabilis kong dinampot ang aking bag. Habang hila-hila naman ni Mama ang isa pang traveling bag. Excited, kasi ako na makarating sa Switzerland. Isa kasi ang lugar na iyon sa aking mga pinapangarap. “Papa, hindi ka ba masaya na mapupuntahan na natin ang magandang lugar sa Switzerland, kasama si Mama?” mabilis kong tanong kay Papa. Napansin ko kasi ang pagiging mailap nʼya. Para bang may mabigat siyang problema. Sa halip na sagutin niya ang tanong ko, ay tanging ngiti na lamang at pagkurot sa aking pisngi ang kaniyang iginawad. “Let's go, Anastasha. Baka mahuli pa tayo sa ating flight.” Pagkaway sa akin ni Mama, na halos malayo na ito sa amin ni Papa. “Papa, are you okay?” sambit kong tanong. “Of course, sino ba naman ang hindi magiging masaya?” Hindi ko na tinanong pa ang aking ama. Bagkus ay mabilis ko na lamang itong hinawakan sa kaniyang mga kamay. Sa pagsakay pa lamang ng eroplano ay pansin ko na ang ilang gusaling nagtataasan. “Ma-mi-miss, ko talaga ang pinas kapag nasa Switzerland na ako,” mahinahon kong wika sa aking sarili. “Anastasha, matulog ka muna habang hindi pa tayo nakararating sa Switzerland. Sayang din ang oras kung hindi mo rin iyan itutulog.” Tanging tingin na lamang ang iginanti ko kay, Mama. Tama rin naman kasi sʼya. Mahaba pa ang oras para marating namin ang lugar na ʼyon. Isinandal ko ang ulo ko sa mismong headrest ng upuan. Ibinaba ko na rin ang bintanang nagsisilbing panangga sa salamin ng eroplano. Kasabay nang paglagay ko ng earphone sa aking tainga. *** HALOS hindi ko na namalayan ang paglapag ng eroplano. Nagising na lamang ako sa halik ng aking ama. “Anak, halika na . . . naririto na tayo sa, Switzerland.” Sumunod na ako noon kay Papa. Matapos namin makalabas ng airport, ay tanging lamig sa labas ang aking naramdaman. Hindi pa man winter, ay ramdam ko na ang simoy ng hanging nagmumula sa ilang mga punong aking natatanaw. Tumawag na rin si Mama ng taxi na maghahatid sa amin papuntang hotel. Doon muna kami mag-stay pansamantala, habang hindi pa na isasaayos ang pagtutuluyan naming bahay. Nang marating namin ang hotel, ay sobra na akong namangha sa ganda nito. Makikita mo ang pagka-elegant na talagang kahit sinong turista ay mag-e-enjoy. Kahit saan ka lumingon ay tanging marmol ang iyong makikita. Mapa-wall man o sahig na iyong lalakaran. I heard a beautiful music, at sa palagay ko isa iyon sa nagiging attraction, ng mga taong nag-che-check-in dito sa hotel. “Anastasha, you can go what you want. But always remember, na huwag kang magpapakalayo. Lalo na't hindi kami ang kasama mo.” “Thank you, Papa for always reminding me. Don't worry about me, kaya ko naman ang sarili ko.” Hindi ko na hinintay pang pumasok sina Mama at Papa sa, elevator. Alam ko kasing marami pa silang dapat unahin. At tiyak na ma-bo-boring lang ako sa paghihintay ko sa kanila. Masyado kasing business minded ang pamilya ko. Kaya kahit mag-travel kami sa ibang lugar o, ibang bansa. Maiinip lang ako sa paghihintay sa kanila. Napatingala ako nang marinig ko ang pagtunog ng elevator. Doon ko lang napagtanto na nasa twenty-six floor na pala ako. Halos mamangha ako sa aking nakikita. Kasunod nang paglalakad ko sa hallway, patungo sa aking silid kung saan ako naka-check-in. Magkatapat lang naman kasi ang kinuhang silid namin ni Papa. Masyadong over protective siya pagdating sa akin. Samantalang nasa hustong edad na ako kung tutuusin. Kinuha ko ang key card ko sa aking bag. Kasunod nang pagtunog ng aking telepono. Hindi pa man ako nakakapagsalita, ay halos mabingi na ako sa ingay na aking naririnig. “R-Rita, where are you?” pag-aalala ko sa aking kaibigan, nang bigla itong napatawag. Kilala ko kasi ito pagdating sa dinadalang problema.“I said, where are you?!” sigaw ko, na halos hindi niya marinig dahil sa lakas ng sound system. “Rita, naririnig mo ba ako?!” naiinis ko nang tanong sa kaniya. “Of course, Anastasha. Iʼm sorry, kung napatawag pa ako sa ʼyo. Alam mo naman na mahalaga ka para sa akin.” “Are you drunk?! Pʼwede ba umalis ka na sa bar na ʼyan,” pangungumbinsi ko kay Rita. “Palibhasa nasa malayong lugar ka. Kaya nasasabi mo ʼyan.” “Ano na naman ba ʼto? Kailan mo ba malilimutan ang abnormal na lalaking ʼyon?” “Never, ko siyang makalilimutan. Alam mo ba na kinuha niya ang virginity ko? Tapos ganoʼn na lamang niya ako ipagsasawalang bahala.” “Bakit kasi ibinigay mo?” “Please, comport me,”mangiyak-ngiyak na sambit sa akin ni Rita. “You mean, sasakay pa ako ng ereplano pabalik ng pilipinas. Para lang i-comport ka!” “Bakit na saan ka ba? Huwag mo sabihin na—” “Yes, nasa Switzerland ako. Siguro naman kaya mong i-handle ang sarili mo ngayon.” “Ibang klase ka rin, ha? Hindi mo man lang ako isinama.” “Nagtanong ka ba?” pagmamataas kong sambit kay Rita. “Better luck next time to me, na lang. Wala rin pala akong makakausap na matino.” “Kailan ka ba naging matino, Rita? Eh, halos buong bar, yata sa Pilipinas nilibot mo na.” “S-sige na, mag-enjoy ka rʼyan. Alam ko naman na nasa bucket list mo ang Switzerland. Basta pasalubungan mo ako kapag umuwi ka na. Wait, may pahabol pa ako. Avoid dirty handsome guys, baka matulad ka sa akin na katawan lang ang tinikman.” “Don't worry, hindi naman ako tulad mo na sumasabak kaagad sa labanan.” “Hoy! Atlis minahal ko at minahal ako kahit kunwari lang.” “Iwasan mo na kasi ang mga lalaking may angking kasinungalingan sa katawan.” “Lahat ng lalaki ganoʼn. Maliban na lang kung may dahilan. Anyways, tama ka uuwi na lang ako. Kaysa mag-inom sa bar na ʼto.” “Take care of yourself, Rita. Goodbye, magkita na lang tayo pag-uwi ko.” Iyon na lamang ang nasabi ko sa aking kaibigan. Matapos nitong patayin ang kaniyang telepono. Sa pagpasok ko sa aking kʼwarto ay pabagsak kong inilapag ang aking maleta sa ibabaw ng kama. Bahagya rin akong napahiga. Napagod kasi ako sa ilang oras na byahe. Samahan pa nang malamig na klima rito sa Switzerland. Binuksan ko ang maleta ko at isa-isa ko itong inilagay sa walk-in closet. Napatitig pa ako sa balcony, dahil sa hampas ng puting kurtina na aking nakikita. Sa bandang kaliwa nito ay may isang small table akong napansin. May coffee maker na maaari mong gamitin. Kinuha ko ang isang tasa na maaari kong paglagyan ng kape. Tamang-tama kasi ito sa malamig na klima. Kadalasan ito talaga ang makikita mo sa bawat silid ng hotel. May different coffee flavors, na pʼwede mong pagpilian. Isang cappuccino ang aking napili. Kahit naman nasa Pilipinas ako ay ito talaga ang iniinom ko. Saka ako nagtungo sa balkonahe. Una kong nasilayan ang ganda ng lugar. May private swimming pool, at kung ano-ano pa. Tanaw mo rin ang nag-aasul na karagatan. Ang mga yatch, na talagang agaw pansin kapag iyong nakikita. Sabayan pa nang sinag ng araw habang ang ilang tao ay nag-e-enjoy na mag-sunbathing. Sabi nga ng iba— Life is so good and morning time is the best for the sunbathing. Aalis na sana ako sa aking kinatatayuan nang mapansin ko ang isang lalaking nagpatitig sa akin. Heʼs so handsome and a perfect masculine body that attracts many girls. Suot nito ang blue sunglasses na bumagay sa kaniyang mukha. Tanging buntong hininga ang aking pinakawalan. Kasabay nang pagpasok ko, sa loob ng aking silid. “Tama nga si Rita. Dapat umiiwas ako sa mga ganoong lalaki rito.” Saka ko ibinaba ang tasa ng kape na aking hawak. Minabuti kong puntahan si Papa. Wala rin naman akong makakasama kung ako lang ang mag-isang pupunta sa Spiez. Spiez, is a spectacular lakeside destination that sits in a beautiful bay. And dominate by the medieval tower with its Romanesque Church. Habang dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng silid nila ni Mama. Ngunit kahit bakas ng kanilang mga gamit ay wala akong nakita. Hanggang sa makita ko sa ibabaw ng bedside table nila ang isang sulat. Babasahin ko sana ito, pero isang staff ng hotel ang kumatok sa pintuan. “Excuse me, are you a daughter of Mr and Mrs. Miarez?” tanong ng babae na ikinakunot ng noo ko. “Y-yes, w-why?” mautal-utal ko pang tanong sa kaniya. Walang sagot akong narinig mula sa babae. Tanging pag-abot lang nito ng car key, ang iginawad sa akin. Magtatanong pa sana ako, about sa aking magulang. Subalit kaagad naman itong umalis na parang nagmamadali. Hindi ko alam kung anong dahilan at bakit sila bumalik ng Pilipinas, nang mabasa ko ang sulat ni Papa? Dali-dali kong tinakbo ang elevator, baka sakiling maabutan ko pa sila. Ngunit huli na ang lahat. Sobra akong nasaktan sa ginawa nila. Akala ko magiging masaya ang pagpunta ko rito sa Switzerland, iyon pala ay kabaligtaran sa aking isipan. Nakailang tawag na rin ako sa kanila. Pero kahit telepono ng mga ito ay out of coverage area. “Ano baʼng problema?! Bakit lahat na lang inililihim nila sa akin?” naluluha kong sambit. Kasunod nang pag-dial ko ng numero para tawagan si Rita. Siya lang ang taong palaging na riyan para sa akin. Nakailang missed call na ako ngunit wala pa rin sagot ang aking kaibigan. Hanggang sa isang tawag ang aking natanggap. Walang pag-aalinlangan kong pinuntahan ang park sa nasabing address. Hindi ko alam ang kabog ng aking dibdib. Ilang sandali pa ay mabilis kong natunton ang lugar. Ngunit sa ʼdi sinasadyang pagkakataon. Nakita ko ang sumisilay na ngiti sa akin ni Mama. Dala nito ang kotseng sa pagkakaalam ko ay hiniram lang niya sa isang private hotel. Palapit nang palapit sa akin, ang sasakyang kaniyang minamaneho. Hanggang sa hindi ko inaasahan ang malakas na pagsigaw ko. Kitang-kita ko kung paano nito banggain ang kotse ni Mama. Bumaba pa ito sa kaniyang sasakyan, para siguraduhing wala na itong buhay. “Mama!” malakas kong pagsigaw. Habang nakamasid sa akin ang lalaking, halos ngayon ko lamang nakita. Hithit ang sigarilyong tila may pagbabanta pa sa aking ina. Mabilis itong nakapasok ng kaniyang kotse at paharurot nitong pinatakbo, palayo sa krimen na kaniyang ginawa. Kasabay nang malakas na ulan at pagtakbo ko sa aking ina. “M-Mama . . . P-please, w-wake up,” mautal-utal kong pagsigaw. Habang sunod-sunod na suntok sa bintana ng kotse ang aking pinakakawalan. Kasunod nang paghingi ko nang tulong sa mga sasakyang dumaraan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD