Chapter 2. The sadness

2156 Words
DALAWANG BUWAN na ang lumipas buhat ng masaksihan ko ang pagkamatay ni Mama. Sinisisi ko ang sarili ko dahil wala man lang akong ginawa para mailigtas sʼya. Paulit-ulit kong tanong kung bakit at sino ang lalaking ʼyon? Pero si Papa ay tahimik pa rin na nakamasid sa puntod ng aking ina. Gustohin ko man siyang tanungin ay tila hindi ko maigalaw ang aking mga labi. Pinalis ko ang aking mga luha. Kasunod nang paglagay ko ng isang bungkos ng bulaklak sa kaniyang kinahihimlayan. “Papa, halika na. Ilang araw ka nang hindi makakain. At huwag kang mag-alala narito pa naman ako para alagaan ka.” “Stop talking to me like that, Anastasha!” Nagulat ako sa inasal ng aking ama. Naisip ko ay dala lang ito ng kaniyang depression, sa pagkawala ni Mama. “Do you think? Ikaw lang ang nasasaktan sa pagkawala nʼya! Ako rin sobra-sobra . . . Tagos dito sa puso ko,” lakas loob kong sagot sa kaniya. “Enough! Ayokong marinig ang kahit na anong reklamo mo.” “What's wrong with you, Papa? Hindi lang naman ako ang nagluluksa sa pagpanaw nʼya.” “Wala na tayong magagawa. And from now on, lahat nang gustohin ko ay susundin mo. Even if, about of our company or not.” “Kailan ba ako hindi sumunod sa ʼyo.” Sabay alis ko sa kaniyang harapan. Tila ba galit ang namumuno sa aking kalooban. Pagkakataon na dapat ay una pa lang–gumawa na ako nang hakbang, para mahanap ang taong kumitil sa buhay ng aking ina. Naka-recieve ako ng message galing sa aking kaibigan. Mabuti pa si Rita, palaging nasa tabi ko para damayan ako. Pero ang aking ama– halos hindi ko na makilala. “Malapit na ako. Magkita na lang tayo sa event gallery.” Tanging iyon na lamang ang mensaheng ini-send ko sa aking kaibigan. Mas na-re-relax kasi ako kapag sa paborito naming lugar kami pumupunta ni Rita. Ilang minuto ay mabilis kong narating ang event party sa isang kilalang gallery. Nakita ko si Rita habang nakatitig sa isang magandang painting. “Bakit hindi mo bilhin, nang sa gano'n mas matitigan mo pa siya ng matagal,” wika ko na ikinagulat niya. “Kanina ka pa ba?” “Kadarating ko pa lang.” Muli naming ibinalik ang aming tingin sa magandang painting. “Kung bibilhin ko ang mamahaling painting na ʼyan. Much better, na i-donate ko na lamang ang pera sa mga mas nangangailangan.” Napabaling ang tingin nito sa akin. “S-sandali, kaya ka ba nagpunta rito ay para sabihin sa akin ang lahat ng problema mo, Anastasha?” “As usual, kailan ba nagbago ang story line, ng buhay ko? Eh, halos paulit-ulit lang naman ang nangyayari.” “Galit pa rin ba ang Papa mo sa ʼyo?” seryosong tanong ni Rita sa akin. “S-siguro, wala naman kasi sʼyang imik kapag nagtatanong ako.” “Hayaan mo na lang muna, ang Papa mo. Masakit mawalan ng asawa.” “Alam ko naman ʼyon. P-pero ako ba hindi nawalan ng mahal na ina. Pareho lang naman kaming nagluluksa.” “Oo, naroroon na tayo sa, point na nasasaktan ka rin. Isipin mo doble-doble ang kinakaharap nʼya ngayon. Balita ko kasi may malaking problema ang inyong kompanya.” “M-malaking problema. What do you mean, Rita?” “I don't know, yet. Base lang iyan sa nakalap naming balita ng pamilya ko. I am not sure, kung totoo nga ba? Maybe, you need to understand him. Hindi man niya masabi sa ʼyo ang lahat ay natitiyak kong nag-aalala rin siya sa magiging kalagayan mo.” “Huwag naman sana. P-pero s-sana nga nag-aalala rin siya sa ʼkin,” malungkot kong sambit. Ilang oras lang kaming namalagi ni Rita sa gallery. Marami na rin taong dumarating kaya na pagpasʼyahan ko na lamang magpaalam sa kanʼya. “Iʼm sorry, Rita. Kailangan ko nang umalis. May importanteng tawag kasi ang aking ama. Baka mag-away na naman kami kapag hindi ko siya nasunod.” “Its okay, basta mag-iingat ka, ha?” Saka kami nagyakapan sa isaʼt isa. Inihatid muna ako ng aking kaibigan sa may labas ng event gallery. Tanging mga ngiti ang lumalabas sa aming mga labi. Hanggang sa isang itim na sasakyan ang tumigil sa aming harapan. Hindi ito pamilyar sa akin. Napatitig ako kay Rita. Subalit napailing lang ito sa akin. Senyales na hindi niya ito kilala. Nagtataka pa kami dahil sa mga suot nilang tuxedo. Isang hindi kilalang lalaki ang humarang sa aming dalawa. May katandaan na ito, pero kung titigan ay babagay ang magara nitong kasuotan. Pinakatitigan niya ako mula ulo hanggang paa. At saka ito nagbigay nang ngiti sa akin. “Nice meeting you, Miss Anastasha Miarez.” Bagkus na sagutin ko siya ay tahimik lang akong nakatitig sa kaniyang mukha. Kaba ang aking naramdaman sa lalaking kailanman ay hindi ko nakilala. Kasunod nang pagtitig sa akin ni Rita na tila may pakahulugan. Tatalikod na sana ako nang kaagad niyang nahawakan, ang aking kamay. “You look like your mother.” Napataas ang aking kilay nang banggitin niya ang aking ina. Saka ko inalis ang pagkakahawak niya sa akin. “What are you talking about?” “It's a long story, hija. Kung iisa-isahin ko pa ay baka abutin pa tayo ng kinabukasan. Anyways, nandito ako para sunduin ka. Sabi kasi ni Mr. Miarez, ay rito kita makikita.” “Hindi ako sumasama sa hindi ko kilala,” mataray kong wika sa lalaki. Aalis na sana ako nang sabihin niya ang salitang nagpakaba sa aking katauhan. Hindi ko alam kung saan ba ako huhugot ng lakas? Pero natitiyak kong alam ni Papa ang maaaring mangyari sa akin. “I am Mr. Alberto Calderon, your future husband soon.” “W-what?!” Nabigla ako sa mga sinabi niya. Hindi ko akalain na ikakasal ako sa isang matandang lalaki na kailanman ay hindi ko hinangad. “At sino ka para sabihin sa akin ʼyan? Hindi ako pakakasal sa isang tulad mo!” Matalim na tingin ang ipinukol nito sa akin. Pakiramdam ko ay may halong pagnanasa ang bawat titig nito sa akin. “Isang kang babaeng walang alam sa mundo. Bakit hindi mo kausapin ang iyong ama? Baka sakaling magbago ang pakikitungo mo sa akin!” “Ano man ang pinag-usapan nʼyo ni Papa, ay wala akong pakialam?” wika ko, At kinagulat ang paghawak nito sa aking kamay. “whether you like it or not, susundin mo ang Papa mo. Dahil kung hindi— mangyayari ang bagay na hindi mo inaasahan. At alam kong hindi iyon magugustuhan ni Mr. Miarez.” Nakikita ko ang tensʼyon sa mga mata nito. Tila ba kahit anong oras ay kaya nitong gawin ang kaniyang gusto? “Leave me alone! Hindi ako magpapakasal sa isang katulad mo! Hindi ka ba nangdidiri sa sarili mo? Halos mag-ama na tayo kung titingnan ng ibang tao.” “Ganoʼn ba?!” mariin na sigaw sa akin ni Alberto. Kasunod nang pagpapakita nito ng ilang papales na ibinigay ng kaniyang sekretarya. “Nakikita mo ba ang hawak ko?! Nakasalalay rito ang kompanyang pinakaiingatan ng iyong ama. At kung hindi ka rin lang magiging akin. Babawiin ko ang lahat nang pinagkasunduan namin ni Mr. Miarez.” Halos bumuhos ang sakit sa loob ng aking dibdib, nang marinig ko iyon mula sa kaniya. Hindi ko akalain na ipagkakanulo ako sa isang matandang lalaki. Para lang sa kompanya nitong iniingatan. Mabilis akong napatakbo palayo mula sa lalaking may bahid ng pagnanasa sa akin. Rinig ko ang pagtawag sa akin ni Rita. Nangingibabaw na rin ang luhang kanina ko pa pinipigilan. “Paʼno niya ito nagawa sa akin? Gano'n na ba ako ka walang kʼwentang anak sa kanʼya?!” maluha-luha kong sambit. Naramdaman ko na lamang ang mga kamay na humaplos sa aking likuran. “Gagawa tayo nang paraan para makatakas ka sa mapanghangad na matandang lalaking ʼyon,” malungkot na sambit ni Rita. Saka nito unti-unting pinunasan ang aking mga luhang walang katapusan. “B-bakit? B-bakit nangyayari ʼto?” Yumakap ako nang mahigpit sa aking kaibigan. Isang yakap na alam kong siya lang ang makapagbibigay. “Halika, may pupuntahan tayo.” Wala na akong ibang narinig mula sa kaniya. Basta ang alam ko . . . ay ligtas ako kapag sʼya ang kasama ko. *** KINABUKASAN na ako nakauwi buhat nang isama ako ni Rita sa kilalang exclusive bar, doon kasi ay nawawala ang bawat masasamang alaala ko. Mga ala-alang nagbibigay lungkot sa aking isipan. Kasabay nang pagbaba ko sa taxi. “Manong, ito po ang bayad ko. Keep the change, at salamat sa paghatid.” Bungad ko pa lang sa entrada ng malaking gate ay napansin ko ang masamang tingin sa akin ni Papa. Hawak ang dʼyaryo na malimit niyang ginagawa sa umaga. Iniwasan ko na lang ang mga titig niya sa akin. Bagkus ay dumeretso na ako sa loob ng aming mansion. “Where have you been?!” galit na sigaw ni Papa. “Bakit hindi mo itanong sa matandang lalaking ipinagkasundo nʼyo sa akin?!” naiinis kong sambit sa kaniya. “Kailan ka pa natutong sumagot sa akin, Anastasha?!” “Ngayon lang, Papa. Paano mo ito nagagawa sa sarili mong anak?!” “Shut up!” Wala na akong ibang sinabi pa sa aking ama. Ang galit na namumuo ni Papa sa akin ay tila naging manhid na sa aking pakiramdam. Akala ko ay makakahinga na ako ng maluwag nang wala na akong salitang narinig sa kaniya. Ngunit nagkamali pala ako— Lahat nang makita niyang mamahaling gamit o, vase ay isa-isa niyang binasag. Nakita ko ang pagkatakot ng ilang mga kasambahay. “Pinalaki ba kita nang walang respeto sa isang katulad kong ama mo!” “Respeto! Naririnig mo ba, Papa ang mga sinasabi mo? Hindi baʼt— dapat ako ang nagrereklamo?” matapang kong sagot sa aking ama. Isang malakas na sampal ang aking naramdaman mula sa kaniya. “Nararapat lang talaga na bigyan ka ng leksyon. Nang sa gano'n matuto ka at magkaroon ng tamang landas!” “Simula noong nawala si Mama. Hindi na kita kilala. Marami nang nagbago sa ʼyo!” “Lahat babaguhin ko para sa reputasyon na iniingatan ko. Kaya huwag kang gagawa nang ikakasira ko. Kung ayaw mong mawala ka rin sa landas ko!” “A-ano'ng sabi mo? M-mawala sa landas mo.” Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Ang dating masayang mansion noon ay napalitan ng galit at puno ng kalungkutan. “Iʼm warning you, Anastasha. Kapag sinuway mo ang lahat nang iniuutos ko. Kakalimutan kong naging anak kita at naging bahagi nang buhay ko!” “Ganoʼn ba? Sana pinatay mo na lang ako, Papa! Nang sa gano'n— makasama ko ang aking ina.” “Anastasha!” sigaw nito sa akin. “Kahit ilang beses nʼyo akong ipagpilitan sa lalaking ʼyon! Hinding-hindi ako magpapakasal sa kanʼya.” Napansin ko ang pagtaas ng gilid ng labi ng aking ama. At malilim nitong buntong hininga. Tumalikod ito sa akin. Saka humarap sa sliding door na natatakpan ng kurtina. Marahan niya itong hinawi. Kasabay nang pagtawag sa aking pangalan. “Anastasha . . . May mga desisyon na kailangan nating gawin. At may mga desisyon na kahit ayaw natin dapat pa rin natin sundin. Para ito sa ikabubuti mo— sa kompanya na matagal nang iningatan namin ng iyong ina. Oo, mahirap— pero iyon lang ang paraan para maisalba ang ating kompanya. Isang malaking bahagi natin si Mr. Calderon. At kung maikakasal ka sa kaniya. Mababawi natin ang lahat na dapat ay sa atin. Malaki na ang ikinalugi nito. Bumagsak ang sales marketing natin. Maraming investor, ang umalis at lumipat ng ibang kompanya.” “Sinasabi mo ba ito para pumayag ako sa kagustuhan mo? Kaya ko naman magtrabaho sa kompanya natin, Papa.” “Naririnig mo ba ang sinasabi mo?! Hindi ganoʼn kadali ang magpatakbo ng isang malaking kompanya. Kung inaakala mo na mababago mo pa ang aking desisyon— Nagkakamali ka, Anastasha! Ikakasal ka kay Mr. Calderon. Sa ayaw mo man o, sa gusto. “Reputasyon mo lang ang iniisip mo! At ang kompanyang pinahahalagahan mo. Wala kang kʼwentang ama!” Hindi ako makapaniwalang makakaya niya itong gawin sa akin. Na saan na ang dating amang pinahahalagahan ako? Ang taong lubos na nagmamahal sa akin. Ang amang nagbibigay lakas ng loob, sa tuwing may sinusubukan akong mga bagay. Walang siyang pagkibo sa aking mga sinabi. Bagkus ay kinuha nito ang sigarilyong nasa ashtray. Saka nito hinithit na tila walang pakialam sa aking nararamdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD