Makalipas ang isang taon, tuluyan nang natapos ang gulo sa buhay nina Lyka at Aiden. Sa wakas, mas payapa na ang lahat. At ngayong araw, isinilang na rin ang prinsipe ng San Lucia—si Juancho Crizano. Binyag niya ngayon, at parang piyesta ang buong bayan. Masayang-masaya ang lahat, mayaman man o mahirap, dahil bukas ang tahanan ni Governor Aiden Crizano para sa kanyang mga kababayan. Ganun niya ipinapakita ang pagmamahal niya sa kanila. Busy si Lyka, kasama ang kanyang mga ina, si Tita Sofia, at si Almira sa pag-aasikaso ng mga bisita. “Gusto ko talaga, ikaw ang maging manugang ko para sa anak kong si Calix. Hanggang ngayon, wala pa siyang ipinapakilalang nobya sa’kin,” nangingislap ang mga mata ni Tita Sofia habang nakangiti kay Almira. Tinudyo siya ni Lyka. “Almira, o, chance mo na ’t

