Hindi pa rin tinatantanan ni Aiden ang pang-aasar habang nakatingin kay Almira. “Bagay naman talaga kayo ni Calix,” biro niya. “CEO na, gwapo pa, edukado. Jackpot na jackpot ka na kung sakali.” Napapadyak sa inis si Almira. “Kuya! Tigilan mo nga ako, wala nga ’yon!” Pero biglang nag-iba ang tono ni Aiden—mula biro naging seryoso. Nakahalukipkip siya habang nakatitig sa kapatid. “Kahit CEO pa siya, ayoko,” mariin niyang sabi. “Hindi porke mayaman o matalino, basta na lang papayagan kita. Gusto ko, ’yung taong makakasama mo, ’yung talagang kaya kang ipaglaban at hindi iiwan.” Natigilan si Almira. Hindi niya inasahan ang biglang pagiging protective ng kuya niya. “Kuya naman…” mahina niyang bulong. “Wala pa nga eh.” “E, kaya nga ngayon pa lang, sinasabi ko na,” sagot ni Aiden, masuyo pe

