Maaga pa lang ay handa na sina Calix at Almira. Maalalahanin si Calix habang tinutulungan itong buhatin ang mga gamit at maingat na inilalagay sa loob ng kanyang sasakyan. Paminsan-minsan ay nagtatawanan sila, lalo na kapag hindi magkasya ang bag sa trunk. Hindi mapakali si Aiden, panay ang paalala sa kapatid. First time kasing mawawalay si Almira sa kanila. “Kuya, matanda na si Almira. Hindi na ‘yan baby,” sabat ni Archie, na agad ding nagtawanan. Napairap si Almira. “Sige na nga, alis na kami. Baka tanghaliin pa kami—nakakahiya kay Calix.” Saglit siyang tumingin kay Calix na nakangiti lang, at hindi niya napigilang mapansin kung gaano kalalim ang mga mata nito. “Ingat kayo,” bilin ni Aiden, sabay tingin kay Calix. “Calix, ikaw na bahala sa kapatid ko.” Bahagyang tumango si Calix, p

