POV ni Aiden Kung si Lyka ay abala sa pag-iimbestiga, ganoon din si Aiden sa kapitolyo. Nasa loob siya ng kanyang silid nang dalhan siya ni Rochelle ng mga pinakabagong files tungkol sa kaso ni Don Leonardo. Tahimik niyang binuksan ang folder at sinimulang basahin ang bawat detalye. Dati, kapag hawak niya ang mga ganitong dokumento, tanging galit at poot ang nararamdaman niya. Noon, gusto niyang malaman ang lahat para maipakulong ang ama ni Lyka at maipaghiganti ang sakit na dinanas niya. Pero ngayon... iba na ang pakiramdam niya. Hindi na ito tungkol sa paghihiganti. Sa bawat pahina na binabasa niya, mas lalo siyang determinado, hindi para pabagsakin si Don Leonardo, kundi para protektahan ang pamilya De Vera at ang babaeng mahal niya. Napahinto siya sandali at napatingin sa kawalan.

