POV ng Lihim na Nakikinig Habang nag-uusap sina Aiden at Lyka sa loob ng clinic, sa labas naman ay may isang lalaking tahimik na nakaupo sa sasakyan, nakaparada hindi kalayuan. May hawak siyang maliit na listening device na nakakonekta sa earpiece. Narinig niya ang buong pag-uusap, mula sa pagdududa ni Aiden sa ebidensya hanggang sa desisyon nilang maghintay at mag-imbestiga muna. Nang matapos ang usapan at lumabas si Aiden, mabilis na nag-type ang lalaki sa kanyang cellphone: MESSAGE SENT: Nagdadalawang-isip si Aiden. Hindi siya kumbinsido na si Senator Fernan ang may sala. Kakausapin daw nila ang ibang tao para alamin ang totoo. Pagkatapos maipadala ang mensahe, lumingon siya pabalik sa clinic, nakangisi. “Pasensya na, Dra. Lyka,” bulong niya. “Kahit anong plano n’yo, laging may ma

