Sa pagbabalik ni Aiden sa kapitolyo ng Santa Lucia, ramdam na ramdam niya ang bigat ng sitwasyon. Mainit ang usapan sa bayan, ang pangalan ni Mayor Orlando Javier ay lumulutang sa usapin ng smuggling at droga. Ngunit dahil sa posisyon nito at koneksyon sa sindikato, marami pa ring natatakot magsalita. Nasa loob ng session hall si Aiden nang dumating si Mayor Orlando kasama ang ilang bodyguards. Halatang hindi nagustuhan ng mayor ang pagkakaharap nilang dalawa. May mapanuyang ngiti itong ibinato kay Aiden bago nagsalita. “Gov,” ani Orlando, puno ng pangungutya, “naririnig ko kung ano-ano na raw ang ibinibintang mo sa akin. Sana naman ay may matibay kang ebidensya, hindi yung tsismis lang. Nakakahiya sa puwesto mo kung mapapahiya ka.” Umangat ang kilay ni Aiden, ngunit nanatili ang tikas

