Naisipan ni Aiden na isama si Lyka sa San Jose, isang liblib na barangay na matagal na niyang gustong tulungan. Para kay Aiden, hindi sapat na nakaupo lang siya sa opisina; gusto niya na personal niyang nakikita ang kalagayan ng mga kababayan. “Maganda rito, Aiden,” sabi ni Lyka habang nakatanaw sa mga simpleng bahay na gawa sa yero at kahoy. “Pero halata sa mga tao… ang hirap ng buhay.” Ngumiti si Aiden at tumango. “Kaya tayo nandito. Para maibsan man lang kahit kaunti ang bigat ng araw nila.” Abala sila sa medical mission, may libreng check-up, gamot, grocery packs, at mga pre-loved na damit na maayos pa. Nakikipag-usap si Aiden sa mga residente habang si Lyka naman ay tahimik na pinagmamasdan ang pila ng mga bata. Bigla siyang natigilan nang mapansin ang isang batang babae na halos

