Pagkatapos ng dinner, hindi mapakali si Lyka. Sinundan niya si Aiden hanggang sa study room nito. Pagkapasok niya, nakita niyang nakaupo si Aiden sa harap ng desk, nagbabasa ng ilang papeles. “Pwede ba kitang makausap?” seryosong tanong ni Lyka mula sa pinto. Hindi siya agad pinansin ni Aiden. Tumayo ito, tiniklop ang hawak na dokumento at lumapit sa kanya. “Ano na naman?” malamig pero curious na sabi nito. Huminga nang malalim si Lyka. “Gusto ko lang malaman kung bakit mo sinasabi na mistress ako kung wala ka namang girlfriend.” Bahagyang ngumisi si Aiden at lumapit pa, halos isang dangkal na lang ang layo nila. “Bakit? Naiinis ka ba sa title na ‘mistress’? O gusto mong gawing ‘girlfriend’ na lang?” Nanlaki ang mga mata ni Lyka. “Hindi ‘yon ang point!” sagot niya, umiwas ng tingi

