CHAPTER 6

1130 Words
Chapter 6 Nang sumapit ang gabi ay pumasok na ako sa Trascamado Haven. Habang naglalakad ako papasok sa club ay iniisip ko kung papaano ko haharapin si Aldous. Bigla akong nakaramdam ng hiya nang maalala na umiyak ako sa harapan niya kahapon. Hindi ko rin inaasahan ‘yon. Masyado lang talaga akong nasaktan sa mga sinabi niya kahit hindi naman totoo ang mga ‘yon. Kilala na ako kaagad ng mga guard na nasa labas kung kaya’t hindi na nila ako hinarang nang pumasok ako. Sinalubong ako ng mga nagsasayang kalalakihan at ng mga stuff na nagmamadali upang maihatid ang mga order ng customers. Dumiretso ako sa office ni Mamang upang makapunta ako sa dressing room. Wala akong nadatnan na kahit sino sa loob ng office nang makapasok ako. Pumasok na ako sa isa pang pinto at mabilis na nagbihis ng uniporme. Itinabi ko sa isang rack ang damit ko bago ako lumabas sa kuwarto. Habang naglalakad sa hallway ay tinanggal ko ang tali na nasa buhok ko. Itinatak ko sa isipan ko ang lahat ng sinabi ni Mamang sa akin kahapon kaya naalala ko ang sinabi niya. Mas maigi na tanggalin ko raw ang tali ko sa buhok. “Hi, Jan!” nakangiting bati ni Dysea nang makalabas ako sa hallway. May hawak siyang mga papel at isang bucket na walang laman. “Kararating mo lang? Hindi kasi kita nakita kanina.” Inilibot ko ang paningin ko at maliit na ngumiti sa kaniya. “Dysea!” gulat na bati ko. “Late na ba ako?” nag-aalalang tanong ko. Tumabi muna siya dahil may dumaan na staff sa harapan niya bago siya sumagot. “Hindi naman. Sakto lang nga ang dating mo dahil matatapos na ang shift ng iba. Basta ganitong oras ka lang pumasok palagi, hindi ka mali-late.” Napatango ako at sinuyod ang paligid. “Sige. Salamat, Dysea. Pupunta muna ako sa counter para makapagsimula na rin ako.” “Okay. Puntahan ko na rin muna ‘yong ibang table,” aniya bago nawala sa paningin ko. Huminga muna ako nang malalim bago ako nagpasyang maglakad papunta sa counter. Habang papalapit ako sa counter ay kinakabahan ako. Paulit-ulit kong sinasabi sa isipan ko na dapat akong humingi ng paumanhin kay Aldous nang dahil sa nangyari kagabi. Hindi na rin kasi ako nagkaroon ng pagkakataon na makausap siya kagabi dahil hindi ko naman na siya nakita ulit. “A-Aldous, hindi ko sinasadyang umiyak sa harapan mo kaga—hindi! Mali, mali,” pagsasalita ko habang naglalakad. Napakamot ako sa ulo ko. “Aldous…” At saka ako naiiyak na napakagat sa labi ko. “Papaano ko ba kasi sisimulan? Alangan namang lumapit ako sa kaniya at humingi kaagad ng paumanhin?” Nang mag-angat ako ng paningin ay sakto naman na nag-angat din ng tingin si Aldous galing sa paghahalo ng mga alak. Akala ko nga ay susungitan niya na naman ako ngunit hindi ‘yon ang nangyari. Bahagya akong kumalma nang makita ko ang pagkurba ng labi niya. “Jan,” nakangiting bati niya. Kumuha siya ng isang babasaging baso at isinalin ang laman ng stainless tumbler na hawak niya. “May kailangan ka ba?” Wala sa akin ang paningin niya kaya malaya akong nakatitig sa ginagawa niya. “Ah… w-wala naman,” nahihiyang sagot ko. Bahagya akong lumapit sa counter. “T-Tungkol pala sa nangyari kagabi, g-gusto kong—” “I want to apologize for how I acted last night, Jan,” pagpuputol niya sa sasabihin ko. Binitawan niya ang mga hawak niya at ipinatanong ang kaniyang mga siko sa ibabaw ng counter. Pinakatitigan niya ako kaya ibinaba ko ang paningin ko sa balikat niya. “I didn’t mean to be rude. It’s just that… nabigla lang ako na may bagong stuff. ‘Yon ang rason kung bakit… nasabi ko ang mga ‘yon.” “G-Gusto ko rin humingi ng tawad para sa mga nangyari kagabi. H-Hindi ko alam kung papaano ka ulit haharapin nang dahil doon kaya kaagad akong umalis nang malingat ka. Ayaw kong magkaroon ng kaaway rito kaya sana patawarin mo ako,” mahinang ani ko. Napatawa siya. “Hindi naman ako mahilig sa away, Jan. At isa pa, hindi ako nakikipag-away sa babae. Huwag kang mag-alala, naiintindihan ko naman na may mga pagkakataon talaga na makakagawa tayo ng mga bagay na hindi natin inaasahan na magagawa natin.” Napatango ako. “So… friends na ba tayo? Kalimutan na natin ‘yong nangyari kagabi.” Nag-angat ako ng paningin sa kaniya upang tingnan kung seryoso ba siya. May bakas ng ngiti sa kaniyang labi ngunit seryoso naman ang ekspresyon ng mukha niya. “S-Seryoso ka? Ayos lang sa ‘yo na maging kaibigan ang isang katulad ko?” hindi makapaniwalang tanong ko. Umayos siya sa pagkakatayo at pinagkunutan ako ng noo. “What do you mean by ‘katulad ko’? ‘Yong tungkol ba sa trabaho mo?” Dahan-dahan kong itinaas at baba ang ulo ko. “Kadalasan kasi ay ayaw ng mga tao na makipagkaibigan sa mga babaeng nagtatrabaho sa club o bar. Naiintindihan ko naman ang paniniwala nila na… m-marumi ang mga taong ka—” “What are you saying? Sinong nagsabi ng mga bagay na ‘yan sa ‘yo?” medyo malakas ang boses na saad niya. Bahagya akong nahiya dahil napatingin ang ibang stuff sa ‘min. “W-Wala namang nagsabi. Tingin ko’y ganoon ang paniniwala nila dahil sa paraan ng pakikitungo nila sa akin.” Kasinungalingan. Ang totoo ay maraming nagsabi sa ‘kin ng gano’n ngunit hindi ko naman sila kilala kaya hindi ko mapangalanan. Napabuga siya ng hangin. “Don’t believe on your own thoughts. At kung sakali man na ganoon ang sinasabi sa ‘yo ng ibang tao, huwag kang magpaapekto sa kanila. Hindi naman nila alam kung ano talaga ang trabaho mo at kung bakit mo kailangang gawin ‘yon. Gawin mo ang bagay na sa tingin mo ay tama. Basta huwag ka lang mananapak ng ibang tao.” Ngumiti ako sa kaniya. “Salamat, Aldous.” Iwinasiwas niya ang kamay niya “Don’t mention it. By the way, Al na lang ang itawag mo sa ‘kin.” Dahil parami na nang parami ang mga customer ay nagpaalam na ako kay Aldous na magtatrabaho na ako. Nginitian niya naman ako at sinabing pagbutihin ko raw. Natuwa naman ako sa sinabi niya. Hindi naman pala masama ang ugali ni Aldous. Siguro nga ay nagulat lang talaga siya nang ipakilala ako ni Mamang Barbara sa kaniya. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil biglaan nga ang nangyari. Nang makuha ko na ang maliit na makapal na papel at ang ballpen ay nag-umpisa na akong magtrabaho para sa gabing ‘yon. Mahaba-habang pagtatrabaho naman ito kaya hinanda ko na ang sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD