CHAPTER 8

1101 Words
Chapter 8 Nang mapadaan ako sa counter ay nakita kong nandoon pa rin si Aldous. Akala ko ay umalis na siya dahil maaga siyang umalis kagabi. Hindi pa ba siya uuwi? “May dumi ba sa mukha ko?” natatawang pukaw ni Aldous sa akin. “Kung makatitig ka, parang may dumi ako sa mukha.” Napakurap-kurap ako at napailing. Ibinaling ko ang paningin ko sa mga babasaging baso. “Nagulat lang ako na nandito ka pa rin. Kagabi kasi ay m-maaga kang umalis kaya akala ko ay ganoon din ngayon,” pagpapaliwanag ko. “I just had to run some errands last night that was why I had to go early,” tugon niya. Napatango na lang ako. “G-Gano’n ba…” “Hindi ko naman alam na hahanapin mo ako, edi sana ay hindi na ako kaagad umalis,” natatawang aniya. Napaangat ako ng tingin nang dahil doon. Nang makita niya ang ekspresyon ng mukha ko ay mas natawa siya. “Joke lang, Jan! Ito naman, hindi mabiro.” Napailing-iling na lang ako sa kalokohan niya. Natapos din naman nilang ihanda ang order ng table 11 kaya inihatid ko na ‘yon. Iniwan ko na roon si Aldous na maya’t maya pa rin ang tawa kapag napapatigin sa mukha ko. Hindi ko naman maintindihan kung ano ang ikinatatawa niya. Nagtuloy-tuloy ang pagtatrabaho ko. Paminsan-minsan ay nagkakasalubong kaming dalawa ni Dysea. Nagtatanguan kami o hindi kaya’y nagngingitian kapag nagkakasalubong kaming dalawa. Habang naglalakad ako para lapitan ang table 20 ay may humarang sa ‘kin. Mag-isa lang siya. Masama ang tingin niya sa ‘kin kaya nagtaka ako. Napatingin ako sa likuran ko dahil baka hindi naman ako ang tinitingnan niya. Nang makita kong ako lang naman at siya ang tao sa paligid ay kinabahan ako. “Ang kapal ng mukha mo,” madiin na saad niya. Hindi ko alam ang pangalan niya pero pamilyar naman sa akin ang mukha niya. Isa rin siyang waitress kagaya ko. Mahaba ang straight na itim niyang buhok. May makeup ang kaniyang mukha at pula ang labi niya. Kagaya ng uniporme ko ay hapit na hapit din sa kaniya ang uniporme na suot niya. Hanggang sa mata ko lang ang tangkad niya. “Kararating mo pa lang dito sa Trascamado Haven, pero lumalandi ka na kaagad sa mga stuff dito. Saan ka kumukuha ng kapal ng mukha mo, huh?” mas madiin na aniya. Magka-krus ang mga braso niya habang matalim na nakatingin sa akin. Napailing ako at saka iwinasiwas ang kamay ko. “A-Anong sinasabi mo? Wala akong nilalandi na kahit sino. Nagtatrabaho lang ako para magkaroon ng pera!” Tumaas ang sulok ng labi niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. “Oh, talaga ba? Sino namang maniniwala na wala ka ngang nilalandi? Sa uri ng trabaho na pinasok natin ay kasama na sa pagkatao natin ang maging malandi kaya huwag kang magmalinis!” Umiling na naman ako. “Maniwala ka sa ‘kin! Wala akong nilalandi rito!” pagtanggi ko. Tinagilid niya ang ulo niya para mas mapagmasdan ako. “Hindi ganoon ang nakita ko kanina, malanding babae! Ang kapal ng mukha mong makipag-usap at makipaglandian habang oras ng trabaho. Tingin mo ba ay tamang gawain ng isang matinong waitress ‘yan?” Napakurap-kurap ako habang pinagmamasdan siya. “W-Wala akong alam sa sinasabi mo. Wala talaga akong i-intensyon na gawin ang bagay na sinasabi mo… b-baka naman masyado mo lang—” “Oh, come on!” mapanuyang pagputol niya sa pagsasalita ko. Naglakad siya palapit sa akin kaya naman napaatras ako. Tumigil siya sa paglakad at inirapan ako. “Huwag mong dalhin dito ang pagiging makati mo.” Napatingin siya sa paligid bago umayos sa pagkakatayo. Bahagya siyang lumapit sa akin at bumulong. “Siguraduhin mo lang na wala ka talagang nilalandi na stuff dito dahil kapag nalaman ko na meron… hindi mo magugustuhan ang gagawin ko.” Pagkatapos ay tumalikod na siya at iniwan akong nakatulala. “A-Ano ‘yon?” nanghihinang bulong ko sa sarili ko habang pinoproseso ang mga bagay na sinabi niya. Inaalala ko kung ano ang pangalan niya. Naipakilala na siya sa ‘kin kagabi ngunit dahil okupado ni Aldous ang utak ko ay hindi ko rin natandaan. Sa dami ng mga pangalan na binanggit kagabi ay mahirap talagang alalahanin ang pangalan ng bawat isa sa kanila. “Hoy!” bulyaw ni Dysea na nasa harapan ko na pala. Napatingin siya sa likuran niya kung saan dumaan ‘yong babaeng nagbanta sa ‘kin kanina. Nagbalik siya ng tingin sa ‘kin. “What’s with that face, Jan? Nakita ko na nanggaling si Angela rito kanina. May ginawa ba siya sa ‘yo?” Angela pala ang pangalan niya. Bakit nagtatanong ng ganiyang bagay si Dysea? Alam ba niya na mahilig sa away ang babae na ‘yon? Naranasan na rin ba niya? Umiling ako kay Dysea at ibinaling ang paningin ko sa mga tao na nasa hindi kalayuan. “Wala naman siyang ginawa sa ‘kin. N-Nagkasalubong lang kami rito at napatingin siya sa ‘kin. Bukod doon ay wala na.” Kailan pa ako natuto magsinungaling? Napakagat na lang ako sa labi ko nang dahil sa pagsisinungaling ko. Tama lang naman siguro ang ginawa ko. Baka mas lumaki lang ang gulo kung ipapaalam ko pa sa ibang tao. “Sure ka?” Hindi yata naniniwala si Dysea. “O-Oo naman! Bakit naman hindi?” At saka ako pekeng tumawa. “Well, matagal ko nang kilala si Angela. Hindi ko masasabing masama siya, ngunit hindi ko rin naman masasabing mabait siya. Mahilig siyang makipagkumpetensya, lalo na sa mga taong alam niyang mahihigitan siya. Naranasan ko na ‘yan dati. She threatened me that she would make me suffer kapag humarang ako sa daraanan niya. Hindi ako nagpaapekto dahil kaya ko namang iparanas sa kaniya kung gaano kainit sa impyerno,” seryosong saad niya. Napabaling ako sa kaniya dahil hindi ko inaasahan ang mga sinabi niya. Ito ang unang beses na nakita kong seryoso si Dysea. Noong una ko siyang makilala ay mabait talaga kung titingnan at kakausapin siya. Mukha nga siyang inosente at palakaibigan. Ngumiti siya nang matamis sa akin. “I know that look of yours, Jan. Nagulat ka ba sa inasta ko?” Napailing siya. “Don’t be. Dapat ka nang masanay dahil ganoon talaga ako. Kung ano ang nakikita mo sa panlabas ko, hindi ‘yan ang totoong ako. I know you’ll eventually know me once na matagal ka nang natatrabaho rito.” Masasanay nga ba ako o palagi pa rin akong magugulat sa mga taong nasa paligid ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD