CHAPTER 23

2072 Words

Chapter 23 Bahagya pa akong nawalan ng balanse nang pabalya niya akong itinulak palayo sa kaniya. Napahawak ako sa isang lamesa na nasa gilid ko kaya hindi ako napasadsad sa sahig. Malalim ang bawat paghinga ko dahil nasa sistema ko pa rin ang kaba na nararamdaman ko. Wala na si Angela sa paligid ngunit ang epekto ng mga salita at kilos niya ay hindi nawala sa isipan ko. Nadagdagan pa ang kaba ko dahil nakabangga ako ng customer. Wala na sa isip ko ang mga babasaging baso at kagamitan na nasira ko. Mas inaalala ko ang lalaki na nasa harapan ko. Ang makakapal niyang kilay ay magkasalubong na ngayon. Hindi niya inaalis ang madilim at malalim niyang titig sa ‘kin. Para siyang isang leon na nakakita ng isang kuneho na kaniyang bibiktimahin. Ayaw niya akong lubayan ng mapanganib niyang titig

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD