Chapter 22 Paulit-ulit akong nagbubuntonghininga habang naglalakad papunta sa katabing counter. Pinagpapawisan ako nang malamig at pakiramdam ko ay anumang oras ay magpapakita na si Angela para ibigay ang parusa niya sa ‘kin. Bumibilis ang pagtibok ng puso ko kaya para na akong masusuka. Gano’n pa man ay tiniis ko ang takot na nararamdaman ko. Sabi ko nga kay Dysea kanina, trabaho ko ‘to. Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa counter ay nagtama na kaagad ang paningin namin ni Aldous. Nasa mukha niya ang gulat. Hindi ko alam kung bakit ganiyan na naman ang reaksyon niya. “Jan…” Napaayos siya sa pagkakatayo sa harapan ng counter. Itinabi niya ang stainless tumbler na hawak niya upang maibigay sa ‘kin ang buong atensyon niya. “Parehas lang tayo ng club na pinagtatrabahuhan pero bihira n

